Longing for Answers

1.2K 31 1
                                    


Nandito lang ako sa loob ng kwarto, nag-iisip ng mga bagay bagay. Gaya ng 'bakit niya ko iniwan?',  'Nagkulang ba ako?', Hindi ba ko sapat? Yan lang naman ang mga bagay na bumabagabag sa isip ko sa mga oras nato. Bakit sa kanya, ganun lang kadali yun? Paano niya nagawang itapon lahat ng pinagsamahan namin after 5 years?

Hindi niya naba ko mahal kaya ganun na lang yon?

"Nagkukulong ka nanaman dito. Ano forever dito ka nalang?" Sabi ni Deanna at umupo sa tabi ko dito sa kama.

"Ano ba. Bigla bigla ka nalang nv gugulat jan eh. Ano 'bang kailangan mo nanaman?" Inis kong tugon rito.

"Hmmm. Wala naman. Naisip ko lang na baka kailangan mo ng advice ko."

"Advice mo mukha mo. Wala namang patutunguhan 'yang mga advice mo!"

"Hay nako paps. Wala kang bilib sakin eh. Halika, tumayo kana jan at magbihis ka!"

Agad namang napakunot ang noo ko, anong binabalak nito?

"Saan tayo pupunta at anong gagawin natin?"

"Saan paba edi hahanapan natin ng kapalit si misis mo!"

"Gago! Wala akong balak palitan yon no."

"Sus. Basta magbihis kana jan! Akong bahala sayo." Sagot nalang niya at lumabas na ng aking kwarto.

~

"Wala pa tayong 30 minutes dito tapos nakaka-limang bote kana agad."

"Wala kang pake no. Dinala-dala mo ko dito tapos magrereklamo ka."

"Concern lang ako sayo, paps!"

"Paps ka ng paps, may pangalan naman ako!"

"Pake mo e yun gusto kong tawag sayo?"

"Sige. Bibigyan kitang 3 minutes para iiyak lahat ng sakit."

"Anong 3 minutes? Bakit naman ako iiyak?"

"Eh kasi nga diba iniwan ka? She dumped you after the 5 year relationship you've had. She didn't even bother to say good bye, she left you hanging. She left without giving you the proper reason why she had to leave. Sakit no?"

Hindi pa nakakalipas ang isang minuto ay tumutulo na ang mga luha ni Victonara sa ala-ala ng kanyang kasintahan at kung bakit siya nito iniwan.

'Kahit pala ilang alak pa ang dumaloy sa katawan ko tila sariwang-sariwa pa ang mga sugat na iniwan mo.'

Sabi nito sa kanyang isipan. Agad siyang napabalik sa wisyo ng marinig ang pagtawa sa kanya ng pinsan. Tiningnan niya na lamang ito ng masama.

"Tingnan mo wala pang 3 minutes umiiyak kana." Asar sa kanya nito.

"Eh gago ka, pinaiyak mo ko." Sagot nito sabay punas ng kanyang luha. Kung hindi niya lamang siguro pinsan ito ay nasapak na niya ito.

"Sandali lang ha, cr lang ako tapos uuwi na tayo. Wag ka kung saan saan pupunta!" Sabi nito bago tumungo sa banyo.

Maya maya pa ay pagka-alis ng pinsan nito ay agad na may lumapit na babae dito.

"Hi. I'm Amanda, by the way." Sabi nito at nilahad kamay nito.

Dala ng sobrang kalasingan ay bigla na lamang nitong hinigit ang babae at hinalikan ito sa pag-aakalang pigura ng dating kasintahan ang nakikita nito.

Fathom (KaRa x JeDean)Where stories live. Discover now