01

37 5 0
                                    

2 years ago...

Gabi na at nakatulala ako habang nakatitig sa uniform ko sa Perps. Seryoso? Senior High School na ako? Awit, ayoko na lang din isipin. Ayoko talaga dito sa Perpetual, pero wala eh dito ako pinapasok ng parents ko.

"Alex? Kakain na!" tawag sakin mula sa baba ng mommy ko.

"Sandali po baba na ako na maya maya." Sigaw ko. 

Ayoko talaga isipin na wala akong kaibigan na papasok sa Perps. Nakakainis kasi lahat sila nag Manila. Yung iba ko na kaibigan nung JHS sa UST, FEU tapos DLSU at ako dito, stuck sa probinsya. Bakit ba ayaw parin ako pakawalan nila? Iniisip kasi nila na baby parin ako. Yes i'm a baby but gusto ko rin mag manila or kahit medyo malayo dito sa bahay. 

Bumaba na ako sa kusina namin, kumain lang kaming tatlo nila mommy, only child kasi ako. Nurse si mommy and OFW si daddy sa Dubai, kakauwi lang nya last week, baka ihatid pa ako nito sa school bukas for sure but it's okay minsan lang naman dito sa pinas si daddy, next month aalis nanaman s'ya.

Pagkatapos kumain nag hugas na ako ng pinag kainan namin at nag paalam na aakyat na sa kwarto ko, maaga pa pasok ko bukas eh. Naglinis na rin ako ng katawan at humiga sa kama ko.

"Ano kaya mangyayari bukas?" tanong ko sa sarili ko. "Malamang mag-aaral ako. Introduce yourself nanaman hays." sagot ko sa sarili ko. Binuksan ko na lang ang twitter ko at nag tweet.

alexis_lopez: fuck i don't want to go to school tomorrow,, sino incoming shs sa perps here? ):

I sent my tweet and hoping na may makabasa ng tweet ko. Ugh! i need friends agad para 'di ako mukhang loner don sa Perps.

1 New Notification

Umilaw yung phone ko at chineck ko agad kung sino 'yon.

kiralicious: HI OMG ME!! STEM 1!!

Reply nya sa tweet ko, mutual ko sya dito sa twitter but I don't really interact with her though. I sent her a dm.

alexis_lopez: hi, same tayo ng class! you wanna meet up sa gate ng perps na lang? 

kiralicious: omg hi, well pwede naman but i can sundo naman you, if want mo lang hah.

alexis_lopez: ay omg wag na, hahatid ata kasi ako ng daddy ko eh, so see you tomorrow?

kiralicious: yes okay see you! :)

After namin mag usap ni kiralicious, natulog na agad ako kasi anong oras na baka mag hintay sya sakin ang bagal ko pa naman kumilos.




"Fuck." mura ko kasi late na ako ng 10 minutes natakbo na ako papunta sa school kababa ko lang ng jeep, nakakahihya kay kiralicious jusko. Kala ko kasi ihahatid ako ni daddy, hindi naman pala, pupunta pala s'ya kila lola, hinintay ko pa sya diba ang bobo ko hindi man lang ako nag tanong.

Nakarating na ako sa may gate ng school and wow guess what, wala pa yung ka dm ko! yes okay na ako ang mag hintay wag lang s'ya nakakahiya yon talaga. Naka complete uniform na rin ako, wala lang pa bait effect lang sa mga magiging teachers ko, first impression last kasi diba?

"Hey excuse me? ikaw ba si alexis?" tanong sakin ng babae. ang liit nya parang 5 flat lang 'to. Naka pants sya at naka shirt na kulay black na nakabuhol sa gilid, simple lang sya pero tinignan ko sapatos nya, adidas, yung latest na release na design at yun ang gusto ko! Kung titignan 'tong tao na 'to mahilig s'ya sa sapatos wala lang, obvious lang and same. "Uh yes?" sabi ko sa kanya sabay ngiti baka kasi ito na yung si kiralicious.

"OMG HI ALEXIS!" sigaw nya sabay hug at beso sa'kin. "Matagal kana bang nag hihintay dito? Sorry! Bumili pa kasi ako sa Mcdo ng iced coffee." sabi nya na parang nahihiya, Awit. 

Until Then, My SaintWhere stories live. Discover now