KAJIHARA

292 10 6
                                    

𝑨𝑼𝑻𝑯𝑶𝑹'𝑺 𝑷𝑶𝑰𝑵𝑻 𝑶𝑭 𝑽𝑰𝑬𝑾:

Tunog nang mga kumbyertos na tumatama sa plato ang maririnig sa buong hapag kainan. Abala at focus ang lahat sa pag kain nang umagahan nila. Hindi naman sila ngayon ka busy dahil na natapos na nila ang pag hahanda sa Humvee nila kaya free time na nilang lahat ngayon.

"Wala naman kayong plan for today right?" Tanong ni Mister Kajihara at uminom nang kape nya. Napapunas nang napkin si Stell at uminom nang tubig.

"Wala naman po, siguro kailangan nalang namin mag relax" ani nya, tumungo naman si Mister Kajihara.

"Why not you go to the pool to relax" suggest ni Miss Kajihara, napatingin naman sakanya sila Gwen mukang nagustuhan ang ideya.

At ayon nga, andito sila ngayong lahat sa may pool at walang may balak na maligo. Nakaupo lang sila sa mga upuan habang umiinom nang lemonade at nakatingin sa tirik nang araw. Mukang normal lang ang lahat, wag ka lang titingin sa city na puno nang gulo. Mula kasi dito makikita mo yung mga walkers and runners na nag hahanap nang pagkain at ang dami nila, mukang wala na atang tao sa sentro.

"Okey, okey! Masyadong boring! Mag lalaro tayo!" Ani ni Josh sabay lapag nang bote sa lamesa na nasa gitna nila. Napataas nang sunglasses si Weedad at ginawa itong headband. Yung kabilang kamay nya naman ay may hawak na lemonade with matching payong payong sa side. Dagdag mo pang naka cross legs sya.

"Ano namang laro?" Tanong nya at uminom nanaman sa straw nya.

"Oo nga, ano?" Tanong ni Gwen.

Napailing nalang si Josh dahil masyadong atat ang mga to.

"Truth and truth lang tayo. Yoko nang dare" ani nya sabay ngisi. Bigla namang nabuga ni Stell ang iniinom nya kaya napatingin si Josh sakanya.

Nag tama ang tingin nilang dalawa at hindi gusto ni Stell yang mga tingin ni Josh.

"Napaka chismoso mo, Josh! Gusto mo lang malaman ang mga secret namin eh!" Sigaw ni Sejun, tumungo-tungo naman si Ken.

Napairap lang si Josh at napa sandal sa upuan nya.

"Ayaw nya bang malaman ang sikreto nang bawat isa?" Tanong nya, yung tono nang boses nya ay parang merong pang aasar na may halong pang kukumbinsi. Napaisip naman bigla ang survival squad.

Masaya kaya malaman ang mga sikreto nang bawat isa.

Kinamot ni Josh ang batok nya at nilibot ang tingin sa mga kasama nyang naka pabilog ang upuan.

"At ayaw nya bang malaman ang sikreto nang mga taong gusto nyo?" Tanong nya nanaman uli, sinigurado nya talagang natama nang tingin nya ang lahat. Mukang naging interesado naman ang mga ito, medyo nakuha sila ni Josh doon ah.

Bigla nalang inikot ni Ken ang bote kaya nanlaki ang mga mata nila at napatingin sa boteng sobrang bilis ang ikot na parang mahihilo sila pag nakatingin sila dito nang matagal. Dahan dahang humina ang pag ikot nila pati na rin ang pag hinga nila. Hanggang sa tumigil ito kay Yanna.

"Oh, ang bilis nang karma" pang aasar ni Ira sabay tawag nang marahan.

Well, lahat naman ata nang tatanongin nila kay Yanna kokonekta kay Josh.

Napangisi sila lahat na nakatingin kay Josh, napalunok naman si Josh dahil mukang alam nya na ang tanong nanh mga yan ay tungkol sa relasyon nila.

"H-hoy! Tungkol sakanya lang naman!"

"Ekis!" Sigaw ni Justin sabay ekis nang braso nya kaya napa busangot si Josh. Napa sandal naman si Ira sa upuan nya sabay cross arms at tumingin nang mapang asar kay Yanna kaya bigla syang kinabahan.

Call Of The Undead [SB19 FF] ✔︎Where stories live. Discover now