CHAPTER 20

22 1 0
                                    

Chapter  20:  Letting Him Go

Lahat kami ay napatingin sa kararating lang na si Calvin.  Pawis na pawis ito at hinihingal .  Napapa kunot ang noong napa tingin ako sa damit nya.  May putek and damit nya.  Maging ang buhok nya ay magulo at may dahon pa.  Saan ba galing ang lalaking to?

"Napano ka? " Agad na tanong ni Jane. Itinaas ni Calvin ang kamay para sabihing sandale.  Huminga ito ng malalim saka naupo sa Katabing upuan ni Jane.  Kaagad kong ibinigay ang tubig na sana ay para sakin.  Pero mukhang mas kailagan nya iyon. 

"Ayos kana ba tol?  Saan kaba nag susuot?  Kanina pa nag kaka gulo ang lahat." kunot noong tanong ni kien.  Naka masid lang naman sina Neil, Jayson at Mark. 

"That's  it.  Kaya ako ganito.  " Uminom pa muna sya bago muling nag salita. 

"I saw them taking away the girl.  So I follow them"

Natahimik kaming lahat. Lahat kami ay nag aantay sa sasabihin nya. 

"Na-nasaan na sila? " Tanong ko.  Umiling naman si Calvin. 

"Nakita nila ko habang sinusundan ko sila.  I can't  fight  them dahil apat sila at armado.  Kahit saang angulo mong tingnan wala akong laban. "

Napapabuntong hininga na lamang ako.  "kung ganun saan sila dumadaan? " Sigurado akong hindi sila dadaan sa main Gate ng School.  Kaya may iba silang dinaraanan.  Pero ang pag kakaalam ko, apat ang Gate ng school na to at lahat din ng ito ay may guard  na naka talaga upang mag bantay. 

Imbes na sagutin ang tanong ko ay tiningnan lamang nito si kien.  Maging si Niel.  Naguguluhang tumingin ako isa isa sa kanila.  Nakita ko pang tumango si kien. 

" Mabuti pa tapusin nyo na muna iyang kinakain nyo, Ihahatid na namin kayo" Turan ni Kien. 

"Boy's  Things" Bulong sakin ni Mia. Hindi ko man naunawaan ang ibig nyang sabihin ay tumango na lamang ako. 

Gustuhin ko pa mang mag tanong ay wala nang nais mag salita.  Lahat ay busy na sa pag kain.  Maging si Calvin  ay kalmadong kumakain.  Ano bang nangyayare? 

May mali.  Nararamdaman kong may mali.

Tulad ng sabi ni kien. Hinatid nila kami sa girls dormitory.

"Wag kanang lalabas pa Bethany  ok?  Masyadong mapanganib" Sabi ni Jayson. 

"Naku Hindi naman yan kukunin. " Pasada ni Mr.  Nega. Sinamaan ko sya ng tingin. 

"Bakit naman? " Tanong ni Mark

"Panget kaya yan ahahahah hindi nila type ang panget at Pandak! Ahahahaha" Tawa nya pa. 

Tiningnan naman sya ng masama ni Jayson, Maging nila Mia at Jane.

"Bakit? " tanong nya nang mapansing sya lang ang natawa sa sinabi nya. 

Napailing iling naman si Calvin.  "Tama si Jayson. Walang lalabas sa inyo.  Kung gusto nyong lumabas mag chat,text or tawag kayo para masamahan namin kayo" Sabi nya kay Jane. 

Napatingin naman ako kay Mia. Naka tungo lamang ito.  May hindi ba ako alam?  Bakit hindi nag papansinan ang dalawang to?  Nag away ba sila? 

"Sige na pasok na" Malamig na sabi ni Niel.  Isa pa yan ano bang ginagawa nya dito?  Bakit nakikisama sya samin?  Kanila kien?  Akala ko ba mag kaaway ang dalawang groupo. 

Hay naku ang gulo talaga ng mga lalaki kahit kelan. 

Sumunod na lamang kami sa kanila. Hindi sila umalis don hanggat hindi kami nakita sa mismong bintana ng kwarto namin. 

Kumaway pa si Jane. Mukhang ito ang madalas nilang gawin tuwing ihahatid sila.

"Bethany!" tawag ni Mia sakin na agad ko namang ikinalingon.

"Huh? "

"Umamin ka nga" Nangunot ang noo ko. 

"Anong aaminin ko? "naguguluhang tanong ko. 

"Kayo ba ni Jayson? " Nanlaki ang mata ko saka humagalpak ng tawa. 

"Ahahaha Bakit?  Pano mo nasabi? " tanong ko habang pilit na pinipigilang mas lalo pang matawa. 

"Sagutin mo na lang" Singit pa ni Jane.  Na kakasarado lamang ng pinto sa balcony.

"Hindi no ahahah.  " kaagad na tangge ko, Saka muling tumawa.  Nababaliw na ba ang dalawang to?  Ano naman kayang pumasok sa isip ng dalawang to at ganyan ang tanungan.

"Kasi sumama sila satin.  And TAKE NOTE  NAG SAMA ANG PHOENIX  AT FOX RING NG HINDI NAG AAWAY" pag didiin pa ni Jane na agad tinanguhan ni Mia. 

"Maybe dahil sa incidents lang yun. Mga pinag iisip nyo.  Diba dapat ako ang mag tanong sayo Mia  kung anong nangyare sayo at kay Calvin? " Nakapamewang na tanong ko. 

Kaagad namang nag iwas ng paningin si Mia. 

"Oo nga, akala ko ako lang naka pansin. Anong nangyare sa inyo?  May nangyare ba?  Nag away ba kayo? " Sunod sunod na tanong ni Jane kay Mia. 

Payak na ngumiti si Mia "Wala.  Hindi kami nag away" napaawang ng labing lumapit ako sa kanya. 

"Kung ganun bakit hindi kayo nag papansinan?"

"I broke up with him" Sabi nya saka ngumiti samin. 

Tumungo sya "I do the right  thing.  Hindi ako ang gusto nya.  It's  always you" Sabi nya saka hinawakan ang kamay ni Jane

"I'm  so sorry for ruining  your relationship  with him" Malungkot na sabi nya. 

Naka tulala naman si Jane.  " After what happened  to me.  I realized  that every second,minute or hour are important. And I don't  want to lose any minutes  believing  myself that he will love me back.  I know I become  so selfish. He love you So much Jane.  And I'm  so sorry for being  a bad Bestfriend. But kakapalan kong muli ang mukha ko at muling hihingi ng favor sayo" umiiyak na sabi ni Mia.  Napangiti na lamang ako sa kanila.Marahang tumango si Jane.

"Can I be your Bestfriend. Again?  Please " Umiiyak na tanong ni Mia.  Marahang umupo si Jane sa tabi ni Mia saka niyakap si Mia. 

"I Will  always  be your bestfriend  hindi yun mababago pa ng kahit na sino, Hindi ka mapapalitan ng kahit na sino" Saka niyakap ni Jane si Mia. 

Napapaluhang umiwas ako ng tingin.  Naalala ko na naman si Gelic.  Siguro ganito rin kami ngayon kung buhay pa sya. But she will always  be my Best Friend. No one can replace  her. 

"Anong ginagawa mo jan? " tanong ni Jane. I was about  to look at them ng biglang hilahin ni Mia ang kamay ko dahilan para mapa upo rin ako. 

Kaagad silang yumakap sakin. " At sempre magiging parte kana rin namin.  Tayong tatlo" Bulong ni Jane sa pagitan ng mga yakap namin. 

MY Nega BoyfriendWhere stories live. Discover now