ENTRY #15

38 7 5
                                    

"DEPRESSION"

Disclaimer: As what you can read to the title, this topic could be sensitive to others. But I want to tell you that this story is just my purely imagination and I don't want to hurt anybody. If you don't want this kind of topic, you can skip this one. Thank you! Keep safe and God Bless!

----

"Congrats!"

Umupo ako sa tabi nya at abot tengang nginitian sya pero saglit nya lamang akong tinignan at wala manlang reaksyon sa kanyang mukha.

"Sayo din." Tipid nyang sagot bago muling tumingin sa harapan. Nang tawagin na sa stage ang pangalan ko ay umakyat na ako at nakipagkamay na may kasamang picture. Ngiting ngiti naman ako. Hindi pa inabot yung certificate dahil sa graduation na daw namin ibibigay. Pagkababa ko mula sa stage ay dali dali akong tumabi sa kanya.

"Ang tahimik mo naman." Sabi ko habang nakahalumbaba. Nakakaantok kase dito sa conference room tapos itong katabi ko ay di manlang nagsasalita. Tinignan ko sya bago ko inilahad ang kanang kamay ko. Napalingon naman sya sa akin. Tinignan nya ang kamay ko bago nagtataka akong tinignan sa mga mata. "Ako si Marie." Nakangiti kong sabi. "Ikaw si.....?"

Huminga sya ng malalim bago umaktong nahihiya pero iniabot naman nya ang kamay ko para sa isang shakehands.

"Maria." Namilog ang mata ko dahil sa gulat.

"Talaga? Grabe. Isang letra nalang pareho na sana tayo ng pangalan." Tuwang tuwa kong sagot. Mas nanlambot ang puso ko nang makita ko syang lihim na napangiti.



Ito ang pinaka unang pagkakataon na nakita kong ngumiti ang batang si Maria.


Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Examination week na namin ngayon. Finals na at konting araw nalang graduation na namin sa Junior High.

Habang nagbabasa ng libro ay saglit kong tinignan si Maria na abalang nagbabasa ng sandamukal na libro sa harapan nya. Nahiya naman ako kase isang libro na nga lang ang binabasa ko, baliktad pa.

Kasalanan ko ba? Nakakaantok e!

Taranta ko namang inayos ang libro ko dahil baka mahuli pa ko ng librarian.

"Maria, gusto mo ng fishball? Libre ko!" Mahina kong bulong sa kanya. Tumingin sya sa akin at tipid na ngumiti.

"Hindi ako pwede. Kailangan kong mag aral." Sagot nito bago muling ibinalik ang atensyon nya sa binabasa nyang libro. Napanguso naman ako.


"Sige na, ngayon lang naman kita aayain. Kahit na bente pesos pang fish ball ililibre kita!" Pagpupumilit ko pa. Kita ko namang napahinga sya ng malalim at laking tuwa ko nang makita ko syang bahagyang tumango.

---

Alas kwatro. Labasan na ng mga estudyante. Tuwang tuwa akong hinawakan ang kamay ni Maria habang naglalakad kami. Agad naman syang napatingin sa kamay kong hawak hawak ang kamay nya.

"Bakit? Mag best friend tayo diba?" Tanong ko naman. Umangat ang tingin nya sa mukha ko.

"B-Best friend?" Pag uulit nya. Tumango ako.

"Oo." Abot tenga kong ngiti.



Nakarating kami sa parke at umupo sa damuhan habang masayang kumakain ng binili naming fishball.

"Maria, magkwento ka naman ng tungkol sa pamilya mo." Sabi ko bago tumusok ng fishball at sinubo ito. Parang tila nabalisa sya. Siguro ay nahihiya syang magkwento kung kaya't naisipan kong ako nalang muna.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now