Episode 10

79 8 0
                                    

"Ano 'to, Uge?" Brent asked while looking at the box Dave gave me last time.

"Stocks ko lang ng sweets, lubayan mo nga!" I yelled at him. Tinawanan naman nya ako dahil dun. "Tsaka bwisit na Uge yan, ang bantot pakinggan!" Dagdag ko pa.

Napahalakhak naman si Ralph na nasa kabilang dulo ng kwarto ko dahil doon. Binato ko tuloy sya ng unan.

Katatapos lang ng birthday celebration ko kanina. Only my classmates, close friends, and family members are here earlier, and after the party, all of them left already. Tanging silang anim na lang ang natira dito dahil may pinlano namin na magsleepover. Katatapos rin lang ng finals namin kaya sinabay na namin dito ang selebrasyon.

Pinayagan naman kami nila Mommy. The girls will be sleeping in my room and the boys will be staying at the guestroom.

"Penge chocolates?" Brent asked while holding the lid of the box.

"Don't! Madami sa baba!" Pagdadamot ko.

"Damot, penge rin." Singit pa ni Oliver.

"Meron nga sa baba, malalaki pa," I said and went to them to get the box. "Lubayan nyo na nga." Nilagay ko muna to sa drawer para maalis sa paningin nila.

"May sikreto kasi si Uge dun, ano ba." Sabi ni Ralph, yakap na ngayon yung unan na binato ko sakanya.

"Oo nga, lubayan nyo na kasi, mahal na mahal ni Uge yung box eh." Pagsali pa ni Dave sa asaran nila. Di ko alam kung kelan ba ko nagsimulang asarin ng mga 'to, pero pansin kong lagi na nila akong pinagtutulungan.

"Tigilan mo nga ako," Sabi ko kay Dave at hinampas rin sya ng unan. Iniwan ko na sila don na nagaasaran pa para pumunta kila Corinne na nasa terrace na ng kwarto ko. Dun nila piniling tumambay dahil mahangin daw, at magulo yung mga lalaki sa loob.

It's only 6PM so the sun is only starting to set, giving us a more relaxing ambience.

I saw Mia holding one of my books, reading its synopsis. Corinne, on the other hand, is still talking to Mia. Tahimik lang akong nakatayo sa gilid ng terrace, pinagmamasdan ang tanawin habang nakikinig sa pinaguusapan ng dalawa.

We didn't notice the boys entering the terrace, just in time for us to watch the sunset. Napatingin naman kaming lahat doon, walang nagsasalita.

The sunset at my room is gorgeous. There are no unnecessary buildings in front since we live on high ground.

"Wow, its beautiful." Mia broke the silence, looking at the sky.

"Yeah, it's beautiful." Dave, who stood beside me, said. Then he looked at me.

"Yooj, can we talk later?" He asked me.

"For what?"

"Basta, I'l tell you later." Even if I'm curious, I just nodded to him.

"Sure, what time?"

"After ng movie? Kahit dito rin sa terrace o sa baba?" Nasa plano kasi namin ang magmovie marathon dito sa kwarto ko dahil may smart tv naman dito.

"Sige," then I smiled at him. "Just remind me later nalang."

Hindi na sya sumagot pagkatapos non at bumalik na lang sa pagtitig sa tanawin sa harap namin.

Nang tuluyan nang lumubog ang araw ay pumasok na kami ulit sa kwarto ko. Namimili na sila ng papanoorin nang magpasya akong bumaba para makakuha ng makakain. Nagiisip pa lang ako kung pano ko madadala sa taas ang mga chips at mga inumin nang makita kong pumasok ng kusina si Ralph.

The Stars' DollhouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon