ELP: Chapter 3

12 0 0
                                    

Ana's P. O. V.

"Sabi nila, empathy makes us human. This is our ability to understand other's feelings and thoughts and compared to computers, surely, they are programmed so that they can understand feelings, but they cannot really understand how and what a person really feels." At sa katulad kong may mirror-touch, ito yung nasobrahan sa akin. Oo, minsan may mabuting dala rin ito sa akin katulad na lamang ng literal kong nararamdaman ang sakit ng ibang tao kaya nakakapagbigay ako ng payo sa kanila, pero madalas, pinipigilan ako ng sakit kong 'to na gawin yung mga bagay na gusto ko.

"Moreover, ang empathy and sympathy ay minsang naipagpapalit sa paggamit but- magkaiba talaga ang dalawa. Well, they may be the same sa nature but they are used differently." I continued as I guided my classmates to the next slide of my report. Marami sa kanila ang hindi ganoon kung makinig sa mga sinasabi ko. Ang ilan din naman sa kanila ay pasimpleng gumagamit ng kani-kanilang gadyets habang bilang lamang sa kamay ang todo kung makinig sa akin, kabilang na ang aming guro na siyang magbibigay sa akin ng puntos pagkatapos ko rito.

"Empathy is about seeing things in a holistic manner, both based on your POV as well as sa view rin ng isang tao, and sympathy is solely based sa---" I wasn't able to finish my words when someone knocked on our door. Masyadong mabilis ang pagkatok- mukhang nagmamadali ang tao sa labas- kung kaya naman bilang malapit sa pintuan, dali-dali ko rin itong binuksan. Iniluwal naman nito ang isang guro na may hawak na stick sa kanang kamay at may pingot-pingot na estudyante naman sa kabila. Napakunot-noo ako sa nasaksihan.

"Hindi ka talaga madala-dala, ano?! Oh, siya. Dahil ayaw mong pumasok sa klase ko, dito ka sa klase na ito pumasok palagi nang maimpluwensyahan ka naman nila at maging matino ka! " madiin na wika ni ginang Esperanza sa kanya saka rin muling pinihit ang tainga ng estudyante na hindi rin naman nagpakita ng kahit anong reaksyon maliban sa poker face nito. Napadaing ang ilan sa mga kaklase ko nang makita ang matagal nang mapula na tainga nito at ang pagtulo kaunti ng dugo mula rito.

Shit.

I closed my eyes tightly. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil isang halimbawa ng empathy at sympathy ang naging reaksyon ko at ng mga kaklase ko dahil sa biglaang pagpasok ng guro at estudyanteng ito o mangingilabot dahil nasulyapan ng aking mata ang nangyaring iyon sa tainga ng isang iyon.

Natigil lang ang komosyon na iyon nang magsalita na rin ang aming guro at kinausap si Mrs. Esperanza. Ibinaling ko na lamang ang atensyon sa iba, lalo na ang aking paningin dahil sa hindi ko kayang saksihan ang nangyari sa kanya. Syempre, ako na naman ang kawawa doon.

"Bakit mo naman ginawa iyon, ha?! At sa harap pa ng mga estudyante ko? Do you want to be put behind bars, Ma'am Espi?" Galit na tugon ng aming Philosophy teacher kay Ginang Esperanza. Because of the silence that invades the four corners of this room, nawari ko na hindi sumagot pabalik ang ginang.

I sighed as I realized na nagmumukha akong chismosa rito dahil nananatili pa rin akong nakatayo sa harap na para bang naghihintay ulit ng pagkakataon na makapagpatuloy sa pagrereport sa kabila ng pangyayaring ito. Napailing ako sa sarili. Bakit nga ba kasi nandito pa rin ako sa harap?

Uupo na sana ako pabalik sa aking pwesto nang tawagin ako ni Ma'am Andrea, Philosphy teacher namin.

"Excuse me, Ms. Liliana. Thank you for your report today, but as of now, please guide this young man to the school's infirmary." Mahinahon ngunit maawtoridad na wika ni Ma'am Andrea.

I was left dumbfounded for seconds but dali-dali ring sinunod ang utos niya nang ako'y kanyang pagtaasan ng boses sa unang pagkakataon. Nakayuko ang mga ulo ko nang hatakin ko sa braso ang lalaki at saka tinungo ang daan papunta sa infirmary.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Epitome of Love and Pain (On-Going)Where stories live. Discover now