CHAPTER 21

21 2 0
                                    

Chapter 21:  Kidnapping

Kalagitnaan na ng gabi pero hindi parin ako maka tulog. Pagulong gulong ako sa higaan tapos ay uupo at muling hihiga. 

"Arrgghh I can't  sleep" Naihilamos ko na lang ang kamay sa inis ko.  Binalingan ko sina Jane at Mia ngunit kapwa mahimbing na ang pag kakatulog ng mga ito. 

Siguro kailagan ko lang ng sariwang hangin.  Tumayo ako at nag tungo sa Minni Kitchen  namin and Get some water. Saka nag tungo sa Balcony.

Napa pikit ako ng maramdaman ang lamig ng hangin. Napapabuntong hiningang napatingin na lamang ako sa kalangitan.  Puno ng bituin, napapangiting tiningnan ko ang mga nag nining na mga bituin. 

"Kamusta na kaya sina Mommy" Muli ko na namang naramdaman ang pakiramdam na mag isa. I felt lonely  every time  I'm  drown in my deep thought.

"I Miss them so much. I hope they doing  well.  I hope they are safe." Nakaka inis talaga yung sobrang soft hearted ko, kahit konting bagay iiyakan ko,  pinahid ko ang butil ng luhang kumawala sa mga mata ko.  But I promise  na iiwasan ko na ang ganitong ugali.  Kailagan kong tatagan. Dapat maging matatag ako ayoko namang mag alala pa sila sakin. 

Nasa ikatlong palapag ang Kwarto namin kaya naman ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na humahampas sa kabuoang katawan ko, plus the fact na hating gabi na. 

Napakunot ang noo ko nang may maaninag akong tao sa ilalim ng puno sa baba ng dormitory.

Sino yun?  Pinag katitigan kong maigi,  ngunit hindi ko maaninag.  One thing  for sure lalaki yun.  Out of curiosity I jump at the balcony. Nasa second floor na ko at nakikita ko na kahit papano ang lalaki. 

Kinabahan ako ng may isang babaeng nag lalakad di kalayuan.  Mukhang pabalik na ang babae sa dorm.  Susuray suray pa itong nag lalakad. 

"Oh fvck! " pabulong na mura ko ng makitang nag lakad ang lalaki patungo sa gawi ng babae.  Mabilis na kumilos ang katawan ko.  Muli akong tumalon. Kaya lang ay nag kamale ata ang pag landing ko dahil nauna ang tuhod ko. 

"Arrgghh" impit na Daing ko sa sakit ng tuhod .  Naman mukhang mababalian pa ata ako.

Tiningnan ko ang babae kung nasaan na.  Hawak na ito ng lalaki.  Pilit na winawaksi ng babae ang kamay na hawak ng lalaki.  Pinilit kong itayo ang sarili mula sa pag kaka luhod. Nang hindi inaalis ang paningin ko sa dalawa. 

May itinakip ang lalaki sa ilong ng babae, nag pupumiglas at nanglalaban ang babae. Ngunit nawalan ito ng malay. 

Iika-ikang nag lakad ako papunta sa gawi nila.  Ngunit kaagad ding nag tago sa isa sa mga puno ng may dumalong lalaki sa dalawa.  Kinuha nito ang babae sa lalaki.

Muli itong nag lakad, kaya palihim akong sumunod kahit pa nga ang sakit parin ng tuhod ko. 

Nakita ko na ng malinaw ang mga lalaki.  Kapwa naka itim ang mga ito.  May tabing din ang mukha nila at tanging Mata lamang ang makikita mo.

Napa hawak na lamang ako sa aking bibig ng makitang ang cheer leader Ang hawak nila.  It's  Suzanne.  Ano bang ginagawa nila sa mga Cheering Squad?  Bakit ang mga ito ang kinukuha nila?  Dalawa na ang nakukuha nila.  At kung makukuha pa nila yan ay pangatlo na sya. 

"Kung ganun, hindi lang nag kataon nung araw na mapahamak si Mia" pabulong na pag kausap ko sa sarili ko. 

"Ganun na nga" Malamig na tinig na galing sa likuran ko.  Dahan dahan at pigil ang hininga akong humarap.  Mariing naiipikit ang mata ko bago humarap. 

Dahan dahan kong binuksan ang mata ko. Bumungad sa akin ang poker face na mukha ni Neil. 

Naka hinga ako ng makuwag nang, mapag sino. 

MY Nega BoyfriendWhere stories live. Discover now