Chapter 44: Rise of Chimera

22 1 1
                                    

Chun Hwa's POV





Papunta na kami ngayon sa Headquarters, kasama ang magaling kong Kuya na siyang nagmamaneho ng kotse ngayon.

Nakatitig lang ako sa dinadaanan namin nang kalabitin niya ko sa balikat. Malayo pa ba? Tanong niya sakin.

Malapit na. Walang ganang sagot ko.

Sure ka ah? Paniniguro niya.

Oo nga! Bulyaw ko sa kanya.

Oh bakit naninigaw ka diyan?? Gulat na tanong niya sakin.

Huwag mo muna ko istorbohin pwede? Masungit na tanong ko.

Red days. Bulong niya na narinig ko.

Manahimik ka nga! Sigaw ko sa kanya.

Ok ok, tatahimik na ko. Sabi niya habang nakataas ang isang kamay niya.

Binuksan ko ang bintana at sumagap ng sariwang hangin. Medyo di maganda ang pakiramdam ko. Hindi ako sure kung dapat bang isama ko si Kuya sa Headquarters o hindi. Pero dahil sa si Papa na mismo ang nagsabi kaya wala na kong magagawa pa.

Lumingon ako sa harapan at natanaw ang isang lumang gusali malayo samin. Malapit na tayo. Sabi ko kay Kuya.

Mabuti naman kung ganon, nababagot na ko sa haba ng biyahe natin. Sagot niya.

Naalala ko ang iniutos ni Illa na ipark ang sasakyan malayo sa mismong gusali upang walang makapansin samin.

Ipark mo nalang dun sa tabi ng malaking puno Kuya. Sabi ko.

Huh? Malayo pa ah. Takhang tanong niya.

Ipark mo na. Lalakarin nalang natin papunta doon. You know, para iwas attention. Sagot ko sa kanya.

Nagets naman niya ang sinabi ko kaya ipinarada niya ang sasakyan malapit sa isang malaking puno. Ilang metro na din naman ang layo namin sa kinatatayuan ng gusali.

Bumaba na kami sa sasakyan at kinuha ang mga maleta namin at sabay na naglakad papunta doon.

Nakita namin ang sasakyan ni Hyun Woo, Illa, Yoo Joon, Vlad at Dae Shim na nakaparada malapit sa pinaradahan namin. Kung tatantsahin mga limang metro ang pagitan ng bawat sasakyan.

Matapos ang ilang minuto ay narating na namin ang headquarters namin. Sure ka bang eto na ang headquarters niyo? Tanong sakin ni Kuya.

Oo. Maikling sabi ko.

Naglakad na kami papasok at bumungad samin ang isang malaking bakal na pinto. Pintuan ata papasok sa impyerno yan eh. Sabi ni Kuya.

Hindi ko na siya pinansin at hinanap ang interface na sinabi ni Illa sakin. Nakasave doon ang biometrics naming lahat kaya kami lang ang makakapag bukas noon.

Tao po? May tao ba dyan? Tanong ni Kuya habang kinakatok ang pintuan.

Tumigil ka nga dyan Kuya! Bulyaw ko.

Agad naman siyang tumigil at tinignan ang pintuan. Napakaganda ng pagkakagawa nito. Puri niya.

Inilagay ko ang hinlalaki ko sa interface.

Scanning Fingerprint....

Confirmed: Son Chun Hwa.

Access granted.

Chimera: The Beginning (COMPLETE/EDITING IN PROGRESS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon