PROLOGUE

9 2 5
                                    


PROLOGUE:


"Welcome back loren!"

I smiled. Halos lahat ng empleyadong nadadaanan ko dito sa loob ng building namin ay iyan ang bati saakin.

"After all the schedules in paris, welcome back loren!" Niyakap ko ng mahigpit ang pinsan kong si Kuya Drake. "Buti nalang na hikayat kita, kulang lang talaga kami sa talents noon but look at you now. International actress na one of the most selling endorser pa!" pabiro ko siyang tinarayan.

"Ayan ka nanaman sa pang-uuto mo kuya drake! Diyaan mo din ako nadala nuon eh. Masyadong sugar coated ang mga sinasabi mo, masyadong nakakapanghikayat. Buti nalang talaga!" tumawa siya and he pat my hair.

"So kalian ka babalik ng negros?" once I heard that place kusang nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Loren, hindi lahat ng kasalanan kailangan takbuhan." Pilit ko nalang siyang nginitian akmang lalabas na ako ng opisina niya ng higitin niya ako sa braso.


"Jairus. I know that boy is so silent and cold hearted punk, wala siyang sinasabi kung ano man ang nangyari sainyo nuon. He's been in prison for almost a year dahil hindi siya nagsalita at kahit anong pilit sakanya ng mga pinsan niya na sabihin ang mga nalalaman niya wala siyang sinabi." Memories from the past went back on me again. Tears were about to fall from my eyes.


Jairus...


"Ate Merline is sorry loren. Halos wala siyang maiharap na muka sa asawa niya dahil sa nangyari, alam kong pinrotektahan ka lang ni tito ang dady mo, pero wala akong side na pinapanigan. I know jai is at fault too and I know you are too."


Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko na sinabayan pa ng pagkirot ng kung ano man sa dib-dib ko. It been 7 years, pitong taon na simula ng talikuran ko lahat at nagpakaduwag. Ni iisang lalaking minahal ko iniwan ko. Im so guilty, sobrang guilty ko at takot na takot ako kaya walang ibang laman ang utak ko ng mga panahon na iyon kung hindi ang tumakas.


"Mr.Drake Del Pilar may naghahanap po sainyo, Evie daw po pangalan niya." Tumingin muna saakin si kuya drake bago pinaalis yung tumawag sakanya.


"Some of the Castaneda's are staying here in manila. I just wanted to inform you." Malamya ko siyang tinanguan. "Umuwi ka na sa condo mo, tatlong araw lang ang pahinga mo at may guesting ka sa isang show na nag te-trending ngayon." Pinunasan ko ang mga luha ko bago lumabas ng opisina ni kuya drake kasama siya.


Sumakay kami ng elevator papuntang ground floor, mabilis ang tibok ng puso ko. Siguro ay dahil kabado ako, Si Evie ay pinsan ni Jairus at hindi ko alam kung handa na ba akong harapin sila.


"Here you are!" Nakangiting evie ang bumungad saamin pagbukas ng elevator. Dumako ang paningin niya saakin at medyo nagulat pero agad ding nakabawi.

"Sinong kasama mo?" lumabas na kami ng elevator at naglakad patungong lobby.


"My triplets." Tiningnan muli ako ni Evie kaya nginitian ko siya.


Wala siyang naging tugon sa ngiti ko kaya napayuko nalang ako habang naglalakad. Naiintindihan ko naman kung galit siya saakin, kaso si evie pa lang ito pero nasasaktan na agad ako.

"Papa-Ninong!" Childrens voice filled the whole lobby of the building. May tatlong batang lalaki ang yumakap sa binti ni kuya drake.


"How's my boys? Iniwan kayo ni mom nyo sa lobby ng kayo lang." tumango yung tatlong bata kay kuya. I know them, Si Yves Dwayne, Saint Drei at Laurent Dwight, Ang triplets na anak ni evie sa ex-boyfriend niya na si kuya Maverick.


"Nope. Di po kami alone na tatlo papa-ninong! Binantayan po kami ni tito." Nakangiting sabi ng isa, I cant define who's yves, saint or Laurent because i only heard that she had a triplets named after her favorite brand YSL. Sobrang evie talaga!


"Boys." Me being busy of my toughts doesn't notice the man who's walking infront of us. Wearing a branded shoes, ripped jeans and a hoodie.

"Tito Jairus!" The kids screamed and went to him.

Here he is, Jairus Castaneda and he's infront of me with his usual look on his face. But why is he not saying anything? Dapat ay pagkakita niya saakin saktan niya dapat ako, ganun yun diba? Okay lang saakin na saktan niya ako ngayon mismo! Tatanggapin ko! Deserve ko yon!

"Drake, musta?" nakangiti siyang nakatingin kay drake habang karga ang isa sa mga anak ni evie.


"Still slaying dude. Di nga lang pinapansin ni evie." Tumawa siya ng malakas, pinagmasdan ko siya at natawa parin siya. Did he really just going to laugh there? Like hello andito na ako jairus, complain to me, sisihin mo ako!

"Oh? I tought naka move on ka na? its been a lot of years at ngayon nalang kita ulit nakita." Tumango si kuya drake. Nakatitig parin ako sakanya kaya tumingin siya saakin, kumunot yung noo niya at agad ding bumalik ang tingin kay drake.

"Hindi mo ba girlfriend yung kasama mo?" tanong niya kay kuya drake sabay turo saakin.


Huh? Anong sabi niya? Ako? Girlfriend ako ni kuya drake?


"Hindi, pinsan ko yan." Nilingon ko si kuya drake at malungkot siyang nakatingin saakin.

"Oh I see. Sige na eto lang naman sadya ko dito." Napatingin ulit ako kay jairus at may kinuha siyang sobre mula sa bag ni evie. "Punta ka ah! Hindi pwedeng hindi." Sabi niya at muling tumingin saakin. Parang nanginig naman ang buong katawan ko at napaka bilis ng pagtibok ng puso ko sa pagtingin niya saakin.


"Sama mo narin siya." Ngumiti siya saakin bago bumaling muli ang paningin kay kuya drake. "Attendance is a must! Pero No gift No Entry, okay?" tuamango tango si kuya drake. "Sige una na kami. See you!" bago siya tumalikod ay tumingin muli siya saakin at ngumiti, maaliwalas ang muka niya.


Nang makalayo na sila saamin ay bumuntong hinnga ako at pagod na sumalpak sa sofa. Tumabi saakin si kuya drake habang hawak yung sobreng iniabot sakanya ni jairus.


"Kuya drake what is that? Bakit ganun si jairus? Did he really just pretend like he doesn't know me? At matagal pa ang birthday niya bakit may invitation agad?" sunod sunod kong tanong. Malalim muna siyang huminga bago humarap saakin.


"Loren, pagkatapos makalaya ni jairus mula sa pagkaka kulong hinanap ka niya. He drove to the whole city kasi naniniwala siya na nasa malapit ka lang. I told him the truth kung nasaan ka kasi after all deserve niyang malaman yun. Kaso hindi siya naniwala. Then accident happened." Napasapo ako sa aking mga bibig at lumuha nanaman. Ngayon may kasama ng hikbi. Hinahagod ni kuya drake yung likod ko at pilit akong patahanin.


"You've been here in manila for 2 years bago mo pinagpatuloy ang career mo sa ibang bansa na wala man lang kahit anong balita sakanya, loren he loves you more than you know. After the accident he's in coma, durog yung sasakyan niya. His family almost lost him pero he's fighting. After 6 months he finally woke up but....." even though kuya drake isn't saying it, may pakiramdam na agad ako. May hinala ako.


"Amnesia." And there he said it. Tama ang hinala ko. "But hindi lahat nakalimutan niya, natatandaan niya parin ang pamilya niya, mga kaibigan niya even me. But he forgot about you and all your memories together." Malungkot si kuya habang sinasabi niya iyon. Alam kong may ganoong klase ng amnesia, I once read this through internet and nangyayari ito kapag ang memorya ng tao na nagbibigay sakanya ng stress and so on. Damn! This is much more painful than I thought!


"And this invitation isn't for his birthday loren." Bumuntong hininga muna siya bago magsalita muli.


"I told you to apologize to them and to let them know your side, kahit hindi parin bumabalik ang ala-ala ni jairus sayo, try to apologize. This is for his Engagement Party Loren.....He is getting married to your bestfriend."

JAR OF MEMORIES (ON-GOING)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें