Chapter 4

55 4 1
                                    

#LoveAndAffectionChapter4

Love and Affection

CHAPTER 4


"Well, I'm Empress—" Pakilala ko sana sa sarili nang bigla siyang sumabat. Sinamaan ko siya ng tingin. Pero agad ko ring binawi nang marinig ang sagot niya.

"I know.. " Aniya at binigyan ako ng maliit na ngiti.

"Oh, well. Bradley probably talked a lot about me, I guess." Sabi ko.

"You're wrong. Kilala na kita noon pa."

May binulong siya ngunit 'di ko gaanong marininig. Nagkibit balikat ako. Nang lingunin ko si Bradley ay seryoso pa rin ang mukha niya habang nakatingin kay Nathan. Parang kanina lang ay ang saya-saya ng mood niya tapos ngayon ang seryoso. Ang bilis naman magbago ng mood.

Pabalik-balik ang tingin ko sa dalawa. I cleared my throat na naging dahilan para mapabaling sa akin ang tingin ni Bradley. I smiled at him and asked, "Do you want some water?"

He shook his head, "Nah, just you would be fine." Inabot niya ang ulo ko at tinapik nang marahan.

"Really, Mr. Sullano?" I chuckled. Tumayo ako mula sa pagkaupo at pumunta sa may gilid para kunin ang water bottle. Kumuha rin ako ng isang mansanas bago bumalik sa pwesto kanina.

I handed him the water and apple, "Oh, ito muna. Tubig at mansanas."

Kahit hindi nakatingin ay ramdam ko ang titig ni Nathan sa akin. Bawat kilos ko ay pinagmamasdan at sinusundan niya ng tingin. Hindi ko na lamang ito pinansin.

"How come you're early?" Tanong ni Bradley. Mula sa gilid ng aking mga mata ay mapansin kong naglakad papuntang sofa si Nathan at doon umupo.

"Tita Carol called." Sagot ko. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan ito. Humugot ako ng isang malalim na hinga bago nagsalita muli. "Bradley, huwag mo na 'yong uulitin, ha?" Pakiusap ko sa kanya, bakas ang pag-alala sa boses ko.

Pinisil niya ang kamay ko, "I'm sorry. I made you worry.."

"It's okay. Basta ba huwag mo nang uulitin. Hindi lang ako ang nag-alala sa'yo. Your mom was so worried, Bradley. Umiyak si Tita kanina."

Lumungkot ang mukha niya, "I'm so sorry."

Tumango ako at inabot ang mukha niya sabay haplos doon. Narinig kong bumukas ang pinto. Lumingon ako at nakitang lumabas si Nathan sabay pasok naman ni Tita. Bakas pa rin sa mukha niya ang pag-alala at lungkot. Tumayo ako at binigay kay Tita ang inupuan kong upuan na nasa tabi ng kami ni Bradley. Tinanguan niya ako, sinuklian ko naman ito ng isang ngiti.

I looked at Bradley, "Sa labas muna ako."

Tumango siya kaya agad din akong lumabas.


Pagkalabas ko ay naabutan ko si Nathan na nakatayo sa gilid ng pintuan. Nagulat pa ako noong una pero agad ding nakabawi. Nang mapansin ako ay umayos siya ng tayo. Tumikhim siya't napakamot sa kanyang batok. Nahihiya ba siya?

"Ahh.. Saan ka?" Mahinang tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay bago sumagot.

"Bakit?" Mataray kong tanong. Kanina sa loob ng kwarto ang taas ng confidence niya. Feeling close pa nga tapos ngayong kaming dalawa lang biglang nahiya? May ganoon pala? Pasimple akong umirap bago siya nilagpasan at naglakad papuntang elevator.

"Hindi ka pa nag-breakfast, right? Sabay na tayo?" Agad siyang nakahabol sa'kin at sinabayan ako sa paglalakad.

"Close ba tayo para sabayan mo ako?" Tanong ko na hindi niya nasagot agad.

Love And AffectionWhere stories live. Discover now