ELEVEN

595 44 0
                                    

Nagising ako dahil sa ingay ng ulan sa labas.

Napansin kong nasa kama na pala ako.

Medyo maayos na ang aking pakiramdam kaya bumangon ako at sumandal sa headboard.

Tiningnan ko ang alarm clock na nakapatong sa desk na nasa gilid lang ng kama. 7:30 PM.

Hindi naman nakatakas sa aking mga mata ang sarili kong hubad.

Nagulat ako at kinabahan nang maalalang binihisan nga pala ako ni Felix.

Agad kong ini-alis ang kumot na nakatakip sakin at napahinga ako ng maluwag nang may suot pala akong pang-ibaba.

Ibinalik ko na ang kumot sabay ng pag-bukas ng pintuan.

Pumasok si Felix na may dalang tray.

Lumapit siya sakin at doon ko nalaman na pagkain at gamot pala ang dala nito.

Inilapag niya ang tray sa mesa at umupo sa aking tabi.

“Kain ka muna bago uminom ng gamot” bukambibig niya.

Tumango lang ako at tipid na ngumiti.

“Ayos na ba pakiramdam mo?”

“Kinda” tipid kong sagot. “Thank you for taking care of me”

“Isipin mo nalang na pam-bawi ko ‘to nung inalagaan mo din ako”

Napansin ko naman ang suot niyang damit.

“Buti nag-kasya yan sayo”

Nakuha niya naman ang tinutukoy ko.

“Ito na nga lang yung nag-kasya sakin eh. Liliit ng mga damit mo”

“Ano ba ine-expect mo? Maliit katawan ko eh”

“Buti pa sakin malaki” mahinang sabi niya.

“Bastos talaga nito”

“Oh, bakit? Wala naman ako sinabi ah. Ikaw lang talaga nag-bibigay malisya sa lahat”

“Ewan ko sayo” sabi ko nalang. “Ano, papakainin mo ba ako o hindi?”

“Ito na nga oh” kinuha niya ang kutsara at mangkok na may sabaw.

“Anong ginagawa mo?”

“Susubuan ka. Obvious ba?”

“May kamay ako, Felix. Gusto mo upakan pa kita”

“Napaka-bayolente mo naman. Hayaan mo nalang kasi ako. Sabi ko nga diba, pam-bawi ko ‘to sa ginawa mo sakin dati”

Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa ayoko ng makipag-talo sa kanya.

Baka sasakit pa ulit ulo ko sa lalaking ‘to.

Lumapit siya sakin ng kaunti at sinimulan akong subuan.

“Kailangan mong mag-palakas kasi may training ka pa bukas”

“Training? What training?”

“I’m going to teach you how to use your bike. Utos na din sakin ni mama at papa para daw next time, hindi ka na maka-abala pa ng tao. Sabi ko naman sa kanila na okay lang, but nag-pumilit pa din sila. So, that means wala kang choice kundi ang pumayag”

“As much as I want to pero may long quiz pa ako bukas. Hindi nga ako nakapag-aral eh”

“Timang ka ba? Walang pasok bukas kasi may pinagha-handaan silang event”

“Gawa-gawa ng kwento ‘to” hindi ko naman siya pinaniwalaan.

“Am I really not that trust-worthy?”

“Naninigurado lang”

“May pinost sa university page kanina lang. Tsaka magpe-perform ako”

“Talaga? Kakanta ka?”

“Yep. It was our org leader’s decision. Kailangan ko pa nga mag-practice bukas”

Unti-unti naman akong napapangiti. “Paano yan, hindi na matutuloy lakad natin?”

I’m really praying na uulanan ng kabaitan ‘tong nasa harapan ko ngayon.

Ayoko naman talagang magpa-turo in the first place kasi aside sa natatakot ako, nakakapagod din kaya.

“Tuloy siyempre. Ala una pa rehearsal namin kaya marami pa tayong oras para mag-ensayo”

Agad na nabawi ang mood ko. He’s Felix. Ano pa ba ine-expect ko?

“Kailan ba yung event?” pag-iiba ko nalang sa usapan.

“Sa makalawa. Medyo mabilisan na nga lang yung practice namin kasi wala na kaming masyadong oras”

Napatango-tango nalang ako at napabuntong-hininga.

Nagising ako sa malakas na katok na nanggagaling mula sa pintuan.

Bumangon ako at binuksan iyon.

Si Mama. Nakapang-office attire na siya.

“Anak, kailangan na naming umalis ng papa mo. Kayo ng bahala ni Felix dito, okay?”

I casually nodded then she walked out.

Isinara ko na ulit ang pinto at napalingon sa alarm clock na nasa desk.

It’s already ten in the morning. Napabuntong-hininga ako at bumalik sa kama.

Nabaling ang aking atensyon sa tulog mantikang si Felix na nasa sofa.

Diyan na ata siya natulog kagabi.

Dahil sa tulog pa nga siya ay napag-pasyahan ko nalang na pumunta ng kusina para mag-handa ng pang-umagahan.

Hindi na ata nakapag-handa si Mama dahil sa late na nga sila sa trabaho.

I’m just going to cook the usual basic breakfast food.

Kumuha na ako ng mga kasangkapan at agad na nagluto.

I spent more than a minute cooking bago ako natapos.

I’m not that type of person who don’t know any house chores.

Pinalaki at tinuruan ako ng mga magulang kong tumayo sa sarili kong mga paa dahil ‘pag nagkataon daw na mawalay man sila sakin ay kaya kong buhayin ang sarili ko.

Kaya hangga't hindi pa naman nagyayari ‘yon, sinasanay ko na ang aking sarili.

“Mukhang masarap yan ah”

Nabigla ako nang sumilip si Felix mula sa aking likuran.

“Kagulat ka naman” hindi siya nagsalita at nanatiling nakasilip sa pagkain.

Natatakam pa ata ang baliw.

“Mabuti pa, tulungan mo nalang ako dito”

“Yeah, of course, sure”

Lumapit ako sa mesa para ihanda ang mga kubyertos habang isa-isa namang nilalapag ni Felix ang mga pagkain sa hapag.

I went to the fridge at may natitira pa palang juice mula kagabi kaya kinuha ko nalang ‘yun.

Umupo na kaming dalawa at nagsimulang kumain.

“Paano ba yan, late na tayo nagising. Konti nalang oras natin para mag-training” I started the conversation.

“Kaya yan, fast learner ka naman ata”

“Hindi naman sa pagmamayabang, but yeah, I’m actually a fast learner. Ewan ko nalang pagdating sa bisekleta-bisekletang ‘yan”

“Don’t worry, I’m sure you’ll learn fast lalo na’t ako yung trainor mo”k he said confidently.

“Talaga lang ah. Mahal binayad ng mga magulang ko sayo kaya galingan mo”

“Siraulo” reaksyon nalang nito at bahagya kaming napatawa. “Kumain ka na diyan at para makapag-simula na tayo”

Hindi na ako nagsalita pa at nag-patuloy nalang kumain.

To be continued.

FALLINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon