Chapter ONE

23 0 0
                                    

"Oh anak, handa ka na ba para pumasok?" tanong sakin ni papa habang pinupunasan niya ng basahan ang kanyang tricycle.

Napabuntong hininga ako bago nakasagot. "Eh papa, nandito na po ito eh. Wala na pong atrasan." napakamot pa ako ng ulo sa pagkadismaya.

Huling taon na at ga-graduate na ako ng elementarya pero inilipat pa ako nila mama at papa sa ibang eskwelahan. Iyon 'yung eskwelahang pag-aari ng lola ko. Pribadong eskwelahan 'yon at hindi naman ako makakapasok doon kung hindi nang dahil sa kanya.

Sinagot ni lola ang lahat-tuition, uniform, libro at lahat ng pwedeng bayaran, ang tanging gagawin ko na lamang ay ang pumasok.

Napatigil sa pagpupunas si papa at matamang tumingin sa akin. "Anak, oportunidad na iyan. Sana ay huwag mong sayangin. Kasama mo naman ang mga pinsan mong si Jorie at Marky hindi ba?"

"Eh papa, ano po bang sayangin sayangin ang sinasabi ninyo, heto na nga't naka uniform nako oh!" di makapaniwalang tinignan ko pa ang kabuuan ko.

"Tsaka, kasama ko nga si Jorie at Marky pero ibang antas na sila papa. Si Jorie first year highschool na, second year naman si Marky. Paano ko silang makakasama roon?" naghihimutok kong aniya. Paghihimutok na akala mo naman eh may mababago pa. 

Ako na nga mismo ang nagsabi, nakauniporme na ako. Hinihintay na lamang namin ang magkapatid at sabay-sabay na kaming tutulak papuntang eskwelahan. Wala na talaga itong atrasan.

Hindi naman sa pagbabalewala, talagang pinagpapasalamat ko ang pagtulong sa amin ng lola ko, pero sadyang nakakapanghinayang yung samahan namin ng mga dati kong kaklase. Ilang taon rin ang aming pinagsamahan. Isang taon na lamang, napadali ko pa silang iwanan.

Nakakapanghinayang rin ang mga markang nakamit ko sa dati kong eskwelahan. Tiwala ako sa sarili ko, sigurado yan. Ngunit sa pagkakaalam ko, hindi maaaring maging top student ang isang transferee. Sayang naman ang pinangarap kong maging Elementary Valedictorian.

"Oi Joan. Anong nginunguso-nguso mo riyan? Tara na't mahuhuli na tayo sa klase, first day pa naman." mapang-asar na bungad ni Jorie. Di pa man nakakalapit, nang-aasar na. Ito kasi ang higit na nakakaalam sa pagkadisgusto ko sa paglipat ng eskwelahan.

Muli akong napabuntong hininga bago sila lapitan. Isa-isa kaming pumwesto sa tricycle. Si papa ang magmamaneho, sa likod niya si Marky. Kaming dalawa naman ni Jorie sa loob.

Maya-maya lang ay naroon na kami. Sabay-sabay kaming pumasok at nagpunta sa library upang kunin ang aming mga libro. Ito ang unang pagkakataon na nakapasok kami sa silid-akalatan na ito at hindi ko napigilan ang sarili kong mamangha. 

Ang dami nilang libro! Malayo sa bilang ng libro sa silid-aklatan ng dati kong eskwelahan. Hindi lang kaliwa't kanan ang mga estante na kinalalagyan ng mga aklat kundi hile-hilera. Maayos na naka-salansan ang bawat aklat at naka-grupo depende sa nilalaman. Masarap sigurong magbasa rito gayo't malambot na upuan ang nakalaan sa mga nais magbasa. Hindi gaya doon sa dati kong eskwelahan na kawayan na nga lang ay usli-usli pa ang pamakuan. Tuloy ay hindi maiwasan na ang palda ko'y mabutasan.

Isa sa mga hilig ko ang magbasa. Mapa libro, magasin o dyaryo man. At madalas na nauubos ang libre kong oras sa pagbabasa. Pakiramdam ko kasi'y napupuntahan ko ang bawat lugar na ikinukwento ng mga manunulat sa libro. Nakakasalamuha at nakikilala ko rin ang mga tauhan nito. Tiyak na magiging madalas ako rito.

"Oh, ngiting-ngiti tayo diyan Joann ah! Parang hindi na labag sa loob mo ang pagpasok dito sa school na to." mapang-asar na ani Jorie. Kasalukuyan naming iniintay ang katiwala para maibigay sa amin ang mga libro namin.

Pinag-ikutan ko siya ng mata bago magsalita. "Natutuwa lang ako dahil meron pala sila ganito kagandang library. Tiyak na dito mauubos ang libre kong oras at hindi sa pakikipag-plastikan." pinagkadiinan ko ang huling sinabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What do we mean to each otherWhere stories live. Discover now