Second Cup: Be My Boyfriend

17 2 0
                                    

"HOY, SAAN KA PUPUNTA?!" rinig kong sigaw n'ong baliw na babae. Nasa labas na kami ng restaurant. Naglalakad na ako palayo, n'ong sumigaw siya.

Hinarap ko siya at tinignan ng matalim.

"UUWI NA, BAKIT?!" sigaw ko sa kanya.

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa 'kin. Argh! Sa t'wing makikita ko ang pagmumukha niya, naiinis ako. Hindi ko talaga makalimutan 'yong nangyari kanina. Sa t'wing maaalala ko iyon, nag-iinit ang dugo ko. Pa'no ba naman kasi, mahigit isang oras akong naghintay sa kanya, sa labas ng Women's comfort room. Pero ni isang hibla ng kanyang buhok, hindi ko nakitang lumabas. Hinintay ko siya do'n sa labas ng C.R. Tapos malalaman ko nalang na kanina pa pala siya nakabalik sa table namin. Naghintay lang pala ako sa wala! And when I asked her kung saan siya dumaan, she answered, "At the DOOR!" emphasizing the word, door. And she said that, as if that was the most obvious thing in the world. Like, what was that? Pinaghintay niya lang pala ako. She just played me! Pinagmukha niya akong tanga! Hindi niya manlang ako binalikan.

So, see? Can you blame me? Masisisi niyo ba ako kung bakit laging nag-iinit ang dugo ko sa baliw na babaeng ito?

"Hindi ka pa pwedeng umuwi!" singhal niya habang dinuduro ako. Tss.

"AT BAKIT?!"

"Dahil hindi pa tayo tapos! Hindi ako satisfied sa bayad mo."

"Ano?! Nahihibang ka na ba, ha?!" duro ko sa kanya. "Unang-una, para sabihin ko sa iyo, wala akong utang sa iyo. Pangalawa, hindi ko kasalanan kung napaso ka man kanina sa mainit na tsokolate. It's your fault! Tatanga-tanga ka kasi. At pangatlo, layuan mo ako. Lubayan mo ako. Hindi kita kilala at hindi ako nakikipagkilala sa mga baliw na katulad mo!" Tumalikod na ako at maglalakad na sana palayo, pero hinawakan niya ako sa braso. Hinarap ko ulit siya.

"Ano na naman ba?!" singhal ko sa kanya.

"Unang-una, hindi ba sinabi ko sa 'yo na hindi pa tayo tapos? Pangalawa, may utang ka sa 'kin at hindi ako satisfied sa binayad mo. At pangatlo, kailangan mo iyong pagbayaran."

"Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na WALA akong utang sa 'yo?!" I said, emphasizing the word, "wala." Grabe! Magkaka-goiter ako ng dahil sa babaeng ito. Lagi nalang akong sumisigaw. Kailan ba siya mawawala sa landas ko? Wala pang isang araw na nakakasama ko ang baliw na babaeng ito, pero madami ng problema at kahihiyan ang naidulot niya sa 'kin.

You see, gabi na pero nasa lansangan pa rin ako, nakikipagbangayan sa kanya. Ugh! Kung totoo lang siguro ang mga alien at UFO, naku, ako mismo ang magtatawag. Ipapa-abduct ko ang baliw na babaeng ito! Tss.

"At ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na MERON kang utang sa 'kin. At sa ayaw at sa gusto mo, kailangan mo iyong pagbayaran."
Okay. Okay. Hingang malalim. Inhale. Exhale.

"Okay! Para matapos na ang kabaliwang ito. Ano ang kailangan kong gawin? Ilibre ka. Bayaran ka. C'mon! Name your price! 5 thousand. 10 thousand. Ano?!"

"Wala sa nabanggit mo." kampanteng sabi niya. Tss.

"Well then, say it! Ano ang kailangan kong-"

"Be my boyfriend!"

"Ano?! Pakiulit!"

"I said, BE MY BOYFRIEND! Bingi ka ba?!"

"WHAT?! Are you out of your mind?! Nababaliw ka na ba?! Ikaw, magiging girlfriend ko? Hah! No way! Asa ka pa! Okay ka din e no?" Okay din ang babaeng ito, a. Para-paraan lang para maging boyfriend ako. I knew it! May gusto siya sa 'kin. At 'yong mga pinaggagawa niya, it's part of her plan. Siguro stalker ko 'to. Isang obsess na stalker! Lahat gagawin para lang maging boyfriend ako. Well, sino ba naman kasi ang hindi mao-obsess at magkakandarapa sa isang tulad ko? Tall, rich, and handsome. Mga katangian na hinahanap ng isang babae.
Pero sa lahat ng stalker ko, this one is one of a kind. Nag-iisa. Siya lang ang nakaisip ng taktikang ito sa lahat ng babaeng nao-obsess o nagkakandarapa sa 'kin. Pero sorry nalang siya, dahil hindi bebenta sa 'kin ang taktikang ito.

"Basta! Sa ayaw at sa gusto mo, mula sa araw na ito, boyfriend na kita at girlfriend mo na ako! At ako ang magsasabi kung kailan tayo magbebreak. So, pa'no ba yan?" Tinapik niya ako sa may braso. "Kitakits nalang tayo bukas... babe." Sabi niya sabay tawa. She winked at me and then she ran away, leaving me speechless. Tss.

Seriously? Babe? ARGHHHHH!!!!! That girl... that CRAZY girl is really getting on my nerves! I swear! Tss!

***

To be continued...

LOVE AT FIRST CUPOn viuen les histories. Descobreix ara