Chapter Ten - (Tulingling)

52 12 1
                                    

SHORT UPDATE

Chapter 10

(Present Day)

Ilang beses na napabuntong hininga si Junhnel pagkatapos sabihin sa anak ang nangyari ng nagdaang labing-siyam na taon. A tear come out from his eye, hindi niya mapigilan ang lungkot ng maalala ang asawa. Alam niyang napakabuti ng asawa niya kahit isa itong bugad kaya nga niya ito inibig.

Somehow Alex was filled with answers to his questions. Pati siya ay nalulungkot din para sa kanyang ina. He can see it in the eyes of his father na mahal na mahal sila ng ina, and maybe she sacrificed herself para maprotektahan ang ama niya, silang dalawa. Lumapit siya dito saka niya ito niyakap. That is what his father needs now, siguradong nahirapan ito ng mawala ang ina niya at nahiwalay siya sa mga ito.

"Matulog ka na anak." Junhnel said after those warm hugs. Tumango lamang si Alex at ngumiti sa ama. Iniwan siya nito sa kwarto niya na puno ang pag-iisip.

"How can I be destruction?" Iyon ang bumabagabag sa isipan niya ngayon. Hindi niya lubos maisip na may kakayahan siya na dalhin ang kadiliman sa buong Elenos at maging sa buong mundo.

Iniisip din niya kung sino ang babae na tinutukoy ng Oracle na hindi niya dapat makasama, he must know her so that he can avoid her. Nakatulog si Alex na hindi mapalagay ang isip. Tomorrow will be another day for him to face.

"Reniel! Dalian mo na diyan, nagugutom na ako." Tumatakbo si Alex habang sumisigaw. Hindi alintana ang mga agre na madadaanan niya.

"Mahal na prinsepe mag-iingat po kayo." Rinig niya na sabi sa ilang mga agre na masasalubong niya. Nginingitian lamang niya ito at patuloy lang sa pagtakbo. Ang mga tagapagbantay niya ay pilit na sinasabayan siya sa pagtakbo, humahangos na ang mga ito at iniiwasan na hindi siya mawala sa mga mata nito.

Napahinto si Alex sa may mga nagkukumpulan na mga estudyante. May mga Eros, Breton, Dreron at mayroon ding iilan na mga Agre ang nanroon at parang may pinapalibutan. Sumiksik siya dito para makita kung ano ang nangyayari doon. Isang Eros na lalaki at babae ang nandoon, nakaluhod ang lalaki sa harap ng babaeng Eros.

"Oh Kerlyn ko'ng sinisinta

Babaeng hanap ng aking mata

Sa'kin ganda mo'y hindi balakid

Kahit binti mo'y ang daming kagid" Napatawa ang lahat dahil sa sinabi. Pati si Alex ay hindi napigilan ang tawa.

Lumabas ang pakpak nito at lumutang ang lalaki ng kunti, ang babae ay hindi maipinta ang mukha, di malaman kung matutuwa ba ito o magagalit.

"Sa likod ng mukha mo'ng maamo

Kilikili mo'y mabaho.

H'wag mong sabihin na pangit ako

Dahil bagay na bagay tayo.

Kahit na ang pandak-pandak mo

Oh, well pareho lang pala tayo." They burst to laugh again.

"Ikaw lang ang palagi kong hinihiling

Na sana'y aking makapiling

Kaya sana'y ako'y iyong sagutin

Dahil handa kitang mahalin

Kahit na pango ang iyong mga ngipin." Mas lalong umingay ang paligid. Sa isip ni Alex ay hindi iyon isang panliligaw, parang panlalait na iyon. But then, maybe that is his way of showing his feelings. Umalis na siya sa kumpulan at dumeretso na sa canteen. Siguradong nag-aalala na ang mga nagbabantay sa kanya dahil bigla nalang siyang nawala sa mga ito.

Our Twisted Fate: The Missing PrinceWhere stories live. Discover now