First Cup: Meeting a Weird Girl

8 2 0
                                    

"Grabe ang lamig!" sambit ko. Pa'no ba naman kasi hindi lalamig, eh ang lakas-lakas ng volume ng air conditioner. Idagdag pa na katitila lang ng ulan.Tsaka Feb. month na din kasi. Buwan ng Pag-ibig. Tag-init sa mga may kapareha at taglamig naman sa mga wala.

Lumabas ako sa classroom namin at nagtungo sa labas ng campus ng aming paaralan. Magcu-cutting classes ako. Wala din naman kasing pasok dahil busy ang lahat sa nalalapit na Valentine's Day celebration at JS Prom.

Mabuti nga walang nakapansin sa 'kin na lumabas ako ng school campus. Buti nalang talaga walang nagbabantay sa may back gate.

Naglakad ako papuntang park. Malapit lang ito sa universidad na aking pinapasukan bilang isang senior high school student. Sa Dong Hao University.

Naglakad ako nang naglakad hanggang sa makarating ako sa may fountain. May nakita akong auto vending machine sa 'di kalayuan. Dali-dali ko itong pinuntahan.

Pagkarating ko, I inserted 5 peso coin in to the slot and pressed the Hot Choco button. Then, I waited for my cup of hot choco.

Ting! My cup of hot choco is ready.
Akma ko na sanang kukunin ang cup ng hot choco nang may biglang kumuha nito.

Tinignan ko 'yong kumuha. Isang babae. Sa tansya ko, magkasing-edad lang kami. Hindi ko alam kung school mate ko ba ito o hindi. Hindi kasi s'ya nakasuot ng uniporme tulad ko.

Aangal na sana ako pero dali-daling ininom n'ong babae ang hot choco na para sana sa 'kin. Kunot-noo ko siyang tinutukan.

"Aray! Aray ang init! *whoah*" bulalas ng babae, sabay paypay nito sa bibig gamit ang kanang kamay.

I smirked. Tsk! Ang tanga-tangang babae.

"Hoy, ikaw! Anong nginingisi mo d'yan?! Bakit hindi mo sinabing mainit pala 'yon?! Ayan tuloy, napaso ako!" singhal niya habang dinuduro ako. Tinignan ko siya ng matalim.

"Bakit sinabi ko bang inumin mo yung hot choco na para sana sa AKIN?" pinagdiinan ko talaga 'yong salitang akin. Atsaka, pa'no ba naman kasi hindi mapapaso, eh bigla ba namang inumin ang isang cup ng HOT choco. Sinong baliw ang gagawa nun? Ay! Oo nga pala, nagawa na pala ng babaeng ito.

"E-eh sa nauuhaw ako eh! Bakit, may angal ka ba?!" duro niya na naman sa 'kin. Bakit ba ang hilig manduro ng babaeng ito? Siya na nga ang nanguha ng inumin na hindi para sa kanya, siya pa 'yong may ganang magalit. Tsk! Kakaibang babae!

Hindi ko na siya pinansin. Nawalan na ako ng ganang uminom ng pampainit. Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad papalayo. Babalik nalang ako sa school.

"HOY! SAAN KA PUPUNTA?!" Narinig kong sigaw n'ong babae. Grabe! Ang ingay-ingay niya!Nakalunok ba siya ng microphone? Tsk! And I'm sure, dinuduro niya na naman ako.
Hindi ko nalang siya pinansin. Pasasaan ba't magsasawa din 'yan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"HOY! SAAN KA PUPUNTA HA?! HINDI PA TAYO TAPOS!" singhal n'ong babae na pinaglihi sa microphone, na nakaharang na pala sa dinaraanan ko, at habang dinuduro (na naman) ako.

"Tss." Naiinis na talaga ako sa babaeng ito. Kung kanina natatawa ako sa kanya, ngayon hindi na. Naiinis na ako. Kung hindi lang ito babae, naku. Kanina ko pa ito nasapak. Argh! 'Pag minamalas ka nga naman.

"H-hoy! S-saan mo ako dadalhin?!" Bigla niya kasi akong hinatak. "Bitawan mo ako!" Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya na nakakapit sa may pulso ko, pero hindi ko magawa. Ang higpit ng pagkakahawak niya.

Seriously?! Babae ba talaga ito? Talo pa ang tuko kung makahawak e. Parang babaon na ang kuko niya sa balat ko. Tsk! Gan'to na ba talaga mga babae ngayon? Nanghahatak. Naku! Baka kung saan pa ako nito dalhin at halayin.

LOVE AT FIRST CUPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon