Chapter 1.Beginning

10.5K 185 3
                                    

Ahhhaaayyy!

Naginat ako at nagayos ng sarili. Sa wakas im back! ang pinakamamahal kong bansa. Nagdali dali ako at bumaba na sa private plane ko at lumanghap ng hangin.

(coughed)

Ito ang ayaw ko sa pilipinas eh! Napakausok ! Pero namiss ko talaga to, 8 yrs. ako sa Korea mula noong umalis ako ng 8yrs. Old dito sa pilipinas.

"Ma'am Airah dito po tayo". Inalalayan ako ng driver namin at sumakay na sa van.

Namiss ko din ang mga taong nasa mansyon pati si manong Erny at manang Eba.

"Manong Erny bakit po hindi sumama sa pagsundo si manang Eba?" malungkot na tanong ko nang makaupo na ako sa van.

"Nako bunso nagresign na si manang Eba mo, umuwi na sa Mindoro." Saad ni manong Erny kaya nalungkot ako, akala ko nasa mansyon parin siya. Tumahimik nalang ako at naglagay ng earphone. Ganto ako pag malungkot.

After 30 minutes, bumaba ako ng van. Namiss ko tong mansyon namin, pero teka akala ko ba wala na si manang Eba dito? Ayst! Haha hindi nako nasanay kay manong Erny! Hahaha

"Manang eba !!!!" Sigaw ko at nagtatakbo akong parang bata at yumapos kay manang Eba. Hindi ko nga alam kung bat ganto ang inaasta ko kapag ang kaharap ko ay ang mga nakakasama at kasama sa bahay, siguro dahil komportable ako pag sila ang kasama ko.

"Nako bunso mabaho pa si manang teka liligo lang ako." Pagpigil ni manang pero niyapos ko pa rin siya! Haha I really missed her.

Siya kasi nagalaga sakin mula baby hanggang 8 yrs. Old nagkalayo lang kami nung nagpunta kaming korea.

"Ano ka ba manang! Magtatampo ako pag hindi mo rin ako niyapos !" Sambit ko kaya agad agad niya akong niyapos

"Ikaw na bata ka, hindi ka pa din nagbabago. Tumangkad ka lang at lalong gumanda e." Napatingin ako kay manang.

"Ikaw din manang hindi ka pa rin nagbabago, bulera ka pa din!" sabi ko kaya nagtawanan kami.

"Halika hija, kumain ka muna nagluto ako ng paborito mong alimango." Nagmadali akong sumunod kay manang at umupo.

"Huuumm ang bango thank you manang, akala ko talaga umalis ka na, niloloko lang pala ako ni manong erny." Sabi ko habang habol ang amoy ko sa bawat pagsandok ni manang ng sabaw.

"Hindi ka na nasanay dun, kaya hindi magkaasawa yun e" natawa na lang din ako dahil kahit naman siya wala pa ding asawa.

"Oh ayan kain na." Agad ko naman iyong nilantakan.

After ko kumain nagpunta muna akong kwarto ko. Namiss ko to, kaya naman loves na loves ko si manang eh hindi niya nililikot ang gamit ko. Halos walang nagbago, ang linis linis pa.

Ahm, ang daldal ko na pero hindi niyo pa ko kilala. Airah Mae Park nga pala, 16 yrs. Old. Anak ako ni Dave Park at Liza Park. I have 1 brother named Michael Park, he is 5 years older than me. May kaya lang kami (coughed) sobrang may kaya pala hehe meron lang naman kaming korean restaurant sa iba't ibang bansa, boutique sa korea and philippines, SavePark Mall dito sa Pilipinas at Canada, DPU (Dave Park University) at madami pang iba ayoko na lang isaisahin baka tamarin na kayong magbasa lagot ako kay author haha.

Well fortunately my dad handled the biggest group of gang in Asia named Flying Mischievous. Mapaliit o mapalaking gang basta connected ang name ng group sa kahit anong lumilipad ay si dad ang pinakaleader like Mysterious Dove, Attacker Eagle, Hidden Crow,and Playful Bat. One of it is leaded by me, the Mysterious Dove. Well ang Hidden Crow naman ang pinamumunuan ni kuya. 5 years old pa lang kami ay tinuturuan na kami ni Daddy makipaglaban at humawak ng iba't ibang armas.

Bawat gang ay may kanya kanyang leader or founder but hindi kami pwedeng kumilos ng walang pasabi ni dad. Kilala ako sa pangalang White Dove at kapag naka Dove suit. Ginusto ko talaga ang buhay na ganito dati kasi nga astig at may thrill pero narealize ko na nakakatakot din pala. Pero dahil nandito na hinaharap ko na lang ng buong tapang at lakas. Lalo na't nadamay ang buhay ng taong mahal ko!

Ngayon na nandito ako sa pilipinas, I have to disguise as a nerd. Hindi dapat ako makilala lalo na't desidido talaga silang patayin ako. Pabor naman sakin dahil gusto ko rin naman magkaroon ng tahimik na buhay. Kaso wala na siya, wala na ang mahal ko. Maybe all of this are just a plan for my revenge.

Sa university ni dad ako papasok kaya ngayon kilalanin niyo muna ako bilang Airah Gomez.

~~~


>Choifox16<
Hello everyone! Para po sa mga nakabasa na ng story na ito may mga binago po ako sa ikot ng story. Sana sipagin kayong basahin ulit ito! Yun lang po kamsahamnida :)

Please..
√ Vote
√ Comment
√ Follow me

Thankyou!

>Started: 2014<

The Three Identities (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon