02

42 0 0
                                    







Ang sabi ng driver ay nasa gitna kami ng Manila. Kaya naging trenta minutos ang biyahe namin papunta sa bahay ni Sir Dovan dahil sa traffic.


Tumigil ang van kaya umupo ako sa isang upuan na nasa unahan ng mini bed. Maraming ilaw ang nakapaligid dito, kitang kita rin naming ang gate na pag-kalaki at kapansin-pansin din ang letrang V sa gitna ng gate.


Ayoko munang mag-isip kaya hindi ko muna binigyan ng kahulugan iyon. Nakita kong automatikong bumukas iyon kaya napaaawang ang aking bibig. Mayaman.


Iyon ang unang pumasok sa isip ko ng makita iyon. "Ma, tama ba 'tong pinapasok natin?" nakangiwi kong tanong kay Mama. Dahil hindi ako sigurado kung ito ng aba talaga ng bahay ni Sir Dovan.


Tumango siya at napalingon sa driver namin. Binuksan ng driver ang kanyang bintana at kinausap ang guard sa gilid ng gate. "Sila Ma'am na ba 'yan?" tanong ng guard.


Tumikhim muna si kuya at akmang sasagot nang biglang nag ring ang telepono sa loob ng guard house kaya sinagot muna ito ni Kuya. Bumalik naman ito agad. "Pwede na po kayo pumasok..."


Wala pang isang minuto ay nakapark na kami agad sa gilid ng parte ng kalawakan. Bumaba kami at nagtatakang tiningnan ang driver. "Arnold, anong ginagawa natin dito sa kawalan? Pag tanong ni Mama sa kanyan kaibigan.


Bago pa makasagot itong si Kuya Arnold ay may lumapit na sa amin na babae. Nakasakay pa ito sa golf cart na siyang pinagtaka ko. Nang tumapat ito sa amin ay bumaba ito.


"Magandang araw po. Kayo po ba si Ma'am Allana Astrid?" tanong ng babae. Base sa suot nito mukhang isa ito sa mga kasambahay dito.


Tumango si Mama at ngumiti naman ang kasambahay. "Welcome po. Hinhintay na po kayo ni Master. Sakay na po kayo. Tsaka, paki-alalay na rin ng gamit nila, Kuya Arnold. Salamat," sunod sunod na sabi nito at agad na sumakay sa unahan ng golf cart.


Sumunod naman kami agad ni Mama sa sinabi ni Ate. Habang kinakarga ang mga bagahe hindi ko maiwasan na igala ang paningin sa buong kalawakan.


Wala ka talagang makikita roon at puro kadamuhan. Bermuda grass at ilaw na nasa halaman ang makikita mo. Nang umandar ang golf cart ay nadaanan din naming ang malaking fountain sa gitna. Nakapabilog ito pati narin ang mga damo na naka harang sa fountain.


Hacienda na ata ang matatawag ko rito sa bahay na ito. Ngunit nagkakamali ako. Napanganga ako ng makita ang kanilang malaking bahay. Mansion na iyon! Jusko! Ilang palapag kaya ito?!


Kaya pala golf cart pa ang ginamit sa sobrang laki nitong buong bahay. Siguro ay meron pa sa likod ngunit hindi ko na iyon inisip.


Tumigil kami sa tapat ng pinto ng mansion. Bumaba kaming apat at agad namang tumungo ang kasambahay. "Welcome to Velez' Residence, Ma'am Astrid."


Natigilan ako at nakipagpalitan ng tingin sa aking ina. Ano raw? Velez kamo? Ngunit ng tinginan ko ang aking nanay ay nakangiti pa siya! Tuwang-tuwa sa naririnig. Velez?!


"Ma, huwag mong sabihin na..."


Ngumiti siya sa akin na ubod ng tamis. "Yes, anak. Si Dovan Velez ang nakausap ko."


Huli na ng maintindihan ko iyon dahil napabagsak na ako sa sahig at nawalan ng malay. Narinig ko pa ang mga sigaw nila ngunit hindi ko na maalala ang ni isa sa kanila.


"Aubrielle..."



"Aubrielle, anak?"


Napamulat ako at mataas na kisame agad ang napansin ko. Ah, nasa bahay nga pala ako ng mga Velez... Agad akong napabangon dahil sa naisip.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Arrival of DawnWhere stories live. Discover now