015 -Luke-

1K 35 8
                                    

Here's Lucio's POV chapter finally after so many chapters na puro si Gabby.

Konting idea lang siguro about what's running through Luke's head :)

1 week to go before Christmas! :)

 --------------------------------------------

RAKISTA LOVE AFFAIR

/Luke's POV/

Nakaupo kami ng mga barkada ko ngayon. Nakatambay na naman. Kakatapos lang kasi nung klase kanina at nag-aya si Mikey na lumabas kami para kumain.

"Hoy, Mikey manira ka naman hindi lang ikaw yung bumili niyan." Sita ni Ash.

"Wag mo nga akong pakealaman kumuha ka na kase." Nakalahati na ni Mikey yung box ng pizza.

"Na saan na ba si Cal?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Kanina pa kasi kami dito at wala pa yung isang yon.

Hindi buo yung tropa kung wala si Calum. Hindi ko nga malaman kung bakit nahiwalay siya samin nung 3rd year at nalipat ng section.

Ayos na sana kasi simula freshmen kaming apat yung solid na magkakasama nabago lang nubg dumating yung 3rd year at napunta siya sa Section B.

Isa sa sa mga masasabi kong 'bestfriend' ko si Calum. I'm not saying that Mikey and Ash were not because they're cool.

"Pare!"

"Oh, nandyan na pala..." Narinig kong sinabi ni Ashton.

Nilingon ko agad at nakita si Calum na papalapit na sa pwesto namin.

Naupo siya bakanteng upuan katabi ni Mikey.

Kumuha siya agad ng isang slice ng pizza at kinagat.

"Ang tagal niyo naman yatang pinalabas pre." Tanong ni Ashton.

Tinignan ko lang si Calum.

"Naku... Pano ba naman nagovertime pa yung ma'am namin. Nagugutom na nga ako e."

"Kumain ka lang diyan. Bayaran mo na lang kay Luke." Sabay node ni Ash sa direction ko.

Wala daw barya si Mikey at Ashton kaya ako na lang nagpresinta na magbayad muna ng pagkain naming apat.

Kumuha ako ng isang slice at kinain.

Nilibot ko yung mata ko sa paligid.

Ang daming tao ngayon lalo na yung mahabang pila na ang bagal umusad.

Wala akong nakitang mahabang buhok na babae na parating kasama yung 'bestfriend' niya.

Sa totoo lang hindi ko pa nakikitang magkahiwalay yung dalawang babaeng yon.

Para bang mahiwalay lang yung isa may mangyayareng hindi maganda.

Sila lang naman yung dalawang babaeng madalas kong nakikita dito sa canteen at minsan nakaksalubong sa daan.

Nakakapanibago lang kasi hindi ko sila makita.

Binalik ko yung attention ko sa mga kabarkada ko.

Umiinom si Ash ng ice tea ng marinig ko ulit magsalita si Calum.

"Oy, nga pala pare..." Napunta yung buong attention naming apat kay Cal.

"Ano?" Tanong ni Ash.

"Saglit lang."Sinubo niya yung natirang kapirasong pizza na hawak niya.

"Painom." Inabutan ko siya ng tubig.

RAKISTA Love Affair Season 1 (5SOS)Where stories live. Discover now