Kabanata 15

121 4 2
                                    

"Napapadalas ata ang lakad mo." puna ni Wealthrone sa akin

I already fixed myself and I'm ready to visit my family. Medyo tinanghali na nga.

"Naka-usap ko sina mommy at daddy kagabi. It was an accidentally met up. They want me to go home." may galak kong sabi.

"Uuwi kana sa inyo?" mabilis na tanong ni Blaine.

"No. Bibisitahin ko lang sila."

"Are you in good terms with your dad now?" tanong ni Wealthrone.

"I hope so. But I'm working on it."

I never had a chance to get mad for my dad at paulit ulit kong sasabihin na masaya akong pinalayas niya ako sa bahay.

"Si Sylvannah ang napiling model ng kompanya nina daddy. He's hoping that he will see me with Sylvannah."

"So isasama mo siya sa bahay niyo?" makahulugan na tanong ni Wealthrone.

"Yeah!"

"Ingat ka baka ang kasunod nito ay mamanhikan na tayo." panunuya ni Wealthrone.

"Kami dapat ang una sa listahan ng magiging ninong ng anak niyo." pahabol ni Blaine.

Tinapunan ko na kang sila ng matalim na tingin at mabilis na lumabas ng bahay para sunduin si Sylvannah sa unit niya.

"Huwag kang kabahan hindi naman kita ipapakila kina mommy at daddy bilang girlfriend ko."

Napapansin ko habang nasa sasakyan kami na para bang malalim ang bawat paghinga niya at animoy hindi mapakali.

"I'm not. Hindi lang ako sanay na makipag meeting sa parent ng isang lalaki." she scrupled.

"Isipin mo na lang na magiging ka meeting mo sila ulit. Just like what you did last night."

"Ehh... Kahit na. I already rehearsed this for so many times pero hindi ko parin magawang hindi kabahan." inis niyang sabi.

Halos napangisi na lang ako sa sinabi niya. Sylvannah Montagne rehearsed for this?

Tanaw ko na mula sa di kalayuan ang bahay namin. Ang may pinakamalawak at malaking bahay sa loob ng subdivision.

Naalala ko kung paano ako maglakad noong pinalayas ako ni daddy. Sa halip na maiyak o makaramdam man lang ng puot napatawa pa ako sa aking isipan dahil sa pag-alala ng nakaraan.

Bumusina ako para mabuksan ang malaking gate ng bahay namin. Agad naman kaming pinagbuksan ng guwardiya.

I parked my car inside the garage of our house. May tatlong sasakyan doon na nakaparada at mukhang kakabili pa lang ng isa dahil mukhang bago pa ito.

When I left our house, we just own one car. Iyon ang taga hatid sundo sa amin ni Rachel noong nag-aaral pa kami at kahit college na ako ay hindi parin ako pinayagan na magkaroon ng sariling sasakayan. After ng college na daw nila ako ibibili ng sarili kong kotse.

Kakalabas ko pa lang ng kotse ay agad na akong sinalubong ni Mommy ng isang mainit na yakap. I really felt her bereavement.

"Sorry My medyo natagalan kami." and I hugged her back.

"Come inside." alok sa amin ni Mommy na ayaw panghumiwalay sa akin.

Sylvannah walked inside the house beside me. Napagigitnaan ako ng dalawang babaeng mahalaga sa buhay ko.

"Kuya." mabilis na lumapit sa akin si Rachel at ganun din ang ginawa niya sa ginagawa sa akin ni mommy kanina. Tapos lumapit siya kay Sylvannah at nakipagbeso.

Kiss For Me | Los EstafaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon