Chapter two

235 12 3
                                    


Michael povs

Tahimik namin tinatahak ang daan papunta kung saan. Pinagmasdan ko ang paligid hindi ako familiar sa lugar na to.

Arthur Gonzales..

Buong pangalan nya--ng daddy ko pala. Wala sana akong balak sumama sa kanya pero wala na akong choice. Nag promise din syang pag aaralin nya ako kaya sumama na ako, isa pa ang bahay at lupa kailangan kong makisama para maisalba mula sa tiya tiyan ko.

Huminga ako ng malalim bago nag salita "ahm pano po ang bahay?" tanong ko kaya napitingin sya sakin saglit at bumalik ulit ang tingin nya sa daan.

"Ang secretary ko na ang bahala don"

"ahh ok po" Mayaman nga ang daddy ko. makukuha ko na ang anoman ang nais ko. Nag mamay ari pala sya ng sikat na resort sa Pangasinan. Nung nalaman kong may resort sya at nasa dagat yon  kaya sobrang saya saka excited na din ako. Meron din syang hacienda na malapit lang  sa resort nila at don naka tayo ang mansyon kung saan ako titira, Kasama pala ang tatlong kuya ko. Kanina ko lang nalaman bago kami umalis sinabi nya ang tungkol doon. may tatlo pala akong kapatid. Masaya, nakaka excite kasi may kapatid na ako pero tanggap kaya nila ako gusto kaya nila ako.? Pano pag hindi tapos bugbogin nila ako! Tsk! Bahala na basta hindi ako papa api.

Marahan nyang clinose open ang mga palad nya pakiwari koy nanangawit na sya sa pag mamaneho.

"wala po ba kayong driver?" tanong ko. Kasi mayaman sya bat wala syang driver.

Lumingon sya sakin bago ibalik ang tingin sa daan. "gusto ko kasi ako mismo ang sumundo sayo.." naka ngiti nyang sabi.

Tumango tango naman ako. How sweet nemen..

"saka baka hindi ka kasi sumama pag pinasundo kita." dagdag pa nya. Talagang hindi ako sasama. Naalala ko nong 13 ako may sumundo sakin sa school eh wala naman kaming body guard at driver buti nalang at dumating agad si mama.

"ahh owkey pow" maarteng sabi ko saka tumingin sa labas. Bigla naman huminto ang sasakyan at don ko lang narealize ang sinabi ko. shit hindi pa pala nya alam ang tungkol sa malansang pagkatao ko. Pa simple akong napa face palm.

Huminga ako ng malalim at lumingon kay daddy na naka tingin na din pala sakin.

"bat po kayo tumigil?" tanong ko sa pinaka malalim na boses.

Ngumiti sya ng tipid at Umiling  saka nya tinuro ang harap, traffic pala. Feeling ko talaga nakaka halata na sya hays, dagdag pa ang mahinhin kong kilos na minsan nya na ring napansin kanina. Pano kaya pag umamin ako tapos bigla nya akong sapakin at itatakwil dahil ayaw nya na may anak na bakla. Jusko! Mabait naman si daddy sana matanggap nya kung ano ako.

Naka tingin lang ulit ako sa labas habang usad pagong umaandar ang sasakyan namin. Habang nag mumuni muni about kay daddy kung matatanggap nya ba ako at may biglang...

"Ahhhhhhhhh...!!!!!"

Tili ko pa. Kinginang impaktong to mahuhuli na ako nito ehh. Bigla kasing may sumilip sa salamin at kumatok at nilahad ang mga palad. Nanlilimos, naawa  naman ako sa bata at sa bata pang naka sampa sa likod nya.

Hindi naman ako nag dalawang isip. Agad kong kinuha ang wallet ko at kumuha ng pera. Nang ma abot ko ang pera agad namang nag pasalamat sakin ang bata bago lumipat sa kabilang kotse.

Pinag mamasdan ko sila habang nanlilimos ka awa-awa sila. Nagulat pa ako ng taponan sila ng tubig ng nasa harap naming kotse at tinaboy. Lalo akong naawa sa kanila. Ang hirap pala maging palaboy. Ang hirap humingi ng limos sa tao lalo na't kung hindi mo ka anu ano. Sana pala yong 500 nalang ang binigay ko na-guilty naman ako kasi 20 pesos lang binigay ko.

"Michael.. Bakla kaba?"

Sandaling nawala ang katahimikan. hindi ko inaasahan ang tinanong ni daddy. Naka tingin lang ako sa kanya nakaka bigla. hindi ako makasagot, natatakot ako.

"Look! wala naman mawawala pag umamin ka diba?" kanina pa ako naka tingin sayo dad.

Huminga ako ng malalim. "kung hindi nyo po ako tanggap ibalik nyo nalang ako sa bahay." matapang na sagot ko.

Huminga sya ng malalim "malapit na tayo".

Pero hindi ko sya pinansin. Sa totoo lang Magaan sa kalooban dahil hindi ko na kailangan magtago pa.

Sa shell ko...

"My house My rules" nilingon ko ulit si daddy.

"kahit sa anong paraan gagawin ko ma-ituwid lang kita Michael!".

Jusko!!!

Si papa nga hindi ako pinilit magbago. Dahil ito ako. Ganito na talaga ako.

Sana pala hindi na ako sumama! Pero wala na akong magagawa dahil nandito na ako.

-----

---TO BE CONTINUED---


Kim teayung AS Michael Abellera

Kim teayung AS Michael Abellera

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beautiful Liar  [BxB] - short storyWhere stories live. Discover now