Goodbye.

14 3 0
                                    

"I love you so damn much, Leix." rinig kong bulong sakin ni Jesh.

"I love you too Jesh, but..." napapikit ako ng maalala ang kalagayan ko ngayon naramdaman ko naman na niyakap ako ni Jesh.

"Lalaban ka naman diba ? Hindi mo naman ako iiwan diba ?" bulong niya sakin. Naramdaman ko ang pagdaloy ng maiinit na likido mula sa mga mata ko.

Alam mo ba yung pakiramdam na alam mo sa sarili mo na hindi mo kayang labanan yung sakit mo pero may taong nagpaparamdam na kaya at malalagpasan mo yung sakit na dinadala mo.

"I can't promise but I'll try."tugon ko sa kanya. Huminga ako ng malalim bago pa ulet sumagot at humiwalay sa kanya.

"I have a cancer Jesh. Nakikita mo ba to ?" marahan kong inangat ang kamay ko para ituro ang ulo kong nakalbo na.

"I know Leix.  But please stay by my side." sagot niya habang umiiyak.

Pumikit na lang ako habang patuloy na umiiyak.

~

"Ms.Leix, it's time for your chemo." masayang pahayag sakin nung nurse na laging nag-aasikaso sakin.

Ngini-ngitian niya pa ako samantalang alam naman niya kung gaano ako nahihirapan sa chemo na yun.

Iniikot ko ang paningin ko sa buong kwarto ko dito sa ospital para sana hanapin si Jesh.

"Si Sir Jesh po ba ang hanap nyo ? Lumabas po siya sandali may kukunin lang daw po siya sa bahay niya, ipinabibigay niya nga po pala ito." dahan-dahang binunot nung nurse ang isang sobre at ibinigay sakin.

Akmang bubuksan ko na iyon ng pigilan ako nung nurse at sinabing ..

"Saka niyo na daw po buksan iyan pag magkasama na kayo, gusto niya lang daw pong ma-excite ka kaya niya ipinabigay niya." nakangiti niya pang tugon kaya nginitian ko na lang siya.

Matapos ang chemo ko ay inilabas na agad ako dun sa impyernong kwarto na yun na laging nagpapahirap sakin ng marinig namin ang nagkakagulong tao sa may E.R

"Doc, please do everything to save my son." umiiyak na tugon nung Ale, bigla akong kinabahan teka parang kaboses ni Tita Sandra yun ah.

"Can we go there ?" tanong ko sa nurse na nagtutulak ng wheel chair ko.

"Bawal ka dun eh." sagot niya.

"Sandali lang, I just need to check something."

"Sandali lang ha ? Tapos babalik na agad tayo sa kwarto mo." tinanguan ko lang siya.

Habang palapit kame ng palapit sa ER mas lalo akong kinakabahan.

"T-Tita ?" tawag ko kay Tita Sandra na nakaupo sa harap ng ER habang umiiyak.

"Leix. M-my son ..." awtomatikong bumagsak ang luha ko sa sinabi niya.

Napailing ako. NO ! This is not true !!

"Hija listen to me. Nab-bangga yung kotse niya and he's critical right now."

"N-no Tita." umiiyak kong tugon.

"Im sorry but... it's true" sagot niya sakin at dahan-dahan akong niyakap.

Bigla lang siyang umalis sa pagkakayakap sakin ng lumabas yung doctor sa ER .

"Mrs. Desilva" yumuko yung doc bago ituloy ang sasabihin niya.

"I'm sorry, we did our best to save your son but his body already gave up."

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Umiyak lang ako ng umiyak ng makaramdam ako ng hilo and then everything turns black.

5 months later ..

Goodbye.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon