Chapter 6

9 2 0
                                    

Pagkarating sa Paradeisos ay hinihingal ako. Pucha nakakaubos pala ng stamina ang teleportation pag marami.




The look on their faces is priceless. Some of them were smiling and crying. I can feel how relieved they were but some of them did not let their guard down.




I just looked at them on how they gaze their surroundings. We're at an island so there's no way to get out of here unless you can break the barrier. We still need to pass the woods for us to get there.




"Listen!" agad naman silang napatingin sa akin at binalingan ako ng atensyon. "From here, we will walk. Mauubos ang stamina ko kapag tineleport ko na naman kayong lahat. I don't want to be bedridden for hours. Nakakatamad 'yun." napairap ako as I flipped my hair. Tumalikod na rin ako upang maglakad, agad rin naman silang sumunod.




I can sense the confusion and anxiousness on them. I can also hear their every thoughts, and it's all heart breaking so I shut the mindlink down. Halos isang oras na kaming naglalakad at ramdam ko rin ang pagod ng ilan. Wala namang nagreklamo at patuloy na sumunod lang sa akin. Inaantok na talaga ako pucha!




Hindi rin nagtagal ay nakarating na rin kami sa malaking tarangkahan na kulay ginto. Tumingin muna ako sa cctv bago itinapat ang aking mata sa eye scanner. Napabuntong hininga na lang ako nang bumukas na ang tarangkahan, tulog here I come!!




Agad akong pumasok at sumalubong sa akin ang bulto ng isang lalaking nais kong patayin kanina pa. I rolled my eyes and crossed my arms.




"I see, you're really great at killing." napangisi ako na tila isang baliw




"You think, that's great already?" I saw how he gritted his teeth at his own annoyance. What a sight.. "Your standard.. is despicably low."




"Anyway, ikaw na ang bahala sa kanila ha, Mr. Great. Inaantok na kasi ako. Ciao!" bago pa siya umalma ay nagteleport na ako papunta sa kwarto ko. Sleep at last!!




Agad akong naglinis ng katawan at nagpalit ng damit at tumungo na sa kama upang matulog. I felt the softness of my bed and before I knew it, I'm already sleeping..




Ramdam ko ang mainit na sinag ng araw sa aking mukha. Sa tingin ko'y tanghali na. Agad kong idinilat ang aking mata at makalipas ang ilang minuto ay tumayo na rin ako.




The cold water from the shower run down my body. I don't have a class to teach today dahil sa mokong na 'yun. Maybe I'll just stay in Amanda's class later. Hindi na rin naman ako nagtagal sa shower at lumabas na.




I wrapped the towel on my hair and wore a robe. Agad akong tumungo sa aking closet at namili ng susuotin. I wanna wear something casual, so I chose a black high waist jeans and peach crop halter top. I also wore a single strap three inches heels. I'm not really good in applying makeup kaya naman naglagay lang ako ng face powder at lip tint na bigay lang ni Kendra.




Paglabas ko ng kwarto ay dumiretso ako ng kusina at nakita ko ngang nag aabang sa akin si Nanay. Lagot!!




Napangiti ako sa kanya at nag peace sign. "Good Afternoon Nay! Ang blooming niyo po ata ngayon?!" masigla ko pang bola para lamang matakpan ang ginawa ko kagabi.




"Huwag mo na akong bolahin! Alam ko ang ginawa mo kagabi! Bakit ba sumugod ka ng mag isa ha?! Paano kung nahuli ka at napahamak?! Alam mo namang ikaw ang pinaka gustong mahuli ng gobyerno ngayon!!" singhal nito sa akin habang sapo ang noo nito. "Napakakulit mo talaga!! Ano bang gagawin ko sayo?!" napatawa lamang ako ng mahina at yumakap rito




"They can try naman 'Nay." ani ko ng may yabang sa aking boses. Agad niya naman akong hinampas sa aking braso. "Aray naman 'Nay!!" napalayo naman agad ako sa kanya.




She glared at me. "Ayan!! Diyan ka magaling na bata ka!! Kapag talaga ikaw napahamak dahil diyan sa kayabangan mo! Naku!!!" tila gigil pa nitong banta sa akin. Cute mo Nanay!! "Hala sige! Kumain ka na at tanghali na! Magmadali ka at pinapatawag ka rin ni Kier sa arena."




Aba't ang gagong 'yun!!




"Ano daw kailangan niya 'Nay?" tanong ko na ikinibit balikat lang niya.





Umalis rin naman si Nanay dahil may gagawin pa raw siya. Marahil ay tungkol sa mga zirveau na dinala ko kagabi.




Matapos kong kumain ay lumabas na ako ng bahay. Inilugay ko lamang ang aking buhok na umaabot sa aking bewang.




Ang Paradeisos ay isang malaking isla na pagmamay ari ng Presidenteng hindi pa namin nakikilala. Siya ang itinuring na Presidente nito dahil siya naman ang namuno at nagplano para sa kaligtasan namin.





Ang Paradeison ay para sa aming mga zirveau upang makapamuhay ng payapa. Tinawag itong Paradeisos dahil tila isang paraiso sa ganda ang lugar na ito. Sa unahan, malapit sa tarangkahan ay ang tirahan ng mga nakapag tapos na sa akademiya. Sila ang nagbabantay at nagpapanatili ng seguridad ng bawat isa rito.




Ang sunod naman ay ang academy at dormitoryo ng mga zirveau. Hindi man ganoon ka garbo, ay masasabi mong maganda ito at eleganteng tingnan. Mula sa pintura, fountain hanggang sa arena ay talagang kaaya-ayang tingnan.




Sa likod naman ng academy, ay kung saan kami nakatira. Dito nagaganap ang pagpaplano, paggawa ng armas pati ang pagsasanay naming mga Elites. Sa ngayon ay lima lamang kaming nandito dahil nasa isang misyon pa ang tatlo. Sa ngayon, ay kami lamang nila Daphne at Gabriel ang walang klase na tinuturuan.




Kung bakit kami hindi mahanap ng gobyerno, ay dahil may invisible barrier na nakapalibot sa buong isla. Makabagong teknolohiya na mismong ang Presidente ng Paradeisos ang gumawa. Kung may makapasok man, hindi rin sila makakaligtas sa barrier sa loob ng isla na sinet up mismo ni Daphne. Kung gusto nilang matusta sa pagsira ng barrier, they can always try anyway.




Kumaway ako sa mga zirveau na nakatingin sa akin. Agad naman silang ngumiti at yumuko upang batiin ako. Dahil sa ginawa nila ay napalingon sa akin si Kier, the mongrel.




"Bakit mo ako pinatawag?" tanong ko sa kaniya pagka lapit ko.





"Let's have a duel. A sword fight" sagot niya at ngumisi. Kinginang ngisi yan! "I will go easy on you, Miss. We can even use a fake sword so you won't have scars. It'll just hurt a little... " his voice sounds.. insulting.




I squinted my eyes, asking. Curious on what he is up to. "And why would I? Maybe I'll agree Mr. Ogre, if you'll give me a valid and enough reason." I heard how they gasped in surprised on how I addressed their mentor.




Ngumisi siya na tila nanunuya. "A demo class, Ria." he said as if that's so obvious. "Don't tell me... you're afraid of me?" tanong pa nito na tila nang iinis!! Ipiniling pa nito ang kaniyang ulo na parang iniinsulto ako! This mongrel!!




Tahimik ang lahat, lahat sila'y nakatitig lamang sa aming dalawa. I laughed softly to ease my annoyance and plastered a crazy smile on my face.




"Yes, Mr. Ogre. I'm afraid..." his eyes were full of amusement and boastfulness.




"I'm afraid that I'd accidentally cut your head off... " I warned as my eyes flared in annoyance I've been keeping the whole week..




I'll definitely put some scars on you, ogre..

The Undaunted Prime Of The RebelsTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang