Chapter 3

116 7 1
                                    

Note: Unedited! You may encounter typos and grammatical errors ahead.

Chapter 3: Who's Who?

Blaire's POV

Pagka-alis na pagka-alis ni Profesor Nigel ay agad na nagtawag ng atensyon si Henry. Nabasa ko lang sa nametag niya ang kanyang pangalan.

Siya siguro ang Presidente kumbaga sa classroom na 'to.

Tumayo siya sa harapan at lahat ng atensyon ay nasa kanya na ngayon.

"The Academy is too large and wide for us to do this task individually," pauna niyang salita.

Tama naman siya. Isang bato lang ang hahanapin namin at napakaliit nito kaya sang-ayon ako sa sinabi niya. But, what is he going to point out?

"So, naisip ko lang na mas madali natin itong matapos kung gagalaw tayo bilang isang grupo. Besides, hindi sinabi ni Profesor Nigel na bawal. He simply just stated that we can do all the ways that can possibly help us finish this task." Napatango naman ang karamihan sa sinabi niya.

I get his point and yes, it's way better. Unity in this task is indeed needed. We have a high chance of finding the stone in just a week or less kung kami ay magtutulungan.

"If you agree with my idea or should I say suggestion, kindly raise your right hand," pagpatuloy niya.

I never hesitated to raise my right hand gayundin ang iba. Sino ba naman ang aayaw sa ideyang gagawing isang grupo ang paghahanap sa ganito kahirap na gawain 'di ba? Malamang takot lang din namin na magfailed at lumiit ang tsansang maging classified students.

"So here's the plan!"

Sinimulang diniscuss ni Henry ang plano niya para sa gawain na ito.

"First thing we should do is to find a hint where can this stone be hidden. Lylia?" He called a name and a girl with a dark wavy hair stood up. "I know you love to read books so can you search a hint in the library?" he asked.

"Sure!" Lylia immediately answered and gestured a check. "But, I need some assistance. Can I count on you Levy and Melvs?" she added.

Two girls snapped their fingers together at the same time. "You can count on us," sabay na wika nila Levy at Melvs.

Based on their appearance, I guess they are twins. Identical twins to be exact.

Lylia winked on them at umupo na muli sa kanyang upuan.

"Good to hear that from you guys," komento ni Henry.

"Anything can we do as well?" tanong ng isang babae na nasa unahan nakaupo. Hindi ko mabasa ang nametag niya kasi nga nasa likuran ako at nakatalikod siya sa akin.

"As for you Isabela, you can accompany me. We will ask some teachers about the stone," sagot naman ni Henry. So Isabela pala ang pangalan niya. Maganda rin siya at paniguradong mabait at palakaibigan siya.

Sinagot naman ni Isabela ng thumbs up si Henry.

"Pwede ba ang gano'ng paraan?" singit naman ni Loki. Iyon ang pangalan na nakasulat sa nametag niya.

Henry smiled and answered, "As Profesor Nigel stated, we can do all the ways we think can help."

I admit Henry is a wise guy. Marunong siyang maghandle ng ganitong bagay.

"As for the others, you can ask students for a hint."

Everybody agreed.

"Once you get some helpful information kung saan nakatago ang bato, send us a signal for meet up sa classroom na ito using this magical tool." Naglabas ng isang bagay si Henry mula sa kanyang bulsa. May pinindot siya rito at ilang saglit lang ay nagkaroon kaming lahat ng kwintas.

Mage Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now