Chapter Fifteen

246 9 0
                                    

ANG ABOGADA AT ANG BARUMBADO
ni M.R.Galing

Chapter Fifteen

"DADDY!" sigaw ni Lizette nang may matanggap na text mula kay Alex na hawak nito ang ama niya.

"Bakit, darling?" nag-aalalang tanong ni Pabling.

"Si dad, hawak ni Alex, teka tumatawag siya. Hello Alex!"

"Hawak ko ang ama mo, 'pag 'di ka magpakita sa akin kasama 'yang kalaguyo mo, papatayin ko ang ama mo!" banta ni Alex sa kabilang linya.

"Hayop ka! 'Wag mong gagalawin si daddy, darating kami."

"Just make sure my dear wife, na wala kang kasamang parak. Kayong dalawa lang ang pupunta, oras na makita ng mga bantay ko na may kasama kang ibang tao, goodbye si daddy mo!" anito at nawala na sa linya.

Nakatanggap na lang ng text si Lizette kung saan ang insaktong lugar.

"Tuso ang mga 'yan! Delikado kung kayong dalawa lang," ani Tiffany.

"Kausap ko na si Lieutenant Saninte ng NBI. Makikipagtulungan sila sa atin." si attorney Cruz.

"Pero sabi ni Alex, bawal ang may kasama. Baka mapaano si daddy," pag-aalalang saad ng dalaga.

"Leave it to me beshy, kausap ko na si pogi at nangako sila na 'di malalamang mga awtoridad sila."

"Sasabak tayo sa giyera," si Pabling.

"Anong giyera? Hindi ka papatay ng tao! Ayaw kong maging kriminal ka! Remember, galing kulungan ka!" ani Lizette.

"Aba anong gagawin ko? Palamuti lang pala 'tong baril ganoon? Ano, papatayin tayo tapos ang igagante ko ay binabaril sila isa-isa sa aking isip lang. 'Yong tipong sa isip mo lang sila madedeadbol."

Natawa naman ang lahat.

"Basta! Hangga't maari, 'wag kang papatay. Another case na naman 'yon laban sa'yo!"

"Okay lang 'yan ma'am, abogada ka naman eh!" sabat ni Bentong.

"Tse! Sa tingin mo ako ang hahawak sa kaso niya kung saka sakali? Bawal 'yon!"

"Bossing, sa itlog mo na lang patamaan ang mga kalaban!" si Bentong.

"Huwag, baka may kaso din 'yon, murdering the egg, ang patatamaan ko na lang ang balahibo nila," si Pabling.

"Saang balahibo, bossing?"

"Malapit sa itlog," sagot ni Pabling.

"Puro kayo kalokohan! Halika na nga! 'Wag na tayo magsayang ng oras!" yakag ni Lizette.

Naunang umalis sina Pabling at Lizette papunta sa lugar ng sinabi ni Alex.

"Darling, tandaan mo, mahal na mahal kita."

"Mas mahal kita!" sagot ni Pabling na siyang nagmamaneho.

"Huwag mo ako iiwan ha, walang iwanan," ani Lizette.

"Siyempre, papasok pa ulit ako sa kuweba ni Eba eh, kaya walang iwanan!"

"Sira ka talaga!" natatawang saad ni Lizette at taimtim na nagdasal.

Nang makarating sila sa lugar, malayo pa lang sa abandonadong gusali kung saan nandoon sila Alex, ay maraming bantay na sa daanan.

"Baka, 'di makalusot si Bentong pati mga NBI," pag-aalala ni Lizette.

"May mga utak 'yon. Hayaan mo diskarte nila."

Iginarahe ni Pabling ang sasakyan pagkapasok sa loob ng malaking gate.

Ang Abogada at ang Barumbado (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon