SURVIVAL SQUAD

333 13 13
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Nakatingin lang sila sa Southway mall na unti-unting nawawala sa paningin nila. Yung kaguluhan sa roofdeck na kitang kita parin nila ngayon ay parang isang bangungot na tatak sa utak nila.

Nakatingin parin doon si Yanna at halos hindi maiwasan isipin kung hindi sila naka alis ni Josh doon ganoon rin ba ang kalagayan nila?

Naka upo sa likod si Josh at Yanna kasama ni Weedad at Justin habang nanatili sa dating pwesto sina Ken. Si Sejun na nag ang nag mamaneho at katabi nya na sa front seat si Stell.

"So, paano nyo nalaman ang clock perimeter? Sa mga games lang yun diba?" Pag babasag ni Josh nang katahimikan, napalingon si Ira sakanya pati na rin si Stell.

Kanina pa to iniisip ni Josh, yung sinigaw ni Ira ang 12 o'clock perimeter ay nagulat na sya, gusto nya sana mamangha kanina pero wala nang oras para doon dahil nasa binggit na sila nang kamatayan.

"Clock perimeter?" Tanong ni Gwen, Tumungo naman si Stell sakanya.

"Ginagamit namin yun sa training dati" simpleng saad ni Ira, dahan dahan namang tumungo si Josh.

"Wala bang nakagat sainyo?" Tanong ni Sejun habang naka tingin parin sa daan, umiling naman sila.

Saktong sakto lang sa siyam na tao ang kotse ni Justin kaya hindi na sila maka rescue kung ano pa man.

"Guys, full na ang kotse ko ah. Baka kasi may balak pa kayo mag rescue" ani ni Justin sabay tawa nang marahan, natawa naman ang iba.

"Um, nakaka distorbo ba kami?" Mahinang tanong ni Yanna at napa kagat nang labi nya, napalingon naman yung mga nasa second seat sakanya.

"Wag ka mag isip nang ganyan, halos lahat kami dito na naki sakay lang din" ani ni Ira, nag tama naman ang kilay ni Josh.

"Itong mga naka lab coat ang original dito" ani nya uli, napatingin naman si Josh sa kanila.

"Mga scientists ba kayo?" Tanong nya, napalunok nama si Justin at medyo na tense.

"Medical student lang" sagot ni Gwen.

"Ah! Hindi pa pala kami nag papakilala" ani ni Justin sabay kamot sa ulo nya para maiwasan na ang topic tungkol sa kanila.

"Ako pala si Justin, yang nag mamaneho ay si Sejun, yan si Gwen, yan si Ira pati yang katabi nya si Ken at ito si Weedad" pakilala ni Justin, tumingin naman muli si Yanna at Josh sa mga nasabing tao at inaalala mga muka at pangalan nito.

"Josh and Yanna" ani nya at ngumiti nang bahagya, tumingin naman si Ira sa kanila.

"Last name basis ako, ano mga last nyo?" Tanong nya, ngayon lang napansin na maraming dugo ang damit nito, yung muka nya rin pero pinunasan nya gamit ang sleeve nang kimono nya.

"Rodriguez and Santos"

Tumungo naman si Ira at inayos nanaman ang upo nya.

Napatingin si Gwen kay Ira at Ken. Parehas silang tatlo na may mga bahid nang dugo sa mga suot nila. Inalis ni Gwen ang lab coat nya kaya naka puting uniform nalang sya, talsik lang naman nang dugo ang meron sa lab coat nya kaya binigya nya to kay Ira.

"Punasan mo muka mo, pati rin ikaw Ken" ani nya, kinuha naman Ito ni Ira at pinunas sa muka nya at binigay naman kay Ken.

Nung natapos si Ken sa pag punas, sunod nya naman pinunasan ang katana na maraming dugo.

"Josh, magaling ka rin sa mga baril gaya nang kay Stell?" Tanong ni Justin, medyo gumalaw-galaw pa ang kotse dahil sa lubak na daan.

Napa kurap kurap si Josh nung narinig nya ang salitang magaling.

Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now