Chapter 40: Mysteries

15 2 0
                                    

Yoo Joon's POV






Nasa second floor na kami ngayon ng bagong Headquarters namin. Katatapos lang namin gawin ang first floor na napakadumi at napaka dami ng kalat. May nahuli pa si Vlad na tatlong may kalakihang ahas habang nag aalis lang ng mga nakatambak na sirang kahon sa sulok.





Kasalukuyan akong nagdidikit ng wallpaper sa loob ng magiging bagong headquarters namin. Habang abala naman si Vladimir sa paglalagay ng kahoy na magiging second wall upang hindi makita sa labas ang ilaw na magmumula sa loob.





Si Illa naman ay busy sa paglalampaso ng sahig. Yes, hindi kami naghire ng mga tao na gagawa nito. Mahirap na, baka sila pa ang maging dahilan ng pagkabisto namin dito.





Pagkaalis na pagkaalis ng iba ay kaagad kaming kumilos upang magayos ng interior ng building. Hindi na namin pinaganda ang exterior upang magmukha talaga itong abandonadong gusali.





Katatapos ko lang magdikit nang dumating si Hyun Woo na malapad ang ngiti. Ipinatong lang niya ang mga pinamili niya sa sahig at naupo sa sofa.





Nilapitan siya ni Illa at tinapik. Sakto at dumating ka. Ikabit mo yung mga ilaw dun sa mga slots na wala pang bumbilya. Utos nito.





Yeeeeeeees. Tulalang sagot niya. Iniwanan na siya ni Illa at di na namin pa siya pinansin.





Hanggang sa matapos na ko sa paglalagay ng wallpaper eh nakita ko si Hyun Woo na nakatulala padin at nakangiti ng malapad. Ano kayang nangyari sa animal na to.





Nilapitan ko siya. Aba hindi ako pinapansin ng mokong. Ano bang nangyari sa pamamasyal ng hinayupak na to?





Huy Hyun Woo. Sabi ko with matching palakpak pa sa harapan niya. Pero hindi padin ako pinapansin ng mokong.





Nakita ni Vladimir ang ginagawa ko kaya naglakad ito sa likod ni Hyun Woo. Wag kang maingay. Bulong niya.





Bumwelo ito ng ubod lakas. At tuluyan akong natawa sa sumunod na nangyari.































*PAK!*








PUTANGINAMO MAY PINAPAGAWA SI ATE ILLA SAYO HINDI BA??!!


















Bahagyang tumalsik ang mokong matapos siyang batukan ni Vladimir. Tawang tawa ako sa mukha ni Hyun Woo. Bakat na bakat yung kamay ni Vladimir sa pisngi niya.





HAHAHAHAHAHAHAHA😂😂. Tawang tawa ako sa itsura ni Hyun Woo, para siyang ginising sa pagkabangungot sa pamamagitan ng malakas na sampal.





Lumapit naman si Illa at itinayo si Hyun Woo na hanggang ngayon ay gulat na gulat padin sa ginawa ni Vladimir sa kanya.





Pero nakaramdam ako ng kaunting selos sa ginawa ni Illa. Kaunti lang siyempre. Walang kami kaya wala akong karapatang magselos





Ano bang nangyayari sayo ha Hyun Woo? Bakit parang wala ka sa sarili mo? Tanong ni Illa habang nakahawak sa namumulang pisngi ni Hyun Woo. Okay medyo tumaas yung selos level ko.





H-h-hindi ayos lang ako. Sabi ni Hyun Woo at inialis ang kamay ni Illa sa pagkakahawak sa pisngi niya.





Tumaas na naman ang selos level ko hindi dahil sa pag alis ni Hyun Woo sa kamay ni Illa. Pero nanatili itong nakahawak sa kamay niya. Putangina naman!





Chimera: The Beginning (COMPLETE/EDITING IN PROGRESS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon