𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 𝙩𝙚𝙣

4.1K 175 19
                                    

Chapter ten

"Sha...tawagan mo ko ah? Wag mo 'kong kalimutang gago ka," maiyak iyak na sabi ko kay sha at yinakap sya ng napaka higpit.

"Syempre pano ko ba naman makakalimutan ang level ng katangahan mo?" Maiyak iyak rin na sabi nya at yinakap rin ako pabalik.

Isang linggo na ang nakalipas matapos alokin ni William ang pamilya ni Sha, magtrabaho sa isa sa mga kompanya na pag mamay-ari ng magulang nya across the country.

Pinag isipan talaga ito nila tito at tita ng apat na araw. Sinabi ko kay mama ang situasyon nila sha at tinanong kung posible bang tulongan namin sila.

She tried to talk to her boss kung pwede silang bigyan ng trabaho sa kompanyang pinagtatrabahoan nya, pero nang marinig lang ng boss ang pangalan nila tito at tita, agad itong tuamanggi. I'm starting to get suspicious about this.

Ewan ko, pero masyado ata malaking coincidence na tumanggi lahat ng mga taong linapitan namin para huminggi ng tulong, para kay sha at sa pamilya nya. Hindi kaya dahil rin ito sa taong nagpalayas sakanila? Sabi nga ng building owner ayaw nilang banggain ang taong yun, gaano ba kalakas ang taong yun at takot na takot ang mga tao sakanya?

"Sha paano si Carl?" Nag-aalalang bulong ko kay Sha.

Halos isang linggo na rin akong walang nabalitan sa status ng relationship nila, wala ring sinabi si Sha dahil stress na stress sya sa problema ng pamilya nya.

"Pumayag naman sya na mag long distance relationship muna kami, ipinangako namin sa isa't isa na magkikita kami once na tapos na kami sa college and I want you to promise that as well. Gusto ko makita muna kita bago kayo magpakasal ni William okay? Dapat ako rin ang bridesmaid!" Nawala agad ang lungkot sa mukha nya at napalitan ng isang masayang Sha na kilalang kilala ko.

Hindi ko mapigilan ang mapatawa sakanya with tears running down on my cheeks.

Parang nawasak ang puso ko nang i-announce ang flight number nila Sha sa speaker. Nagbigay na ng huling paalam si mama sakanila.

"I love you sha, tito at tita. Ingat kayo ah," malungkot na sabi ko. Matapos ang ilang sandaling huling pag papaalam, malungkot na tinignan lang namin ang likod nila sha papalayo ng papalayo samin, hanggang sa hindi na namin sila nakita.

Naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa kamay ko. Malungkot na tumingin ako kay William habang sinisinghot ang kanina pang sipon na pana'y labas sa ilong ko.

Napailing na lang sya sa hitsura ko at pinunasan ang buong mukha ko gamit ang panyo nya.

"Mamaya na yan love birds, may cafe malapit dito halina at magpakabusog," biro samin ni mama, trying to lighten up the mood.

"Are you really that sad?" Tanong ni William habang naglalakad kami papunta sa Cafe malapit sa airport. Tinatanong pa ba yan? Hindi pa ba halata sa mga malagkit na luha sa buong mukha ko?

Mga nakakadalawang minuto pa lang kaming naglalakad nang marating agad namin ang cafe, dahil malapit lang naman kami sa entrance ng airport.

"Bat mo naman natanong?" Nagtatakang tanong ko. The guard greets us pagkapasok namin ng cafe.

"You don't have to be sad because I'm here," he simply said. I deadpanned at him. At nagawa pa ng lalaking to bumanat, ano nanaman ba pumasok sa kokote nito? Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa sinabi nya o sakalin sya sa sobrang inis.

Biglang tumunog ang cell phone ni mama sa bag nya, kinuha nya ang kanyang phone para tignan kung sino ang caller. Sumenyas sya sakin na tinatawagan sya ng boss nya, tumango ako sakanya.

"Ako ng bahala sa mga orders nyo, sagotin ko lang itong tawag. Karen ano sayo the usual? Ikaw William anong gusto mo?" Tanong ni mama samin.

"Ma, I insist, ako na lang po oorder. Sagotin nyo na lang po ang tawag nyo," pag pigil ni William kay mama. Walang nagawa si mama kundi tumango at dali daling pumunta sa cr para sagotin ang tawag nya.

Tinawag ni William ang isa sa mga naglilinis ng lamesa malapit samin.

"Give me the menu," sabi nya. Napakamot naman si kuya sa sinabi nya, nako kung ako lang din ang nasa pwesto nya mapapakamot talaga ako lagi sa ulo dahil sa lalaking to.

"William this is not a restaurant, you have to go at the counter para mag order," pagpapaliwanag ko.

"Oh I forgot, my mistake," blankong sabi nya at tumayo mula sa kinauupuan nya para pumunta sa counter. Nakalimutan? Pano nya nakalimutan yun? Is it even possible to forget that? Siguro lagi lang nakain to sa restuarant, mga rich kid talaga.

Napadapo ang paningin ko lamesa malapit samit at napansin ang buong tropa ng kalalakihan na tinutulak ang isa sa kaibigan nila.

"Sige na ibigay mo lang yung papel," nang-aasar na sabi ng isa sa mga tropa ng lalaki.

"Oi nakatingin dito brad! Hahahaha!" sabi naman ng isa nang makita nya ako na nakatingin sakanila sabay humalakhak ng napakalakas. Wait...ako ba pinag-uusapan nila? Ayoko mag assume ah, I looked around me and napansin na ako nga lang ang nakatingin sakanila.

Lumapit sakin ang lalaking inaasar nila at mabilis na inilagay ang papel sa lamesa ko bago tumakbo pabalik sa tropa nya na tawa ng tawa sakanya.

I grabbed the paper and looked at it, no, it wasn't a cellphone number but instead, a simple message. Hindi ko gaano mabasa dahil pang grade one ang sulat sa sobrang panget, but before I can even have the chance to read the letter, may biglang humablot nito.

I looked up at napansin ang blankong mukha ni William na nakatingin sa hawak nyang papel at may tatlong waiter na dala ang iba't ibang klase ng pagkain sa likod nya. Aba pang buffet na inorder ng lalaking to.

"Anong nakasulat sa papel?" Tanong ko at ininom ang inabot na milk tea ng isa sa mga waiter.

"Something that will upset you," mahinang sabi nya at maglalakad sana papunta sa grupo, pero pinigilan ko agad sya.

"William just leave it, its not a big deal," pagpapakalma ko sakanya dahil para syang bulkan na sasabog any minute.

William took a last glance at the group and said to himself, "They are going to regret this."

•••

Author's note: Damn para akong lutang habang tinatype ko itong chapter di ko alam kung bakit, masyado ata ako puyat? Nako matulog ng maaga at kumain ng tama sa oras mga bata. Shout out nga pala sa mga walang ligo pa dyan baka naman HAHAHAHAHA

And notice what I did there huh? Lumalabas na ang pagka yanderish/obsessive nya HAHAHAHAHA

9 chapters remaining.

[Not edited.]

Love Sick || Obsession Series #1 | DISCONTINUEDWhere stories live. Discover now