Chapter 1

33 0 0
                                    

Maaga pa nagising si Tequila
Ngayon araw na ito plano niya na mag apply sa Nakita sa social media na patalastas tungkol sa nalalapit na pagbubukas ng
Decades Integrated Resort and Casino.

A prestigious multimillion Resort and Casino first of its kind sa Pilipinas na kasalukuyang nakatayo sa Game City isang lugar kung saan napapalibutan ng mga kilalang 5 star hotels , high end bars at restaurants. Dahil malapit sa airport at sentro ng kalakaran.

6 na buwan na siyang namahinga matapos maka graduate pinili na muna niya na magpahinga at hindi muna maghanap ng trabaho.

Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya sa mga pinag daanan sa pag aaral sa skwelahan kaya ng makatapos ay pinaalam muna sa ina na hindi muna sya mag hahanap ng trabaho at magpahinga na muna.

Naintindihan nmn siya ng kaniyang Ina na si Margarita alam nito kahit pa nasa abroad ang pagod at hirap na pinag daanan ng anak lalo na nang mag thesis ito. Base na din sa kwento ng kanyang kapatid na si Marge.

Alam din nito na halos piratahin na ang anak sa pinag trainingan nitong tanyag na  travel agency.

Nag offer na nga ang ahensiya ng magandang posisyon sa trabaho upang magpatuloy nalang ang dalaga sa pagpasok dito.

Ngunit mahalaga para kay Tequila ang Edukasyon at konting panahon nlng nmn ang kailangan nya noon at makaka graduate na siya.

Isa lang nmn ang hindi makapag hintay na makatapos siya at tuluyan ng hindi umalis sa kumpanya na iyon eh..

Si Chivas Tang.

President ng TGC nakita siya nito ng minsang dumalaw sa agency na iyon at mag company visit ang lalake pag ma may-ari ng pamilya Tang ang Agency.

One of the most elusive and hot bachelor in the country at the age of 28 madaming  socialite, artista , modelo maging influencers ang nag aabang na mapansin ng lalaking  kilala sa Larangan ng Negosyo.
Business Tycoon ang ama habang ang ina ay dating Artista.

Sa status quo ng lalake malayong malayo ang pagitan nila. Chivas is the tame one among the 4 siblings of Tang Brothers, 2nd to the Eldest kasunod ay ang Identical twins na sila Cognac at Scotch  na nasa stage pa ng happenings at pulos goodtime lang ang iniintindi sa buhay.
Ang nakakatanda nmn na si
Henessy Tang ay nag asawa na noong nakaraang Taon ang sikat na Fashion Designer na si Vera Sy ang napang asawa nito.

Isa si Chivas sa dahilan ni Tequila kung baket ayaw pa niya na mag trabaho ang totoo iniiwasan din nya ang binata.

Hindi niya nagustuhan ang pamimilit nito na huminto nlng siya sa pag aaral upang iabsorb ng Travel Agency na pagmamay ari ng pamilya ng lalaki.

....

Habang nag Sscroll sa criteria ng Job vacancies ng Decades Resort and Casino Hindi mapigilan maalala ni Tequila ang sagutan na namagitan sknila ni Chivas kaya naisip nya..

''Baket nya ako pangungunahan sa plano ko sa buhay? Kaya lang nmn ako pumasok dun para tapusin ang on the job training ko. Wala pa akong plano na mag asawa at higit sa lahat hindi ko naman siya Boyfriend!! kaya baket nya ako mamanduhan? '' Inis pa din si Tequila nang maalala ang kumprontasyon namagitan saknila 7 buwan na ang nakaraan.

Nagbago siya ng numero ng Cellular phone nya at pinili muna na makitira sa puder ng Lolo't Lola nya sa Bongabon Nueva Ecija.

Nasa Abroad ang kanyang  ina na  si Margarita namamasukan ito bilang Domestic Helper sa Singapore. Ipinangako ni Tequila sa ina na kapag nakapag tapos na siya at makakuha ng stable na trabaho ay papauwiin na niya ito.

Bata pa lamang kasi si Tequila ay nasa abroad na ang ina.
Nakapundar na nga ito ng bahay para sa Lolo at Lola nya at habang pinagtatapos nmn siya ng pagaaral ay sinabay nito ang pag papagawa sa kanilang bahay sa Antipolo pagkatapos makabili ng lupa noong nasa highschool pa lamang siya ay ipinagawa na nito unti unti ang tahanan nilang mag ina kaya habang lumalaki ang kasama niya sa bahay ang Auntie niya na si Marge ang bunsong kapatid ng Ina. Masyadong malayo ang Nueva Ecija At alam ng kaniyang Ina na mas Nanaisin niya ang manatili sa siyudad kaysa sa probinsiya.

TABLE GAMES   (Casino Serye)Where stories live. Discover now