CHAPTER SIX

11.1K 288 2
                                    

CHAPTER 6

SA limang mistah ni JD na naroroon at ipinakilala sa kanya- tanging si Drix ang hindi umalis sa tabi niya at kinausap siya buong gabi. Kahit nang magpaalam na sina Tristan, Hank, Stan and Revo, nagpaiwan pa rin si Drix dahil on leave naman daw ito. Nalaman niya from their conversation na sa Mindanao pala ito naka-assign.

“Sa Zamboanga del Sur ang kampo namin.” Ayun pa kay Drix, naka-10-day leave ito kaya hindi nagmamadali. “Ang mga yan, dito kasi sa Manila naka-assign. Bukas, may mga pasok pa.”

“Pareho pala kay JD,” ani Peachy. Nakita niyang katabi ng lalake si Alma sa unahan. May binubulong ang babae kay JD at halos nakayakap na. Lihim na napasimangot ang dalaga.

“Naka-leave nga din daw siya. Pero magkasama kami niyan two years ago sa Cagayan de Oro City- bago siya na-transfer sa Cebu.”

Tumango-tango lang ang dalaga. Hindi kasi niya alam kung saan ang mga naging assignments ni JD. For the longest time ay estranghero sa kanya ang lalake. Kung hindi pa namatay ang daddy niya- hindi pa sila mag-uusap.

BANDANG alas-dos ng umaga nang tumayo si Drix at magpaalam na rin. Hiningi nito ang mobile number niya. Naisip niyang wala naman sigurong masama na ibigay niya ang number niya. Mukha namang mabait ang lalake- guwapo pa at matalino.

Pag-alis ni Drix ay si JD naman ang tumayo at lumapit kay Peachy.

“Magpahinga ka na muna sa bahay. Halika, uwi muna tayo.”

“E yang kasama mo?” bulong niya.

“Sa bahay na muna siya makikitulog. Doon siya sa kuwarto ko. Kesa naman mag-hotel pa siya.”

Gustong magprotesta ni Peachy. Bakit sa bahay nila matutulog si Alma?

“May guest room naman doon ah. Bakit sa kuwarto mo pa?” Hindi niya napigilang komento.

“Baka kasi may guest si Tita Ada, nakakahiya naman.”

“Okay lang yun. Ako ang magsasabi kay tita. Doon na yang kasama mo sa guest room,” padabog na kinuha ni Peachy ang bag. Nagpaalam siya sa tiyahin na siyang punong-abala sa burol.

“Maaga pa mamaya ang mass ha?” paalala ni Tita Ada sa kanya. Tumango lang ang dalaga saka lumabas na, diretso sa kotse ni JD.

At dahil sanay siyang sa unahan umuupo- ang passenger side sa harap ang binuksan niya. Pero naroroon na pala si Alma kaya't sa likod na siya umupo.

“Umidlip ka muna,” ani JD.

“Ang lapit lang ng bahay. Pagdating nalang doon,” padabog na sagot niya.

Hindi na nagsalita pa ang lalake. Tahimik itong nagdrive. Hindi rin umimik ang dalaga. Ni hindi siya nag-attempt na kausapin si Alma kahit nang makarating na sila sa bahay. Sinabi lang niya kay Tinay na dalhin sa guest room nila ang babae, saka siya dumiretso sa sariling kuwarto.

The Cavaliers: JDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon