CHAPTER FIVE

11.2K 311 6
                                    

CHAPTER 5

IBINUROL sa Camp Aguinaldo si Amante- dahil opisyal ito ng Armed Forces of the Philippines. Marami sa kamag-anak nila ang dumalaw at umalo kay Peachy pero hindi niya magawang maging sociable. Tipid na ngiti at tango lang ang ginawa niya the whole time.

Ilang beses siyang sinubukang kausapin ni JD pero wala lang talaga siyang ganang makipag-usap. She just lost a father- she can afford to be an anti-social. Sa huling gabi ng burol though, may natuklasan si Peachy. May girlfriend pala si JD- isang babaeng nagngangalang Alma, at bumaba pa mula sa Baguio City para makiramay sa kanila.

Noon lang nakita ng dalaga ang side na iyun ni JD. The guy was awfully sweet- lagi nitong inaasikaso si Alma- to the point na gusto nang mainis ni Peachy. Siya ang dapat na asikasuhin ng lalake! Siya ang nagdadalamhati, dapat siya ang inaalo!

“Samahan mo muna ako,” wika niya kay JD nang hindi makatiis. May dala itong tray ng pagkain para sa ibang bisita. Siya ay nakaupo sa may waiting room ng chapel. May sofa doon at aircon naman ang lugar.

“Teka, may inaasikaso pa akong bisita.” Alam ng dalaga na ang girlfriend lang nitong si Alma ang tinutukoy ni JD.

“Nalulungkot ako. Hindi mo man lang ako masamahan?” She knew she was being a brat, pero hindi niya mapigilan ang sarili. At least kahit isang saglit lang, nawawala ang lungkot dahil ibang emosyon ang nararamdaman niya.

At dahil alam niyang hindi siya matitiis ni JD, inilapag nito ang hawak na tray at umupo sa tabi niya. Lihim siyang napangiti. Bahalang mapanis sa kahihintay sa labas ang girlfriend nito!

“Alam mo, hindi lang ikaw ang nalulungkot. Pakiramdam ko nga, mas nasaktan ako sa pagkawala ng daddy mo kesa nung mamatay ang papa ko. I was young then, mas madali ang pag-cope. Unlike ngayon.” It was the first time na narinig ni Peachy si JD na nagsabi sa kanya ng ganun.

And she remembered na mas nauna nga palang naulila ang lalake- kaya ito inampon noon ng daddy niya. Naisip niyang siguro nga ay mas napalapit ng husto si JD sa daddy niya kasi mas malakas pa ang naging iyak ng lalake kesa sa kanya nang mamatay ang daddy niya.

“Paano mo natanggap ang pagkawala ng parents mo noon?” They never talked about these things when they were growing up. Kahit noong mawala ang mommy ni Peachy, she kept the pain to herself.

“Bata pa ako noon. It helped that your dad was there- inilipat niya ako dito sa Maynila. I had the option to stay with my relatives pero ewan ko, mas ginusto kong sumama kay Ninong Amante.” Kumuha ng dalawang juice si JD mula sa tray. Ibinigay nito ang isa sa kanya, ang isa ay binuksan nito. “A change of place really helped a lot. Siyempre, bago ako sa Maynila. Maraming kailangang matutunan. Inilipat ako sa school. Instead na magluksa ako, nag-adjust ako.”

“Mas masuwerte ka pala. Ako, I'm stuck here. Wala akong ibang lugar na mapupuntahan,” pilit ang ngiti ng dalaga.

“Iba-iba naman ang paraan sa coping. Wala naman akong choice noon kundi ang mag-adjust kasi pinili ko dito sa Maynila. Ang advantage mo ngayon, graduate ka na. Mas marami kang option. Puwede kang magtrabaho. You can do a lot of things kasi hindi ka na menor de edad.”

The Cavaliers: JDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora