23

3 0 0
                                    

UNBREAKABLE

Naglalaro kami ng kakambal ko ng Barbie ng biglang dumating ang Nanay namin. Patakbo kaming lumapit ni Left sa kanya ngunit mas una nyang binuhat si Left kaysa sakin.

Bata palang kami ay malaki na ang inggit ko kay Left, pero hindi naging hadlang yon para maging close kami sa isa't isa. Halos sa lahat ng bagay ay magkasundo kami and guess what? Pati sa lalaki ay pinaghahatian namin. Pag crush ko, crush nya rin. Pero dahil mas mahal namin ang isa't isa hindi namin 'to pinag aawayan. Kung tutuusin ay mas mabait si Left kaysa sakin kaya mas gusto sya ng lahat.

Lahat ng bagay nakukuha nya pero gaya ng sabi ko hindi namin to pinagtatalunan. Kasi sa lahat ng bagay na nakukuha nya ay hinahatian nya ako kung minsan ay binibigay nyang lahat sakin. Ramdam kong mahal na mahal nya ko at ayaw nyang makaramdam ako ng inggit sa kanya kung kaya't ginagawa nya yon. Pero hindi ko mapigilang hindi mainggit.

Hanggang sa dumating si Mico sa buhay namin. At syempre dahil gwapo si Mico parehas namin syang nagustuhan ni Left.

"Yries? Ang gwapo nya talaga hihi." Kinikilig na sambit ng kakambal ko habang nakatitig kay Mico na nagbabasketball.

"Hoy Left, pwede bang akin nalang sya? Andami namang nagkakagusto sayo dyan e." Sambit ko pa dito. Tumawa naman sya at niyakap ako.

"Osige na nga. Sayo na sya Yries." Niyakap ko naman sya pabalik. See? Ganyan nya ako kamahal.

Lumipas ang ilang araw at naging close namin ng husto si Mico. Nalaman ko din na si Left ang gusto nya at hindi ako haha. Pero sa halip na si Left ang ligawan nya, ako ang linigawan nya. Naguguluhan ako pero hindi ko na inaksaya ang pagkakataon.

Dumating ang kaarawan namin ni Left at sobrang saya namin. Nagbibihis kami sa kwarto habang nagkukwentuhan.

"Yiiiiieeee 18th na tayooo Leftttt. Happy Birthdayyyyyyy!" Sambit ko sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Agad naman nya kong niyakap pabalik.

"Happy Birthday din Yries." Sambit nya agad naman akong humiwalay sa kanya at tumawa.

"Tama na nga baka magusot gown naten. Hahahahaha." Tawa ko pa. Ngumiti lamang sya.

Nagkakasayahan ang lahat. Nakausap ko na din si Mico kanina at sobrang saya ko kasi kami na. Sinagot ko na sya kanina.

"Oh Yries? Asan si Left? Hanapin mo nga at magboblow na kayong cake. Asan din pala yung ipapakilala mo samin ng Papa mo?" Tanong sakin ni Mama. Nagpalinga linga ako upang hanapin si Left at Mico pero hindi ko sila makita.

"Papakilala ko sayo mamaya Mama. Hahanapin ko po muna si Left." Sambit ko at naglakad na papalayo.

Halos naikot ko na ang buong bahay namin ngunit wala sya. Siguro ay nasa taas yon at nagbibihis na dahil masyadong mabigat itong gown. Agad akong umakyat sa taas at akmang kakatok na ko sa pintuan ng may narinig akong tinig.

"Ugh bilisan mo Mico, baka abutan tayo ni Yries." Sambit ng--- agad umakyat ang galit sa ulo ko at pasipang binuksan ang pinto. At dun nakita ko si Mico at Left na magkapatong at walang saplot. Nang makita nila ako ay dali dali silang nagbihis.

Habang ako'y nahihirapan ng huminga dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Mismong kambal ko? Haha akala ko magiging kakampi ko sya.

"Yries s-sorry." Umiiyak na sabi ni Left saken. Bago pa sya makalapit ay sinampal ko sya ng sobrang lakas.

"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kita! Mismong boyfriend ko talaga Left!?" Umiiyak ding saad ko. Pero sorry lang ang sinasabi nya.

"Sorry Yries." Sambit ni Mico tinuro ko sya at pinalabas ng kwarto na agad nyang sinunod.

Tiningnan ko si Left at umiiyak pa din sya.

"Dapat Left pangalan ko e, kasi lahat iniiwan ako haha." Sabi ko pa at pekeng tumawa.

"Wag mong isipin yan. Sorry natukso ako, hindi ko sinasadya." Sabi naman ni Left habang nahagulgol ng iyak.

"Lumaki akong hindi nakukuha ang lahat ng gusto ko, samantalang ikaw? Kahit hindi mo gusto nakukuha mo! Sa lahat ng bagay mas angat ka saken!" Iyak ko pa. Tumingin naman sya sakin.

"Pero lahat ng nakukuha ko ibinibigay ko sayo!" Sumbat pa nya sakin. Natawa naman ako.

"Hindi ko sinabing ibigay mo sakin! Pero si Mico? Sya lang ang hiningi ko sayo Left! Sya lang! Akala ko kakampi kita, akala ko lang pala." Sambit ko pa at tumalikod na. Sinubukan nya kong pigilan ngunit hindi sya nagtagumpay.

Matapos ang pangyayaring yon ay hindi na kami muli pang nag usap ni Left. Sobrang sakit kasi diba? Mismong kapatid mo. Ilang beses nya kong sinusubukang kausapin ngunit agad akong naiwas.

Hiniwalayan ko na si Mico at napapansin kong iniiwasan na din nya 'to.

Nagsusuklay ako ng buhok ng biglang inagaw sakin ni Left ang suklay, at sya ang nagsuklay sakin. Hinayaan ko lamang sya.

"Namimiss na kita. Patawadin mo na ko Yries. Hindi ko sinasadya. Iniwasan ko na din si Mico. Mahal na mahal kita Yries. Mawala na sakin lahat wag lang ikaw. Kakambal mo ko diba? Balik na tayo sa dati, ako na ulit ang tagapagtanggol mo. Ako na ulit ang kakampi mo sa lahat. Naalala mo ba yung mga kalokohan nating ginagawa dati? Ulitin natin pls." Umiiyak nyang sabi habang sinusuklayan ako. Agad akong tumayo at humarap sa kanya.

Tiningnan ko ang mga mata nya. Halatang nagsisisi sya sa ginawa nya. Pero sobrang sakit sa part ko ih.

"Alam kong hindi mo pa ko mapapatawad ngayon pero maghihintay ako Yr---." Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng bigla ko syang niyakap.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit. Sobra ko syang namiss. Kahit gano kasakit ang ginawa nya, kapatid ko pa din sya. Pinunasan ko ang luha nya at hinalkan sa noo.

Ganon naman talaga diba? Kahit gano kasakit ang naidulot sayo ng isang tao, magbibigay ka pa din ng chance kasi nga mahal mo.

Pinatawad ko si Left at lalo ko syang minahal nung binigyan ko sya ng chance na makapagbago. Tinalukuran namin ang pangyayareng 'yon at nag umpisa ulit ng bagong buhay. Mahal ko si Mico pero mas mahal ko ang kapatid ko.

Si Left ay kalahati ng buhay ko, I don't want to lose her. Kaya magpapatawad ako ng paulit uli, magstay lang sya sakin. My love on her are unbreakable.

WAKAS.

One Shots CompilationWhere stories live. Discover now