Prologue

26 2 19
                                    

Halys' POV

Maraming ashes and snows (kahit 'di pa naman winter, ang weird ba? Hindi naman siguro) na naka-stuck sa ere. Nararamdaman ko ang lamig na sanhi ng gyera na tinakasan ko. Pero hindi ibig sabihin no'n ay duwag ako, ha. Magpapahinga lang.

"You've done your part. Now, rest."

Huh? Ano 'yong narinig ko? Pamilyar na boses. Parang boses ng hindi love ng mama.

Napaupo ako sa sira-sirang hagdanan. Pero hindi naman siya masyadong sira. Sakto lang. Kaya nauupuan ko pa kasi hindi gaano kasira. Siguro ako lang 'yong sira. Kaya't dapat akong mamahinga at nang sa ganoo'y makauwi na ako.

Ay, wala na nga pala akong mauuwian kasi gyera time at malamang nasalanta na ng bagyo 'yong hometown ko. So, uupo nalang pala ulit ako dito sa sira-sirang hagdanan na sakto lang ang sira.

Humiga ako. Napa-aray naman ako dahil sa sobrang stiff ng kapatagan. Ay, hindi pala. Ako pala 'yong stiff. Ano bang kapatagan? Ah, basta 'yong sahig dito sa... ano bang lugar 'to? Hindi ko rin alam basta nasalanta lang rin ako ng gyera.

Nag-crestfallen sigh ako kasi sad ako, eh. Umangat ang tingin ko sa kalangitan na crimson ang kulay at blue. Isali mo na rin ang iba't ibang shapes ng ulap; may petrang kabayo, tikbalang, manok, tortang talong, pritong goldfish, at iba pa. 

Ay, oo nga pala. Papasikat na rin ang araw kasi hindi lulubog.

Ay, ulit. Bakit ba ako nawawala? Mag-fo-focus nga pala ako dapat sa internal thoughts ko about sa boses ni Sedeon. Ay, pota. Na-spoil ko ba?

Nang lumitaw ang boses niya sa pandinig ko, feeling ko may nag-hi-heal sa akin. Nag-re-regenerate ako. Bumabalik ang nawala kong enerhiya na nagamit ko sa pakikipagsapakan--- este pakikipagbakbakan. Now, what the heal.

Sobra na talaga akong pagod, ilang araw ba naman akong nagbilad sa araw at gabi para lang ipagtanggol ang nation ko. Kasi mabait ako, eh.

Bawat segundo, palakas ng palakas ang kaluskos. Senyales na papalapit na si Sedeon. Ay, ulit. Hindi ko pa pala dapat alam na si Sedeon 'yon.

Reparagrah: Bawat segundo, palakas ng palakas ang kaluskos. Kasabay niyon ang unti-unting paghilom ng mga galos ko sa katawan. Wow, amazing! Paano 'yon, lodi?

"Wag... wag mo 'kong lapitan, please, lodi." Binuksan ko ang mga mata.

Na-shock naman ako nang mag-iba ang paligid. Wow, amazing. Paturo ng magic, lodi!

Wala na 'yong kaninang crumbs of rocks. Oh, 'di ba? Hindi lang ang bread ang may crumbs. Pati na rin ang rocks. 

Napaupo tuloy ako. Gusto kong sapakin ang sino man itong ginambala ang aking pagmumuni-muni. Kung siya kaya ang magmuni-muni 'tapos naistorbo, sino bang magiging happy? 

Ah, templo nga pala ito. Napatango-tango ako. Okay, amazing! Paano 'yong magic, lodi?

Sobrang ganda ng paligid. Light ang walls. And then shining shimmering spreaded. Ay, mali. Suspended pala 'yon. Pero... bakit parang hindi? Ah, basta. Grabe, sobrang ganda ng templo na ito na kanina lang, eh, sira-sira. 

Iniscan ko ang place at halos ma-dizzy naman ako sa taas ng ceiling. Nanliliit tuloy ako. Eh, hindi naman talaga ako maliit. Nagmukha lang akong maliit dahil sa templo na ito na tinibag ang beauty ko.

Galing naman. Parang hindi true.

Ipinihit ko naman ang eyes ko sa opposite na ways. Lumamlam ang mukha ko nang makilala kung sino ang napaka-hot na lalaki sa buong life ko. Si Sedeon. Ay, siya pala 'yong kinausap ako kanina through telepathy. 

Seventh {hampaslupa version}Where stories live. Discover now