Chapter 23: Sins

72 3 0
                                    

Aishlou's POV
Finlee's Residence

     Todo alalay ako kay Lycah hanggang sa nakarating kami sa bahay nila, I looked at  my watch to get a track of time and it was already 2 in the afternoon no wonder why the atmosphere is blazing hot.

     I rang the door bell and Theo opened it shocked to see me holding Lycah.

    Dahil sa trauma niya para siyang lutang at laging may iniisip. Her arms was locked into mine without any intentions of letting go. She will surely suffer in her  condition but with care I know she'll get over it.

     "How did you...?" Tanong niya at kinuha si Lycah sa akin.

    Umiling ako at nginitian si Lycah  na ngumiti rin pabalik, "It's not important to know. Ang mahalaga, napatunayan ko na mali kayo. Na mali ka, hindi ko kayang saktan ang mga taong mahalaga sa akin. I value them dahil alam kong ganoon din sila sa akin, pero sayo ako nagkamali."

     Tumalikod ako at humakbang ng ilan palayo ng tawagin ako ni Lycah.

     "Ate, iiwan mo ako?"

     "No Lycah, lagi akong nandito para sa iyo. They are your family, they will love you. Aalagaan ka nila don't you worry," tugon ko at inilipat  ang paningin kay Theo.

     Hindi pa niya alam na na-trauma siya dahil sa ginawa ni Chelsea, I should tell them a quite information, "She was traumatized dahil sa nangyari, at kung ako nga ang kumidnap sa kanya tulad ng sabi niyo, she won't talk to me, she won't let me take her home. Alagaan niyo siya. Love and care is what she needs."

    Umalis na ako at diretsong nagmaneho papunta sa Hospital to visit Hank and Frank.

     "Tita, sorry kung ngayon lang ako nakabisita, are they okay?" Tanong ko sa Mama nila.

     "Stable na sila, thank you pagbisita Aishlou."

       Pumasok ako sa loob ng room at si Honey lang ang laman nito maliban sa kambal. Asan sila Evan at Regine?

      "Honey..." Tawag ko sa kanya at niyakap siya.

      "Aishlou thank you sa pagtawag sa Mama mo," tugon naman niya.

      Bukod sa  pagiging magkakaibigan, Honey is the cousin of Hank at Frank kaya sa aming lahat siya ang mas nasasaktan.

     "Nasaan sila Evan at Regine? Hindi din ba sila bibisita?" Tanong ko. Umiling siya bago muling umupo.

     "Evan is busy may tinatapos daw siyang output. Habang si Regine naman daw ay aalagaan yung Papa niya, may sakit daw si Tito, hindi mo ba nabasa sa group chat natin?"

     "Hindi nga eh, naging busy kasi ako kahapon pati narin kaninang  umaga kaya ngayon lang din ako nakabisita. Sana gumaling na si Tito," tugon ko at umupo sa katabing upuan.

     Her face becomes cloudy as she looked at the twins, "Siguro araw pa ang bibilangin bago sila maka-recover. Hindi ko alam kung ano ang intensiyon ng mga bumugbog sa kanila. They didn't steal anything. Siguro napagtripan lang sila. Wala man silang kaaway. Pero bakit pa sila? Maraming tao sa lugar na iyon noon at sila pa ng binugbog."

You're The OneWhere stories live. Discover now