Vacation

433 17 8
                                    

"Mika." Tawag ni Jz sa kaibigan. Kanina pa ito humihikbi at alam niya ang rason ng pag-iyak nito. Kahit hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin si Mika. At natutukoy nito na sinisisi niya ang sarili ni Mika.


"You saw her right? When your eyes both met again, your heart ache right?" Tumingala si Mika at agad na niyakap si Jz.

"Ang sakit pa rin, Jz. Ang sakit sakit. Pakiramdam ko kasalanan ko. Naguguilty ako Jz. Sobra akong naguguilty." Pag-iyak nito.

Nasasaktan siya dahil iniwan niya si Vic. Nasasaktan siya kasi hanggang ngayon ay mahal niya pa ito. Nasasaktan siya kasi mahal niya pa, pero pinalaya na niya. Sobra siyang nalulungkot kung iisipin. Masaya siya ng muli niyang masilayan ito pero nalungkot siya ng magisnan ang emosyon sa mga mata nito. Nasaktan siya sa nakita niya sa mga mata nito. Lungkot.

Naguguilty siya dahil bigla na lang niya itong iniwan. Nagsisi siya dahil iniwan niya ito. Nagsisisi siya dahil hindi niya ito pinanindigan. Masakit pero alam niyang kailangan niyang gawin kung ano ang ginawa nito. Kinailangan niya iyong gawin para sa kapakanan ng iba. Nagsisisi siya dahil pinakawalan niya ang babaeng pinakamamahal niya. Sobra siyang nagsisisi. Ika nga nila, nasa huli ang pagsisisi.

Humiwalay naman sa yakap si Mika at pinahid ang mga luha sa mukha niya. Sumisikip ang dibdib niya dahil sa sobrang sakit at pag-iyak.

"Mika. Makinig ka sakin." Sabi ni Jz and held Mika's chin para magsalubong ang mga mata nila. "Its not your fault, okay? Hindi mo ginusto ang nangyari. Walang may gusto nito, okay? Wag mong sisihin ang sarili mo." Sagot ni Jz.

Pero bilang si Mika, hindi niya parin magawang hindi sisihin ang sarili niya. Hindi niya nga gusto ang nangyari pero pinili niyang gawin iyon. Paano niya hindi sisisihin ang sarili nya kung hindi niya nga ginusto ang iwan si Vic pero ginawa niya parin. In short, hindi niya nga ginusto ang nangyari pero pinili pa rin niyang iwan si Vic kahit pa kapalit niyon ang relasyon nilang dalawa.

Masyadong malalim ang rason na meron siya kaya sa pagkakataong yun, hindi niya pinili si Vic. Hindi niya pa kayang sabihin ang mga rason niya sa takot na hindi siya maunawaan nito.

"Pero Mika, alam mo, Vic deserves to know."

"Jz, alam mo naman na hindi ko pa kaya diba? Pero promise, sasabihin ko rin sa kanya, once i'm ready." Sasabihin niya rin kay Vic lahat kapag handa na siya. Pero sa ngayon, hindi muna.

"Basta, Mika, just to let you know okay... she deserves to know the truth." Tumango na lang si Mika at niyakap niya si Jz.

~

Kanina pa ako dito sa kwarto at hindi lumalabas at di parin ako kumakain. Paano naman ako makakain kung ganun yung nagyari kahapon diba? Nakita ko lang naman ang ex ko.

Nabobother din ako sa pag-uusap namin ni Kim kanina.

FLASHBACK

"Vic, ano bang problema mo? Kanina ka pa hindi nagsasalita jan." Pukaw ni Kim sa kanina pa tahimik na si Vic. Kanina pa kasi ito hindi nagsasalita kahit nung nasa byahe pa.

"Vic?" Tawag ulit ni Kim. Nasa kwarto sila at ito si Vic, nakatalukbong ng kumot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fathom (KaRa x JeDean)Where stories live. Discover now