𝕴𝖐𝖆-𝖆𝖕𝖆𝖙

13 0 0
                                    

—𝓚𝓮𝓵𝓵𝓲𝓪𝓷𝔂—

Huling araw na nang pagsasanay, Matapos ang paunang laban sa training room kanina ay napansin kong sinundan pako nitong kurimaw na si Yroxz

Tumigil ako at humarap sakanya na, nakapagpatigil sa paglalakad nya.

"May kailangan ka?" Tanong ko sa kanya. Nabakas konaman ang pag ka gulat sa kanyang mukha. Tumingin pa sya sa likod at parang sinisiguradong siya talaga ang kausap ko.

"Ako?" Tanong nya ulet. baket may nakikita ba syang hindi ko nakikita?

"May iba pabang tao dito?" Tanong ko sakanya, Pasalamat sya at gwapo sya.

"Ahm, Ano. Ano--"Paputol putol nyang sabe ano bang kailangan nito?

"Ano? Ilang ano ba ang sasabihin mo ah?" Tanong ko sa kanya at bahagya naman siyang natawa, anong nakakatawa? mukha bakong nagbibiro?

"Anong pangalan mo?" Tanong nya sakin. Napasingkit naman ang mata ko, Sinundan nya ako para itanong lang ang pangalan ko.

Tumalikod nako sakanya at bago pa nakalayo ay

"Kelly" Sagot ko at naglakad na, sinabayan naman ako nang kurimaw sa pag lalakad.

"Hmm, Yung dalawa kanina? Anong pangalan?" Hm, para saan naman ang mga tanong nito? is he fooling me? para sa laro bukas?

"Cyeiril at Fiera" Sagot konalang. Kung niloloko niyako, sisiguraduhin kong mamanipulahin ko siya.

"Ohh. Wait, Wag kang mag isip nang kung ano sakin, wala pakong pinaplano. Wala pa." Muling naningkit ang mga mata ko at tiningnan sya. Napa ismid naman ako sa sinabi nya.

"Masyado kang halata" Sagot ko sakanya. Nagulat naman sya sa sinabi ko

"Anoo? Wala pa naman akong ginagawa at iniisip ah?" Sabi naman nya

"Sabi mo eh" Sagot ko. Mukhang napipikon naman na sya. Napa ngisi ako dahil dun

"Yung babae kanina? si Fiera? Tama? HUMSS ba ang strand nya?" muling tanong nito. Tumigil naman ako sa paglalakad at tiningnan sya, kaya napatigil din sya  sa  kanyang paglalakad.

"Bakit moba tinatanong?" Naiinis na sagot ko sa kanya.

"Gusto ko lang malaman" Sagot naman nito, tiningnan ko naman ang mukha nya kung may binabalak ba sya. At mukha naman talagang curious lang sya kung sino ang mga kasama kanina. Dahil hindi naman nya din ako kilala.

"Oo" Sagot konalang sakanya at umalis na. Nararamdaman ko padin sumusunod sya sakin. Kaya binilisan ko ang paglalakad at agad na kumaliwa sa isang hallway papunta sa dorm namin.

Tinakbo kona ang huling distansya sa kwarto ko. Kinuha ko ang libro na kailangan ko na sa palagay ko ay makakatulong bukas.

Naglalaman ito nang iba't ibang klaseng Codes at Riddles. Alam kong hindi lamang iikot sa mga sangkap ang itatanong bukas.

Lumabas ulit ako at bumaba. Naglakad lakad ako habang binabasa ang libro, May nakita naman akong babae na parang wala sa sariling nakaupo.

Nilapitan ko at kinausap kung bakit ba parang wala sya sa sarili.

"Bakit ka malungkot?" Tanong ko sakanya, Nagulat pa sya at medyo napausog nang upo nang tingnan ako.

"Ahm, wala po" Sagot naman nya saken, mukhang gr.10 palang to ah?

Tinitigan konaman ang mata nya, Maliit lang ang buhok nya at payat, naka puting damit at Naka tokong na pangbaba.

"Alam mo? minsan para gumaan ang loob mo? kailangan molang mag sabi, Minsan mas magaan maglabas nang sama nang loob sa hindi mo kilala, kesa sa kilala mo. Atleast alam mong hindi ka mahuhusgahan" Sagot ko sakanya, napatingin naman sya sakin na parang naluluha.

Alam kong mag o-open din sya. I am not a manipulator for nothing.

"Ah-ahm a-ano po kasi.." Hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin nya, napakunot naman ang noo ko at napatingin sakanya.

Wala pa syang sinasabi pero kung hindi boyfriend ang problema nito paniguradong pamilya o kaya kaibigan

"Alam mo, Walang masama kung mag sasabi ka, Nakakasakit ang pag lilihim" Tumingin siya sakin na naluluha na talaga, tipid ko syang nginitian at tinanguan

"Ate, Ano pong g-gagawin ko pag they always c-count on you, b-but you can not count on t-them. In the end y-you are always being c-compared" Sagot niya at humihikbi na, hmmm friends ang una and family ang huli nyang sinabi. Feeling ko lang ah.

"You know, kung about sa friends mo yan, Hindi ka mamamatay nang wala sila. Hindi mo kailangan nang madaming kaibigan para mabuhay, hindi mo kailangan nang madaming kaibigan lalo na kung ginagamit ka lang nila. Ang kailangan mo ay tapat na kaibigan na andyan pag kailangan mo sya.  Sila ang mawawalan hindi ikaw. Sila dapat ang nalulungkot dahil mawawalan sila nang anghel, hindi ikaw. Naiintindihan mo?" Siryoso at mahaba kong paliwanag sakanya.

"A-ate.. I always wanna talk to them, b-but they always ended up saying, busy sila" malungkot at tumatangis nyang sabi sakin

"People says, Lahat tayo ay may problema nasa atin lang kung pano natin hahawakan. Pero yung iba mas mabigat nga lang. Ganto nalang, Kung nararamdaman mo naman na ginagamit kalang nila. Iwasan mo na sila okay? While on the other hand, kung family mo yan. Mas makakaigi siguro kung, panatiliin mo ang pananahimik mo. Manahimik kalang, don't crave too much attention kasi iba yung magiging tingin nila dun, hayaan molang pansinin ka nila. Show them what you got, pag butihin mo lang. Hayaan mo silang makita kung gano ka kakagaling at ka successful okay?" Tingin ko sakanya. Lalo naman siyang naiyak.

Tango tango lang ang naging sagot nya. naririnig ko naman ang pag hikbi na, binuksan ko nalang ulit ang librong hawak ko, hindi ako nagsalita, tiningnan ko ang libro pero hindi ako nagbasa.

"Ate salamat po, Salamat po ate kelly, Ang ganda nyo na nga po ang bait pa, matalino pa. Sana po masundan ko yapak nyo salamat po" Nagulat ako sa biglaang pagyakap nya sakin at naramdaman ko ang panginginig nang katawan nya, hinawakan konaman sya sa likod at hinaplos iyon. Nagulat din akong kilala niya pala ko, hindi nayun kataka taka. Mas magugulat pako kung hindi niya pala ako kilala.

"Magpahinga kana, mag gagabi na" Sagot ko at tumango naman siya at nagpatiuna na siyang umalis matapos magpaalam.

Tiningnan ko lamang siya hanggang sa makalayo niya, maybe i decided what she should do, I told her what to do. Minanipula konanaman ba sya sa dapat niyang gawin? makakabuti para sa kanya ang pag mamanipula ko kung ganun.

Hindi nako nakapag review pa, Dahil nag gagabi na din ay pumasok nako sa dorm, nakita kopa si fiera at si cyeiril. Nginitian kolang sila at bumalik na.

Bukas, totoong laban na ang magaganap. At sigurado akong handa ako sa laban na papasukan

A/N: Hope you like it po! Next Chap, Laban na!!!!

UNBIND THE DISCRIMINATIONWhere stories live. Discover now