Chapter 10

246 5 0
                                    

Akadia's POV


Lunes na naman at nandito kami sa Bertea ni Mason. Si Phel ay hinihintay nalang namin pumunta dito. Maaga kasi ako pinalabas. 3pm palang eh dismissal na kaya naman nag-message na agad ako sa kanila na pupunta ako ng bertea. Si Mason ay wala ding klase kasi nga tinambakan daw sila. Si Phel nalang ang hinihintay namin.


"Chineck ko cellphone ni Liam kahapon," Sabi niya na ikinalingon ko. "Papindot na ako ng password eh. Kaya lang bigla niya akong nahuli. Tapos inis na inis pa siya kasi bakit ko daw pinapakialaman. Siz, muntik pa kaming mag-away. Punyeta."


"Sa tingin mo ba si Liam yun?" Tanong ko sa kaniya.


"50%. Mahilig kasi gumawa ng dummy account si Liam, seryoso. Hindi ko lang alam kung pinagpatuloy niya pa ba o itinigil na niya."


"Bigla akong kinabahan. Paano nga kung hindi totoo 'tong taong hinahanap natin? Tigilan ko nalang kaya?"


"Eh? 2 months palang naman kayo nag-uusap niyan. Tumitigil-tigil pa. Hintayin mo mag-second year tayo. Kapag matino pa rin siya, I mean, kung kinakausap ka pa rin niya, doon mo na i-pursue."


"Nakapag-isip na ako," Sabi ko kay Mason na kunot-noong lumingon sa akin. "Wag nalang kaya? Sabi ko sa sarili ko hindi ako magbo-boyfriend ngayong college. Pero tingnan mo naman, first year palang ako naghahanap na ako ng taong hindi ko naman kilala. Tsaka kailangan ko nalang siguro na mag-focus sa pag-aaral ko. What do you think?"


"Anong magagawa mo? Lalaki na ang lumalapit sayo. Hindi mo naman maiiwasan yan. Pero kung ayaw mo talaga, 'wag mo ng i-entertain. 'Wag mo na kausapin. Kahit si Liam." Diretsong sabi niya na ikinabuntong hininga ko. Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang dumating si Phel na naka-heels pa. May presentation daw kasi sila.


"SB tayo." Pagyaya niya agad. Nagkatinginan naman kami ni Mason at itinaas ang milktea na iniinom namin. "Libre ko. Umalis lang tayo dito. Ngayon na." Nagmamadali niyang sabi na ikinatango nalang namin ni Mason.


Mukhang badtrip si Phel.


Nilakad lang namin papuntang starbucks. Tatawid lang naman kami sa kabila, SB na bungad namin.


"Anong problema ni Ate ghorl?" Bulong ni Mason sa tabi ko habang naglalakad kami papuntang SB. Nauuna kasi si Phel.


"Hindi ko alam. Hayaan mo nalang." Kaswal na sabi ko at pumasok na sa loob. Si Mason ang umorder samantalang sumunod naman ako kay Phel na umupo sa isang upuan. Apatan yun kaya sa tapat niya ako umupo. "Anong problema?" Diretsong tanong ko na ikinaangat ng tingin niua. "Nakita ko si Clint kanina. Kasama yung ex na sinasabi mo."


"I know."


"Nakita mo?"



"Yup. Hindi ko alam kung bakit kailangan nila pumunta sa building namin eh mga doctor sila. Nananadya amp."


"Baka may pinuntahan lang."


"Malamang yung mga etchoserang kaklase ko na kaibigan yung girl. Psh! Akala naman niya nainis ako. Manigas siya!" Sabi niya na ikinangiwi ko. Hindi pa pala siya naiinis niyan.


Rêveuse: A Dreamer Where stories live. Discover now