Chapter 2

4 2 0
                                    

Chapter 2: Envelope

        "OMG KUYA DRAAAKE!"


        Tumakbo ako papalapit sakanya at sinabunutan siya, nakain siya ngayon sa dining hall namin at gulat na gulat dahil sa sigaw ko at pagsabunot sakanya.


      "KUYA DRAKE HUHU KUYA DRAKE ANG SAYA SAYA KO! KINIKILIG AKO WAAAH!" Tuloy parin ako sa pagsabunot sakanya at naririnig ko narin ang pag daing niya dahil sa sakit.

       Nang kumalma ako at nalabas na lahat ng feels ko ay tinanggal ko na ang pagkakasabunot ko sakanya, ang sama sama ng tingin niya saakin ngayon kaya nag peace sign ako sakanya.

      "Sorry kuya hehe. Bagay naman sayo yang messy hair haha." Sinimangutan niya lang ako at nagpatuloy na siya sa kanyang pagkain. Sinervan narin ako ng isa sa mga kasambahay namin ng plato kaya sinabayan ko na si kuya drake sa pagkain.

      "What is it? May bago ka nanamang crush?" Tanong niya saakin pagkatapos niyang uminom ng tubig.


      "No way! Hindi ko ipagpapalit si Jairus ano!" Inis kong sabi pero nawala din agad ang inis ko ng maalala ko na magkatabi kami kanina sa SUV ni Jairus.

      Eh shala naman kase, kahit magkatabi lang kami ay kinikilig na kaagad ako. Hindi niya naman ako kinakausap nung biyahe, nakatulog pa nga siya dahil malayo ang AirPort dito saamin siguro napagod dahil sa jetlag ikaw ba naman ang mag summer vocation out of the country tingnan natin kung di ka Ma jetlag.


       "Oh so what happened? Pinahiya mo nanaman ba ang sarili mo kay Jairus?"

       Tinarayan ko siya. Ewan ko ba! Minsan naman supportive cousin siya, minsan hindi. Nakakaloka!



      Inubos ko nalang yung pagkain ko at hindi na nag open up kay kuya drake, for sure eh aasarin lang ako niyan dahil ang babaw ko.

       Habang natutulog kase si Jairus kanina sa sasakyan eh nahulog yung ulo niya sa balikat ko, as long as mas gusto ko yung siya mismo yung mahulog saakin okay na muna ako ngayon kahit yung head niya lang muna. Coming soon na siguro siya hihi!

        Hindi naman talaga ako showy sa feelings ko kay Jairus sakanya, yes my friends knows pero pag dating sakanya eh lagi akong tameme. Minsan nga gusto ko ng masaniban ng fighting spirit ni Jane eh, siya kase eh todo confess at habol talaga sa crush niyang teacher.

       "Mag wo-work ka na sa DP Entertainment?" Tanong ko kay kuya drake ng maka graduate na siya.



     Grade 12 na ako sa pasukan at next year ay College narin ako. Ang bilis ng araw pero yung Developments namin ni Jairus napaka bagal. Hina ko kase eh!

       "Yeah." Sagot niya sabay type sa kanyang cellphone. Nandito kami ngayon sa barn ng mga Castaneda. Ewan ko ba! Lakas ng trip nito ni kuya drake at sinama pa ako dito.


       "Oh Loren ikaw ba yan? Kala ko naman may Chix na itong si drake." Kinawayan ko sila RJ at Leomar na papalapit saamin kasama si Evan, isa ding Castaneda. Anak siya ng nag iisang babaeng anak nila Don at Doña Castaneda pero hindi katulad ng mga pinsan niya ay hindi siya dito lumaki.

      "Hi Evan." Bati ko dito at nginitian niya lang ako. Kagaya rin ito ni Jairus, medyo tahimik pero hindi naman Snob. Si Jairus kase eh Snob pero crush na crush ko parin siya kahit ganun siya. Duon nga ata ako na attract sakanya, hindi lang dahil sa physcial appearance niya pati narin sa ugali.


         "Kamusta?" Nag usap silang apat at nakikinig lang ako sakanila. They're talking about a lots of things. Medyo bored na ako, mas okay sana kung nandirito si Jane o si Lena pero syempre mas okay kung si Jairus.


       "How about you Loren? Anong course ba ang kukunin mo?" Tsaka lang ako bumalik sa huwisyo ng tanungin ako ni Evan. "Your turning College next year right? Parehas kayo ng kapatid ko." He said again tapos ngumiti.

      Siguro kung dito ito si Evan lumaki at mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jairus....Nevermind! Si Jairus parin pala talaga.


       "Bussines Management." Sagot ko. Tumango naman siya saakin at may tinawagan siya sa kanyang cellphone.


      "Oh Jairus Why? Huh? Nasa barn ako? Now na? Eh May ginagawa ako. Sige ipapakisuyo ko nalang."


      Lumakas agad yung tibok ng puso ko. Si Jairus yung kausap niya diba? Pwede Pahingi ng Number? Pwede ako nalang pakisuyuhan mo? Evan please makisama ka!

       "Wala bang babalik ng Villa dito?" Tanong ni Evan. Gusto ko sanang nag volunteer kaso wala akong maisip na excuse kung bakit ako.


       "Ikaw na lang leomar, baka pwedeng paki abot itong papeles kay Jairus." May hawak ng brown envelope si Evan at inaabot iyon kay leomar. Gustong gusto ko ng agawin iyon at itakbo para ako nalang ang mag aabot kay Jairus kaso wala akong lakas ng loob.

     Shems! Ngayon ko kailangan ang lakas ng loob ni Jane. Pwede pahiram muna kahit 20 minutes lang?

      "Huh? Eh may gagawin ba ako Evan. Ito nalang si Loren! Crush niya naman si Jairus." What?!

     Agad kong dinapuan ng tingin si leomar at kumindat siya saakin. Paano niya nalaman? Pero OMG! Nevermind na iyon. Gusto kong makipag High Five kay leomar dahil isa siyang alamat!

      "Crush mo si Jairus?" Tanong ni Evan habang naka lahad yung brown envelope niya saakin. Kinuha ko naman agad iyon sakanya pero binawi niya. "Sagutin mo muna yung tanong ko. Crush mo pinsan ko?" Ngumisi pa siya saakin at shit lang hawig sila ni Jairus parehas din silang green Eyes eerrr lahat naman silang casteneda pero mas pogi parin talaga sa paningin ko si Jairus period.

        Inaantay ni Evan yung sagot ko at Mukang wala talaga siyang plano ibigay saakin yung envelope habang hindi ko pa sinasagot yung tanong niya.


       "Sagot Loren." Natatawang sabi ni kuya drake. Heh! Dapat nga tinutulungan mo ako. Sa magpipinsang Castaneda si Jane at Lena lang ang nakakaalam non!

       "Im waiting Loren." Mahina pang tumawa si Evan at may tiningnan saglit sa likod ko bago ulit saakin.


       "Eh kasi akin na kasi yan para maiabot ko na kay Jairus." Pag iinarte ko. Mas lalo niya lang akong tinawanan.

       "Answer my question first." Err! Nakakainis na ah. Kailangan pa ba talaang sagutin yun? "Loren." Sabi pa niyang muli. Bumuntong hininga muna ako bago tumango.

       "Ayaw namin ng tango lang dapat yung malinaw." Sabi ni kuya drake. Gusto ko siyang bigwasan ngayon. Aba! Nakigatong ka pa.


         "Oo nga dapat yung clear Loren." Si RJ naman at natawa narin. Sarap nilang tirisin pero sige na nga para makalapit na ako kay Jairus.


        "Totoo, crush ko talaga si Jairus." Mas lalo silang nagsitawanan. Napahawak pa nga sila sa kanilang mga tiyan, ganun ka OA yung tawa nila.



       "Oh! Jai, eto na pala yung envelope na ipinadala ni Khetleen para sayo." What?!


       Gulat akong lumingon dahil alam ko ng nandoon si Jairus. Mas lalo silang nagsitawanan, Etong si kuya drake nagyayari talaga ito saakin. At eto namang si Evan eh kaya naman pala may pa tingin tingin pang nalalaman sa likuran ko! Nandoon na pala si Jairus!

       "Tsss! Akin na nga yan Evan." 

    Dumaan sa harapan ko si Jairus, naamoy ko pa ang mabango niyang pabango. Naka pang basketball shorts siya ay white shirt lang pero ang lakas lakas parin ng dating niya para saakin.



      Pero punyemas sino itong Khetleen na nagpadala ng brown envelope na ito kay Jairus ko huh?!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JAR OF MEMORIES (ON-GOING)Where stories live. Discover now