Chapter 2

23 0 0
                                    

Mabilis ang naging biyahe nila dahil bago pa pumutok ang araw ay nasa kalsada na sila at binabagtas ang daan papunta sa cubao mula duon ay sasakay sila ng uv shuttle papunta naman sa bayan ng Antipolo.
Duon na din sila sa cubao nag tanghalian mag tiyahin dahil duon na sila inabutan nito.

''Tita Marge nag apply na pala ako sa Decades Casino sana tawagan ako agad gusto ko nang mag trabaho'' bulalas ni Tequila sa Auntie habang sumusubo ito nang pagkain.

'Oo nga tagal mo na din nag pahinga.' tipid nmn na sagot ni Marge.

''Ano kaya kung mag apply din ako?''
Tanong nito pabalik sa kanya.

Natigilan si Tequila sinusuri kung seryoso ba ang tiyahin sa sinabi.
Matagal na din nang huling magkatrabaho si Marge. pinilit ito nang kanyang ina na huminto sa pinapasukan na lending agency noon upang matuunan nang pansin si Tequila na mag asikaso sa kanya habang nagaaral. Dahil noon ay madalas magksakit si Tequila dahil kung minsan ay hindi na ito nakakakain sa pagmamadali. Nabahala ang kaniyang ina sa kanya nang makita siyang halos mukhang ting-ting noon at nang tumigil nga si Marge at na focus sakan'ya ay naging malusog na ang pangangatawan ni Tequila nagkalaman na ito.

Napansin ni Tequila na mukhang seryoso naman si Marge at mukhang gusto na din nito na ipagpatuloy ang naudlot na career dahil nasa himig ito nang pagkakasabi sa kanya sa pag nanais na mag karoon na din ng trabaho.

"Oo nga Tita, baket hindi tapos nmn na ako sa school at kaya ko naman na alagaan ang sarili ko.." it's about time tita.. masyado ka na din madameng sakripisyo sa akin at kay mama''

Napangiti nmn si Marge sa sinabi nya.
"Ano kaba yung lumaki ka na matino at hindi sakit sa ulo ay sapat na sukli sa mga ginawa ko sayo.. at isa pa hindi din nmn ako pinabayaan ni Ate'' pahayag ni Marge.

''Nakooow..... Tita baka mag kaiyakan pa tayo nito naalala ko nanaman tuloy ang Graduation ko todo hagulgol ka daig mo pa si Mama''.. tudyo ni Tequila na sinabayan pa ng pinong tawa nang maalala iyon.

Pinamulahanan naman ng mukha si Marge nang magbalik tanaw din sa tagpong iyon.
Ilang taon lng nmn ang pagitan nila ni Tequila kung minsan pa nga ay pinagkakamalan silang mag ate nito. 30 years old lamang ito at nananitiling dalaga pa nagkaron ito nang nobyo 3 taon na ang nakakaraan ngunit nagkahiwalay din dahil napag alaman ni Marge na may iba pa pala itong nobya at isang taon din siyang niloko ng lalaki na iyon.

''Mamaya Tita ipapasa ko ang Cv mo sa Decades ano nga pala ang gusto mo applyan dun? Madame pa sa ngayon ang vacant position eh at next month na ang soft opening noon kasi dun daw gagawin ang concert ng Bangtang Boys..'' may excitement sa himig ng boses ni Tequila dahil fan siya noon.

'' hehehe kaso mahal ang tickets hindi din ako makakabili'' habol pa niyang sabi..

Ano ba ang indemand duon? Gusto ko malaki ang sweldo diba sabi nila sa casino daw malaki ang kita? Ikaw ano ba ang inapplyan mo duon? Usisa din ni Marge sa kanya.

''Front desk officer ang inapplyan ko tita eh gusto ko lang ng experience hindi pa naman ako tinawagan ng airline Company saka baka matagal pa yun sayang ang panahon nag pahinga n nga ako ng 6 months.'' tugon ni Tequila. Oo balita ko pag casino above minimum tlaga ang pasweldo nila kaya lang kasi Tita wala naman nakalagay duon kung magkano ang offer baka pag nainterview tayo sasabihin yun.. dagdag pa nito napabungisngis na nga siya sa sagot niya tila ba siya kinilig sa pagiisip na malaki ang kikitain nila pareho ng tiyahin niya kung magkataon at parehas pa sila nang pinapasukan.. madame na sya nabubuo na plano sa isip niya..

Tinapos na nila ang pagkain at nag ayos na ng sarili upang tumungo na sa pila nang Uv express na knilang sasakyan.
Katanghalian at mainit ang sikat ng araw.
Nakadating sila bago pa mag alas kwatro ng hapon.

TABLE GAMES   (Casino Serye)Where stories live. Discover now