Chapter 4

46 2 0
                                    

"Ano bang ginagawa niyo dito?" Inis na tanong ko sa dalawang babae-itang toh.

"Ang sama mo naman ate." Sabi ni Kia at prenteng umupo sa sofa ng sala ko.

"Hoy Kia ang layo layo neto sa bahay ni tita ah,"

"Oh ngayon?" Inis akong tumungin sa kanya at binalibag ng unan ang mukha niya.

"Ate ano ba, ang sakit!" Inis na sabi niya habang hinihimas yung ulo niya.

"Paano kayo nakapunta dito?" Tanong ko .

"Duh sempre nag commute," pamimilosopo niya sakin , umirap naman ako.

"Alam ko, pero delikado sa ganyang edad niyo ang mag commute ng gantong oras," Alam niyo ba kasi kung anong oras ngayon 6:00 ng umaga 5:30 sila dumating dito nakakainis.

"Ate gabi ang masama bumiyahe hindi madaling araw," Sabi niya .

"Ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo. Umalis na kayo dito pagpatak ng ikawalo ng umaga maliwanag?" Nakabit balikat lang siya.

Tumingin naman ako doon sa kasama niya si Trisha yung ultimate bestfriend niya na laging nakabuntot sa kanya saan man mag punta.

"Ate don't look at Trisha like that," Bumaling naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay bago tumayo at dumiretso sa C.R para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis ako kaagad . Simpleng maong shorts at crop top offshoulder lang ang suot ko.

Pagdating ko ng sala ay nandon parin yung dalawa nanonood ng Love in the moonlight. Tumabi ako sa kanila at inagaw yung pagkain na kinakain nila.

"Ate ano ba pagkain namin yan e!?" Inis na sabi ni Kia pero hindi parin inaalis yung paningin sa T.V.

"Ako bumili neto hindi kayo, kaya pwede akong kumain neto ," Sinubo ko ang isang cookies na binili ko. Well masarap naman toh pero mas nasasarapan ko yung Oreo haha.

"Ate ahm pwedeng manghingi ng 2000 pesos," Tumaas naman kaagad yung kilay ko at tumangin sa kanya . Nakita ko naman ang kanyang pagnguso.

"Saan mo naman gagamitin?" Taas kilay kong tanong.

"Ah basta," Kumunot naman yung noo ko.

"Kung hindi mo sasabihin hindi kita bibigyan," Sabi ko sa kanya at tinignan muli ang pinanonood.

"Kase Ate kailangan namin yun pera para sa thesis namin," Ako pa niloko neto.

"Thesis? Talaga?" Tumango siya

"Ako pa talaga niloko mo, Saan mo gagamitin yung 2000 pesos na hinihingi mo?" Napakamot siya ng ulo at ngingiting ngumiti sakin.

"Kase ate ang totoo niyan nakasira ako ng painting sa school tapos worth yon ng 1500 pesos. Eh hindi naman ako makahingi kay tita tsaka kay mama kaya sayo nalang,"

"Edi umamin karin," Sabi ko tsaka nilabas yung 2000 pesos sa wallet ko at ibinigay iyon sa kanya nagliwanag naman yung mukha niya.

"Salamat ate," Sabi niya at niyakap ako ng sobrang higpit at nakakasakal.

"Ano ba tanggalin mo ngayang kamay mo sa leeg ko." Nahihirapan kong sabi sa kanya at dali dali siyang umalis sa pagkakayakap sakin.

"Trisha tara na , nakuha ko na yung pambayad," Sobrang saya niya at kinuha yung bag niya.

Napailing nalang ako at tsaka hinatid sila hanggang sa elevator ng floor ko. Niyakap niya muli ako bago tuluyang sumakay ng elevator.

"Ate see you next time," Masayang sabi niya kumaway nalang ako at umalis na tsaka pumasok sa unit ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dela Fuente Series#1 Waves Of LifeWhere stories live. Discover now