Chapter 3

37 2 0
                                    

Nakarating kaming Manila bandang 12 dahil sa traffic nakakainis. Dumiretso kami kaagad sa bahay ni tita doon ko ihihinto si Mom . May sarili kasi akong condo kaya hindi ako dyan titira for one week.

"Sige mom I need to go. May meeting pa kong dadaluhan," Pagsasabi ko sa kanya habang binababa niya yung maleta niya.

"Sige umalis kana. Dito ka magdidinner mamaya?" Tanong niya sakin umiling ako.

"Masyadong malayo toh sa condo ko mom. Marami pa akong aasikasuhin sa company," Pagpapaliwanag ko bumugtong hininga naman siya.

"Sige, basta dumalaw ka dito,"

"Mom pupunta naman ako dito pagumuwi na tayo," Nakangiti ko sabi kinunutan naman niya ko ng noo.

"Ang sabi ko dumalaw ka," Pagbabanta niya kaya natawa ko tsaka tumango. Nagpaalam na ako dahil mahuhuli na ako ng meeting.

Pagdating ko ng company ay bumaba kaagad ako sa kotse. Inayos ko rin ang sarili ko. Nakasuot ako ngayon ng magkaterno na damit na kulay white and black na may blazera at sandals.

Binati nila ako ng kung ano ano . Namiss yata ako kasi naman mahigit 1 month din akong hindi nagpakita dito. Ano na kayabg itusra ng opisina ko.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 40th floor. Doon kasi ang opisina ko at doon din gaganapin ang meeting. Nakita ko kaagad ang napakaganda at daldal kong secretary pati narin ang ibang ka meeting.

"Ma'am buti naman po dumating na kayo," Nakanguso niyang sabi at nginitian ko naman siya.

"Sorry na late. Traffic kasi papuntang Manila eh," Sabi ko tsaka umuwi sa upuan ko. Nilapag ko din ang bag ko sa mesa at pinagdikit ang palad ko tska nilagay sa mesa.

"Bakit kayo nagpatawag ng meeting?" Nakataas kilay kong sabi sa kanila.

"Bumababa ang sales ng product na pinabenta natin," Paliwanag ng isa sakin. Napasandal naman ako ng likod sa upuan.

"So kasalanan ko kung bumababa ang sales?" Nakakunot kong tanong.

"Hindi sa ganon Ma'am pero kailangan natin ng bagong mag momodel ng product natin!" Nagtaas ako ng kilay sa kanila.

"Sino naman ang naiisip niyo? Angel Locsin? Kathreen Bernardo? Daniel Padilla? Alden Richard?" Natatawa kong sabi.

"Hindi siya artista Ma'am," Kumunot naman ang noo ko at naging interesado sa topic.

"Who?" Tanong ko.

"Schan Dela Fuente Ma'am. A famous singer in the Philippines and other country Ma'am!" Dela Fuente? Kaano ano ni Ethan yun. Napakamot ako ng sintido ko bago ko hawakan kung ballpen at paglaruan ito sa kamay ko.

"Dela Fuente? A famous singer? Where is he?" Marami kong tanong.

"Ma'am on the way na daw po siya dito!" Sabi ng secretary ko.

"Cinonsult niyo sa without my permission?" Nagtaas ako ng boses . Dahil nag hanap sila ng mag momodel ng product without my permission at hindi sinasabi sakin.

"I'm sorry I'm late!" Hinihingal na sabi ng isang lalaking nakatayo sa harap namin.

Napatingin ako sa kanya. Matangkad, maputi pero mas maputi si Ethan, perpekto ang panga, mahaba ng konti ang buhok at kulay blue ang mata nag contact lens siya?.

"Who are you?" Nakataas na kilay kong sabi.

"I'm Schan Javice Dela Fuente Miss CEO," Nakangiting paliwanag niya.

"How old are you?" Nagtaas naman siya ng kilay.

"Type mo ko?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Your over confident huh?! You're not my type Mr. Dela Fuente!" Natatawa at iiling kong sabi. Para naman siyang napahiya yung iba nagpipigil ng tawa.

Dela Fuente Series#1 Waves Of LifeWhere stories live. Discover now