Chapter 2

26 4 5
                                    

Aerah's POV

Nag-umpisa na'kong tumulong kila mama at di na ulit inalala yung nangyari kanina. Hindi ko narin inisip kung sa'n ko nakita yung lalaki kanina.

Simula kanina parang nabuburyo ako dito sa shop wala manlang kasing speaker para naman nakakarelax o nakakabuhay sana. Tinanong ko narin si mama kung meron bang speaker dito ang sagot lang sa'kin ay nasira raw. Naisip kong isusuggest ko mamaya kay mama na dalhin dito sa shop bukas yung isang speaker sa bahay, ako na bahala para naman may buhay kahit papa'no dito, para rin pampa-gana.

"Aerah paki-lista naman yung mga kulang sa biscuit na nakadisplay sa glass" naka-ngiting pakiusap na sabi ni Ema, isa sa mga katulong dito ni mama sa shop na medyo kasing edad ko lang din naman.

"Sige, ako na bahala." Sagot ko.

"Salamat." Ngiting saad nito at tumango lang din ako.

Inayos ko yung mga biscuit at nilista narin yung mga kulang para maorder at maideliver narin bukas ang iba.

Busy ako sa pag-lilista ng may pumasok sa shop isang kumpol na mga taong maingay kaya napatingin ako at binati ang mga ito. "Good afternoon Ma'am and Sir welcome to the Special's Bakeshop." bungad ko at nagulat ako pa'ko dahil kasama ng mga taong pumasok ay si Erin kaya napatingin din ito nagulat pang nandito ako sa shop.

"Oh ateng ba't nandito ka?" sabi agad nito pagka-lapit sa'kin, at ang mga kasama niya ay umupo sa mga mesang available.

Sa shop kasi namin aakalain mong isa rin itong coffee shop kung saan nagseserve din kami ng mga coffee at iba't ibang putahe ng pagkaing matatamis bukod sa biscuits.

Tambayan din ito ng mga estudyante at workers ng mga building na katabi nito. Kaya maganda't maaliwalas din para sa kanilang tumambay dahil moderno at maayos ang porma ng shop. Maraming suki at dayuhan ito ng maraming tao.

"Hoy teng tinatanong kita" kalabit ni Erin ng hindi ko masagot ang tanong niya.

Tanginang 'to istorbo aba nagpapaliwanag pa nga ako eh.

"Tsk malamang sa'min 'tong shop." taray kong sagot.

Kaya agad itong ngumiwing tumingin sa'kin "Wow! Galing! Talaga?" Sarkastikang dagdag niya.

"Oo, at kaya kita sipain palabas dito, gusto mo?" saad ko at parang nabigla itong parang iiyak saka sumigaw.

"Titaa!! Si Aerah nananakot ng customer!!" sigaw nito kaya naagaw niya ang ibang atensyon ng iba at aambahan ko na sana siya ng marinig ko si mama.

"Oh Erin nanjan ka pala," bati ni mama dito.

"Tsk pumunta kana nga sa mga kasama mo." sabi ko at agad na lumayo para pumunta sa counter at ibigay kay Ema yung listahan.

"Hi tita! Pa-order po ulit ng paborito ko ah, alam mo na po yun!" Nakangiting tumango naman si mama kay Erin, ang ingay.

Pagkatapos sabihin ni Erin ang order niya ay sumunod naman ang kaniyang mga kasama para umorder.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbibilang ng mga nilista ko kanina para idouble check ay agad akong nagulat ng may sumiko sa'kin.

Agad kong sinamaan ng tingin itong si Erin, "Tsk, ano nanaman?" Tanong ko dito.

"Sama ka sa'kin mamaya" bulong nito.

"Saan naman?" kunot noong tanong ko dito. Lumapit pa 'to ng konti at bumulong ulit.

"Sa Bar." bulong ulit nito kasunod ng pag-senyas nito na wag akong maingay.

"Gago 'di ako papayagan." sabi ko naman.

MAKE MY HEART FLATTEREDWhere stories live. Discover now