Chapter 7

51 24 0
                                    

Any tips para mapansin ni crush?

Gosh! HAHAHA! Hindi ako expert dito ha pero try kong magbigay.

Lahat tayo, I mean halos,gusto talagang mapansin ni crush. Sino ba namang hindi?

Kaya..

May ilang tips ako para mapansin kayo ng crush niyo.

Lima!

Mag-ayos ka! 'Yung tipo bang presentable kang tingnan. Hindi dugyot, okay? Kung maaari ay magsuot ng mga damit na babagay sa uso at babagay sa'yo malamang. Kung sa babae, magliptint ka. Magsuklay palagi, dapat ay palaging mabango at dapat may pulbo, foundation o kahit anong pangkolorete para maging mas maayos ang pagmumukha always. 'Yung hindi ka magiging mukhang oily. Magdamit ka rin ng pambabae talaga pero please 'wag naman 'yung sobrang revealing na. Kung sa lalake naman, maglagay ng  gel sa buhok pero dapat alam mo kung anong haircut ang bagay sa'yo. Kasi minsan 'yan ang unang tinitingnan ng mga babae. Pumorma rin na  para bang simple lang pero may impact sa babae.

Apat!

Magpakitang gilas ka! Kung gusto mo talagang mapansin edi ipakita mo ang mga tinatago mong talento. Pag-igihin mo. Kung sumasayaw ka dapat todo bigay na. 'Yung tipong siya lang ang tumitingin sa'yo. Kung kumakanta ka naman,ramdamin mo dapat ang kanta na para bang alay mo talaga sa kaniya 'yon. Kung marunong kang magdrawing mo siya. 'Yung tipong hahangaan ka niya talaga sa galing mo. Kung may sports ka naman, galingan mo hanggang sa manalo, edi hanga siya 'diba? O edi napansin ka na niya.

Tatlo!

Always be their for him/her. Suportahan mo siya sa lahat. I-cheer up mo siya palagi kapag nalulungkot o kabado siya. Basta! Lagi ka dapat nasa tabi niya, not literally naman palagi. Obsessed ka na niyon.

Pangalawa!

Magreact ka sa mga post niya o 'di kaya ifollow mo siya sa lahat ng social media accounts niya. Guys legit 'to HAHAHA! Parang tulad ng pangatlo. Be a supportive. Well, hindi naman magiging masama na parang stalker ka na as long as you know your limits.

Una!

Ang pinaka the best sa lahat. Take note niyo talaga 'to.

Huwag na huwag niyong hahayaan ang sarili na magmukhang papansin sa mga crush niyo. Maging proud sa kung sino ka talaga. Lahat ng tao ay iba-iba ang type. Kahit anong papansin man ang gawin mo 'di ka naman talaga niya type, waepek din lahat ng efforts mo. Kaya! Icrush niyo lang siya. Huwag ng masyadong mag-efforts. Mapapansin at mapapansin ka rin naman niya. Tiwala lang.

-sammysaav

•°•°•°•°•°•°••°•°°•

Naligo na ang iba, samantalang kami na lang dito nina Alex, Benj, at Vernon ang naiwan. Tinatamad na rin kasi akong maligo sa dagat. Gusto ko na lang uminom.

"Huwag kayo masyadong magpakalasing." Nagbabanta ang boses niya. Hindi naman siya sa'kin nakatingin,sa may baso ng alak pero bakit feel ko sa'kin niya talaga sinasabi. Para bang nagpaparinig.

Edi sila na high tolerance. Oo, mabilis akong malasing kaya nga nakakainis. Parang sa kanila ay nasa lalamunan palang ang alak pero sa'kin umeepekto na.

In This Circular Love [Infinity Love Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon