Chapter Eight

249 9 0
                                    

ANG ABOGADA AT ANG BARUMBADO
ni M.R.Galing

Chapter Eight

"DAD!" tawag ni Lizette sa ama niya ng makauwi. Nasa sala ito at may kausap sa phone.

"Bakit hija?"

"Dad, ano ginawa mo kay Pabling kagabi?"

"At saan ka galing ha? Nakipagkita ka sa kanya! Lizette, kung siya lang naman ang lalaking mamahalin mo ay mas mabuti pang ipakasal kita kay Alex," anito.

"What? Dad, no! Hindi ko siya mahal at hindi ako magpapakasal sa kanya!"

"At saan mo gusto? 'Yong lalaking galing kulungan at nagtutulak ng drugs? It's a big NO! Ngayon lang ako nakialam sa buhay alam mo 'yan, kaya sa ayaw sa gusto mo ako ang magdedecide sa tamang lalaki para sa'yo!"

"Dad, ngayon ka nga lang nakialam sa buhay ko pero ang isa pang pinakamahalaga sa aking buhay ang papakialaman mo! Dad, don't do this to me please! I'm begging you!" halos maiyak na siya sa pakikiusap sa ama.

"It's final Lizette! I called Alfredo and Alex to prepare everything. Manang!" tawag nito sa Yaya ni Lizette na siyang katiwala.

"Bakit po Sir?"

"Bantayan mo si Lizette!" ani Leo.

"Dad!" sinubukang hawakan ni Lizette ang kamay ng ama ngunit umalis lang ito.

Tumakbo siya sa taas na umiiyak.

"Hija," tawag ng Yaya na sumunod sa alaga.

"Yaya, hindi na ako bata, bakit pati love life ko?" umiiyak na saad ni Lizette.

"Eh baka naman mas makakabuti 'yong gusto niya."

"Hindi naman lahat ng lumaya sa kulungan at naipakulong ay masama. Oo, ako ang naging daan para maguilty siya sa kasalanang 'di niya ginawa pero nalaman kong inosente siya. Hindi rin naman lahat ng mahihirap ay manggagamit, mas manggagamit pa nga ang mga mayayaman eh."

"Tumigil ka na sa kaiiyak. Kukuha lang ako ng gatas para inumin mo at 'di ka na ma-stress."

Hinayaan ni Lizette na lumabas ang matanda at mas napaiyak siya dahil tila wala siyang kakampi at magagawa.

ILANG linggo nang bantay sirado si Lizette habang inihahanda ang kasal nito kay Alex.

"Yaya!"

Napatakbo ang matanda nang marinig ang pagtawag ni Lizette.

"Bakit? Anong nangyayari sa'yo?" pag-aalala nito nang makitang namimilipit sa sakit ang dalaga.

"Yaya, ang sakit ng tiyan ko! Kanina pa ako suka ng suka!"

"Ha?"

"Dalhin mo na ako sa hospital!" pagsusumamong saad nito.

"Sige halika na!" inalalayan si Lizette ng matanda pababa.

"Mario! Kunin mo ang sasakyan ni ma'am at dadalhin natin siya sa hospital!" ani matanda na natataranta. Tumalima naman agad ang driver.

"Saan kayo pupunta?" sita ng tauhan ni Alex na pinabantay sa gate.

"Sa hospital. Masakit si ma'am kaya umalis ka na diyan!" ani matanda.

Pinadaan naman sila ng tauhan kaya nakalabas na ang gate.

"Ma'am kaya mo pa?" ani Yaya na nag-aalala pa rin. Tango lang naging tugon ni Lizette.

Nang makarating sa hospital ay agad kinausap ng matanda ang nurse.

"Yaya, nasusuka ako," ani Lizette sa matanda.

"Ha? Oh sige samahan muna kita.''

"Huwag na po ako na lang. Ikaw na muna bahala diyan," ani Lizette at nagpunta sa CR. Nang bubuksan na niya ang CR ay muling sinilip ang matanda at nang makitang nakikipag-usap ito sa nurse ay pasimpleng naglakad siya pabalik at sa likod nito nang 'di siya napapansin. Nakahinga siya ng maluwag nang nakalabas na sa hospital. Nasa loob naman ang driver niya kaya 'di siya makagamit ng kotse.

Ang Abogada at ang Barumbado (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon