Chapter-25

479 23 0
                                    








Celine's POV...







"Woah!! Welcome San Juan, La Union!!" Masayang sigaw ni Carly ng makababa kami ng sasakyan.






Natawa naman kami kasi sobrang hyper niya kanina pa. Halatang sobrang excited siya ngayon.






"Hindi na ako makapaghintay na maligo sa beach at mag-aral ng surfing" Masayang saad pa nito. Dito palang kasi sa bungad ng resort ay ramdam mo na ang hangin na nanggagaling sa dalampasigan.






Kahit ako sobra narin akong excited matutong mag-surfing.






"Kalma ka lang Carly dadating din tayo dyan... For now magcheck in na muna tayo para makain na" Sagot naman ni Diana saka binuhat ang gamit naming dalawa.






Birthday kasi ni Marian at iregaluhan siya nila Tita Elly ng 3 days gateaway dito sa La Union at kasama kami.






"Nagugutom kana ba?" Tanong ni Diana. 






"Medyo pero mas gusto ko muna mahiga at matulog" Sagot ko saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Pasimple naman ako nitong hinagkan sa ulo.






"First out of town natin pala ito together... I know magiging sobrang memorable nito" Saad ko.






"Tama ka magiging sobrang memorable nga nito" Tugon naman niya.





"Okay guys! Nakuha ko na ang mga susi ng rooms natin and dahil halos lahat satin may bebe... Magsama-sama muna yung mga single dyan!" Natatawang saad ni Marian.






"Ang sama-sama mo talaga! Marian! ako lang naman single dito sa grupo natin" Maktol ni Carly. 






"Ahahahaha... Are you sure? Hindi mo ba napansin na single din ang kapatid ko?" Sagot naman ni Marian. Sakto naman ang dating ni Ally galing banyo.






"Wag kang mag-alala Carly... Hindi naman na ngangagat yan si Ally kumakain lang Ahahaha!!..... Sis siya pala ang makakashare mo sa room mahirap na maging third-wheel pa kayo ehh" Biro ni Marian. Napatingin naman si Ally kay Carly na nasa tabi ko lang. Natawa naman ako sa reaksyon ni Carly paano para itong tinuklaw ng ahas ngayon.






"Okay.. Asan na yung susi namin gusto ko na matulog" Tugon ni Ally.






Inabot naman na ni Marian ang mga susi samin at sinabi nito kung anong oras ang lunch namin.






"Ayusin ko lang tong gamit natin.. Mauna ka ng maligo" Saad ni Diana. Pagkapasok palang namin sa magiging kwarto namin. Maganda ang disenyonng kwarto namin at mukhang hindi basta-basta ang presyo nito. Magkano kaya per night dito?






"Mamaya na... Cuddle muna tayo" Saad ko saka siya hinila patungo ng kama. Bumagsak naman ito sa ibabaw ko.






"Sira ka talaga... Baka nasaktan kita sa pagbagsak ko" Saad nito saka umayos ng pag kakapatong sa akin.







"Hindi naman.... Alam ko namang hindi ko ako sasaktan" Tugon ko saka ito niyakap at isinubsub ang mukha ko sa leegan niya. Amoy na amoy ko rito ang gamit niyang pabango na sobrang bagay na bagay sa kanya.







...







"Grabe ang tagal niyo namang lumabas!" Naiinip na saad ni Carly. Nasa labas kasi ito ng kwarto namin ni Diana. Ewan ko bakit hindi niya kami kinakatok kung naiinip na siya.






Future You (ToLine)Where stories live. Discover now