Trinity
Kinakabahan akong tumingin sa kanya. "I like you."
Nangatog ang mga tuhod ko at pinagpapawisan din ako sa magiging reaksyon niya.
"Hindi mo ba napapansin? Gusto din kita Trinity." Aniya.
Nagulat ako. Hindi ko din naiwasan na ngumiti. Biglang kumalabog ang dibdib ko.
Hindi ko naman lubos na naisip na ganito rin ang nararamdaman niya para sa akin.
Ngunit agad din namang napawi ang aking ngiti nang maalala na may isa pa akong aaminin.
"Hindi lang 'yon." Naging mahirap na para sa akin na sabihin iyon.
"Ano pa Trinity? Sabihin mo na lahat. Sa totoo lang hindi ko alam kung totoo bang nagugustuhan mo na ako dahil ang daming mga bagay ang nagagawa mong itago sa akin."
"Sorry na. Pero totoo ang sinabi ko. Ayaw ko lang na malaman mong mawawala ako." Sabi ko sa kanya.
"Bakit ka naman mawawala? Iiwan mo ako? Saan ka ba pupunta? Kailan ka babalik?" Nalilito niyang tanong.
"Wala akong pupuntahan. Mawawala na ako Michael. At mawawala lahat ng alalaala natin sa iyong isipan." Napakasakit isipin, ngunit mas masakit na sabihin ito sa kanya.
Itinaas ko ang aking kamay, doon ay nakita niya ang aking pulseras. "Nakikita mo ito? Ito ang magpapatunay. Michael, may hiniling ako na isang bagay. At malapit na iyon matupad."
Nahihirapan na akong magsalita dahil masakit para sa akin ang bagay na ito. "H-hindi ko naman alam na dadating ka sa buhay ko. Pero sabi nga nila na may mga bagay na hindi natin mapipigilan. At isa na doon ay ang pagkikita natin. Sa totoo lang, desidido na talaga ako. Ngunit hindi ko alam, bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Ang hirap lalo na't tadhana ang magiging kalaban ko kung magbabago ang isip ko."
Hinawakan niya ang kamay ko. "Magtiwala ka sa akin. Gagawa ako ng paraan upang hindi na mangyari itong kasunduan niyo."
Napakaimposible ngunit pinili kong mag tiwala sa kanya. Sana nga.Napapikit ako nang naramdaman ko ang paglapit ni Michael. Hinalikan niya ang aking noo. Napapikit ako sa kanyang ginawa.
Nang buksan ko ang aking mga mata ay nakita ko kung paano umigting ang kaniyang panga. "Magtiwala ka sa akin. Ililigtas kita." Malambing na bulong niya.
"Mahal na mahal kita Trinity." Aniya na naging dahilan ng pagbilis ng pagtibok ng aking puso. May mga luhang kumawala sa aking mga mata dahil sa sinabi niya ngunit pumikit ako ng mariin.
Mahal din kita. Salamat sa lahat.
Gusto ko sanang sabihin sa kanya ngunit alam kong naiparamdam ko na ito sa kanya. Kahit na gusto kong tumugon ay hindi ko pa magagawa.
Matapos ang pangyayaring iyon ay mas gumaan ang pakiramdam ko. Ngunit hindi ko pa rin maiiwasan na malungkol dahil malapit na ang araw na mawawala ako.
Naisipan kong makipag kita sa mga kaibigan ko. Maayos na din ang relasyon ng aming pagkakaibigan. Ang daming mga nakakatawang bagay ang ibinabahagi sa amin ni Pia.
"Teka lang, mayroon pa akong biro. Sabi ng driver bumaba na daw sa checkpoint lahat ng pangit. Tapos tinanong ng isang pasahero kung sino na daw ang mag mamaneho." Agad naman siyang humalakhak sa sarili niyang biro.
Tahimik lamang kami ni Joana. Hindi nakuha ang korni niyang biro.
Nagtaas naman ng kilay si Joana. "Ahh, 'yon na ba ang dahilan kung bakit ka iniwan? Kaya naman pala. Nakakaloka naman ang mga biro mo." Dahil sa sinasabi ni Joana ay doon na ako natawa.
Napakasarap sa pakiramdam na maging masaya kasama ang mga mahal mo sa buhay.
At maganda sana kung talagang wala na akong iisipin na problema. Wala na siguro akong hihilingin pa kung ganoon ang mangyayari.

YOU ARE READING
Her Last Wish
Short StoryTulad ng maraming tao, lahat tayo ay may mga hiling na nais nating matupad. Materyal na mga bagay man na gustong makuha at madami pang iba. Isa na doon si Trinity Sanchez. Hindi isang pangkaraniwang hiling, at hindi isang materyal na bagay. Nais niy...