Chapter-31

470 16 5
                                    




A/N: Mabilisang flashbacks po ang mga susunod niyong mababasa.



___________________________







Diana's POV...






"Doc ano pong resulta ng mga test ko? May sakit ba ako?" Kinakabahan kong tanong kay Doc.





Inpush na kasi ako ni Ely na mag pacheck-up na simula noong nawalan ako ng malay sa bahay nila Celine.






"I'll be honest to both of you... I'm so sorry pero Ms. Carlos but based on your lab results you are diagnosed with brain tumor" Tugon ni Doc.






Para namang may bombang sumabog sa harap ko ngayon sa nalaman.






May brain tumor ako...






Yung mga madalas na pagkahilo at paglabo ng paningin ko yun naba ang mga sintomas ko?






Mamatay naba ako?






Bigla naman akong napabalik sa reyalidad ng hawakan ni Ely ang kamay ko at maharang pinisil iyon.






"Doc.. Gagaling naman po ang kaibigan ko diba?" Tanong ni Ely.






"Yes, Ms. Buitre malaki ang chance na gumaling si Ms. Carlos hindi pa naman ganun kalala ang tumor niya... Madadaan pa sa mga pag-inom ng mga gamot. Kelangan lang niya ng panibagong check-up para malaman natin kung anong klaseng tumor ito at kung gaano kalaki ang tumor" Tugon ng Doctor.




.




"Ma! Tita Diana! I have a super good news!" Masayang saad ni Marian habang hawak-hawak ang isang brown envelope.






"Ano naman yan Marian? Siguraduhin mong may sense yan dahil seryoso ang pinag-uusapan namin ngayon" Seryosong saad ni Ely. Napatayo naman ng diretso si Marian mukhang natakot sa sinabi ng Mama nito.






Napahagikgik nalang kami ni Ally sa banta ni Ely kay Marian.






"Alam na kasi namin kung asan si Celine" Masayang tugon nito.





Agad naman akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi nito.





"Talaga?! Asan siya? Tara puntahan na natin siya" Saad ko akmang tatayo ako na sana ako ng agad hawakan ni Ely ang kamay ko.






"No... You need to stay here Diana... Hinihintay pa natin ang panibagong lab result mo" Sagot naman ni Ely.





Huminga naman ako ng malalim bago tumingin sa kanya at ngumiti.





"Ely... Alam nating dalawa nauubusan na ako ng oras kelangan ko ng puntahan si Celine at ipaliwanag sa kanya na siya ang mahal ko at hindi si Elaiza... Please Ely" Tugon ko naman. Gusto ko nang makita si Celine habang kaya ko pa. Habang malakas pa ako.






Napabugtong hininga naman ito. Alam kong iniisip niya lang kapakanan ko pero gaya nga ng sabi ko nauubusan na ako ng oras.






"Okay, pumapayag na ako puntahan mo kung saan man nagtatago si Celine ngayon but please isama mo si Marian sayo... Mas mapapanatag ang loob namin kung may kasama ka" Sagot nito.





Future You (ToLine)Where stories live. Discover now