Chapter 4

12 0 0
                                    

Sciara POV

Naramdaman ko ang init ng araw na tumatama sa mukha ko. Hindi naman mahapdi ang init pero nakakasilaw ito. Napakunot ako ng noo at unti-unti kong minulat ang kanang mata ko. Nakita ko si Ayame na binubuksan ang mga kurtina. Nagha-humming pa siya habang nagbubukas.

Nakangiting humarap sa akin si Ayame. Maaliwalas ang kanyang mukha at maliksing pumunta malapit sa akin.

"Magandang umaga, Lady Ayame!" masiglang wika nya.

Dahan-dahan akong bumaba sa higaan. Nararamdaman ko pa rin ang kaunting pangingirot ng ulo ko. Hindi naman na siya gano'n kasakit 'gaya kahapon. Napahawak naman ako roon kung kaya dali dali akong inalalayan ni Ayame.

"Wag po muna kayong magkikikilos Lady Sciara. Mga ilang araw pa po bago tuluyang maghilom ang sugat mo" nag-aalalang wika niya.

Inalalayan niya ako pabalik sa higaan. Nilagyan niya ng kumot ang ibabang bahagi ng katawan ko. Tinititigan ko lamang siya habang inaasikaso niya ako. Napababa ang tingin ko sa kaniyang kamay na may sugat. Naroon pa rin ang bandage sa kamay niya kaya kapansin-pansin ito.

"Naalala ko na nasugatan ni Sciara ang taong pumatay sakanya. Maari kayang siya iyong sumugod sakanya noong gabing iyon? Kilala niya ang sumugod sakaniya. Posibleng isa siya mga taong malapit sakaniya"

Inangat ko ang tingin ko sa kaniyang mukha. Maamo ang kaniyang mukha na parang walang gagawin masama pero hindi mo rin masasabi dahil maaring 'gaya siya no'ng lintek na babaeng iyon.

Napakuyom ang kanang kamay ko ng maalala si Haisley - ang matalik kong kaibigan. Masasalamin sa mata ko ang galit na kinikimkim ko dahil sa pagtataksil niya sa akin. Kitang-kita rin ang panginginig ng kamao ko dahil sa galit.

"Lady Sciara?"

"Lady Sciara? Ayos ka lang ba?"

"Lady Sciara?"

Napatingin ako kay Ayame ng maramdaman ang pagtakip niya sa balikat ko. Nag-aalala ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin. Napaiwas naman agad ako ng tingin dahil napaka inosente ng kaniyang mga mata. Hindi ako sanay na nakakakita ng gano'n sa mundong kinalakihan ko.

Napatikhim ako at tiningnan siyang muli para tanungin ang mga gumugulo sa isipan ko.

"Ayame, nasa Arizona pa rin naman tayo hindi ba?"

Umupo muna siya sa upuang malapit sa akin. Nakita ko sa itsura niya ang pagtataka sa tanong ko. Napaayos agad ako ng upo at hinintay ang isasagot niya sa tanong ko. Medyo kinakabahan ako kasi baka nasa ibang planeta na pala ako.

"Opo Lady Sciara. Nasa Arizona po tayo"

Nakahinga naman ako ng maluwag sa nalaman. Napatingin ako sa bintana at pinakinggan ang huni ng mga ibon. Napaka tahimik ng kapaligiran. Pinaikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Pinagmamasdan ang bawat sulok ng kwarto.

"Siguro nasa past ako. Hindi naman pwedeng nasa future ako kasi hindi naman advance ang mga technologies nila. Mukha naman kasing makaluma dito. Shet. Nag time travel ba ko?"

HiraethWo Geschichten leben. Entdecke jetzt