020

1K 25 5
                                    

It's a short update :)

Paki-play yung video at the side 'Somebody To You' by The Vamps merong scene sa chapter.

x

RAKISTA LOVE AFFAIR

/GABBY/

"Honey, pwede ba kitang makausap?"

Naglakad ako palapit kay mama at naupo sa stool katapat niya.

"Bakit po ma?"

Nasa kitchen kami ngayon. Nagluluto si mama ng ulam namin.

"Nak diba nasabi ko na sayo yung tungkol don sa bahay na kukunin natin sa states?"

I nodded.

"Bakit ma update na po ba?" Tanong ko.

"Inaayos pa din ng papa mo."

"Ok."

Isa sa benefits ni papa sa trabaho niya yung pagbibigay ng bahay sa company na pinagtratrabahuhan niya ngayon.

Bale 50% sagot na ng company yung bill at the rest sa employee na.  Sabi ni mama sakin pwede daw na full ng sagutin ng company lahat ng gastos hindi ko lang alam kung paano yung negotiation na gagawin nila.

"Pinapasabi lang ng papa mo na baka before Christmas pupunta tayo don."

Nandon yung excitement ng marinig ko yon but at the same time medyo disappointed kasi kung sakaling matutuloy kaming umalis hindi kami dito magpapasko sa Pililipinas.

"O, honey bakit?"

"Ahh.. Wala ma."

Napagisip-isip kong tanungin kay mama ito.

"Ma?"

"Hmm?" Sinulyapan niya ako.

"Ma... If ever magkabahay na tayo don. Doon na rin tayo titira?" I asked her.

Hindi ko alam kung gusto ko bang malaman ang sagot don sa tanong ko o hindi.

May idea na ako na kung anong pwedeng mangyare kung sakali ngang ma-approve yung papers ng bahay.

"Hindi ko pa masasabi Gabby..." Narinig kong sinagot ni mama.

"Dipende sa decision ng papa mo."

Napagkwentuhan na din namin ni papa yung tungkol dito. Matagal na niyang sinabi na dadalhin niya kami ni mama sa US.

Syempre gusto ko na makapunta don at isa sa pangarap ko yung 'magwhite-christmas'.

Natatandaan ko pa yung  kinikwento sakin ni papa yung 'snow'.

"Bakit nak? Ayaw mo ba?" Nandon yung pagtataka at pagaalala sa boses ni mama ng tanungin niya sakin yon.

Umiling ako sa kanya.

"Hindi naman ma..." Sabay buntong hininga ko.

Tinitignan ako ni mama na para bang pinakikiramdaman niya ako.

"Kasi ma... Syempre if ever magdecide si papa na doon na tayo... Mamimiss ko dito." Dahilan ko sa kanya I know deep down may mas malalim pa akong rason kung bakit ba ayaw ko na matuloy yung pagmigrate namin.

"Gusto niyo po bang tumira don?" Binalik ko ang tanong kay mama.

She shrugged her shoulders.

RAKISTA Love Affair Season 1 (5SOS)Where stories live. Discover now