Chapter 2

86 40 18
                                    

How to move on?

Paano nga ba magmove-on o makalimot man lang sa isang taong minahal mo? Lalo na sa taong patuloy mong minamahal?

Paano nga ba guys? HAHAHA!

CHAR! Serious na.

Siguro, you have to love yourself muna first. Have self-respect. Unahin mo na muna ang sarili. Do what makes you happy.. like your habits or eat many many foods HAHAHA kidding... Pero kung iyan naman talaga ang magpagpapasaya sa'yo, why not diba?

Subukan mong libangin ang sarili mo para unti-unti kang makamove-on  nang hindi napapansin. One day, you'll realize na 'ay nakamove-on na pala ako!'

Make it simple... 'wag pahirapan ang sarili mo. God made you so don't let yourself hurt by someone or something.. your parent raised you for how many years tapos hahayaan mo lang na pahirapan at saktan lang ng ibang tao? Tsk. Mali 'yon!

Oo, hindi nga ganoon kadali ang magmove-on mga ateng at kuyas!Mahaba-habang proseso pa ang kailangan bago ka magiging fully moved-on.

Gano'n!

Dagdag ko lang, 'wag niyong pilitin na makamove-on dahil kung pinipilit niyo ay mas lalong hindi kayo makamove-on. Sige kayo!

Basta tandaan niyo 'to, oo, madali lang sabihing magmove-on pero mahirap talagang gawin. Legit iyan! Ang dapat lang gawin ay 'wag masyadong lunurin ang sarili sa kalungkutan o pag-overthink, gaya nga ng sabi ko humanap ng libangan at 'wag madaliin ang pagmomove-on.

Lahat ng bagay ay may proseso at hindi agaran. Para maging sure talaga ang operation: move-on niyo.

So ayon, move-on na tayo guys.. AHAHAHA..

-Sammysaav

******

Pagbaba ko pa lang sa tricycle ay ramdam ko na ang preskong hangin na nanggagaling mismo sa dagat. Dumadampi na sa balat ko ang sinag ng araw. Hapon na rin kasi nang makarating kami. Around two PM na siguro.

Tirik na tirik na ang araw kaya maganda na talagang maligo sa dagat. Pero mas maganda roon sa may heart lagoon na talagang dinadayo rito sa isla.

"Uy, Sam..." Kumapit sa braso ko si Yhast.

"Sayang, wala si Trixx ngayon.." Malungkot niyang sabi. Well, si Trixxie talaga kasi ang pinakaexcited na makilala ang fiance niya dahil gusto daw niya itong kausapin ng masinsinan at hahabilinan niya daw kasi na huwag na huwag sasaktan itong bestfriend namin.

"Ano ba? Huwag kang mag-alala, HAHAHA! Balitaan na lang natin siya." Tumango-tango na lang siya.

Ang mga lalake ang nagdala ng mga bagahe namin sa bagong tayo na resthouse. Remember? May nangyaring hindi maganda sa dating resthouse kaya bago na ito ngayong paglalagihan namin.

Humiwalay na sa'kin si Yhast dahil siya na lang daw ang magluluto ng miryenda bago kami pumunta sa kung saan man ang fiance niya.

Actually mas malaki ito ngayong bagong resthouse kumpara sa dati na medyo maliit-liit lang dahil lima lang ang kwarto. Ngayon ay mga sampung kwarto na. Mas gumanda din sa baba dahil medyo modern na ang style nito at may balkonahe pa sa labas na maganda ang pwesto. Tiyak na magandang tumambay doon kapag maaga,'yung tipo bang sunrise palang at panonoorin 'yun habang umiinom ng kape.

Isa-isa na kaming pumili ng kwarto namin. Syempre, hinintay ko na muna na makapili si Alex ng kaniya. Nang makapili na siya ay pumili na rin ako at syempre walang iba kundi ang katabi ng kwarto niya. Aagawan pa nga sana ako ni Carl pero nagbago ang isip niya. Mas gusto niya daw na katabi ang kwarto ni Benj. Tatakutin niya raw kasi. Hindi naman impossible ang gagawin niya. Native resthouse Lang ito, it means gawa lang sa kahoy kaya rinig na rinig ang sa kabilang kwarto.

In This Circular Love [Infinity Love Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon